Forty-three "I'M not interested Simon," walang kagana-ganang wika niya sa dating kasamahan. Lalo lamang unarko ang magkabilang sulok ng mga labi nito sa narinig, at tila natuwa lamang sa kanyang naging reaksyon. Umupo ang dalawa sa katapat na mga bakanteng silya. Saka naman nahagip ng paningin niya ang pagkailang ni Iliana sa mga bagong dating at upang 'di maging awkward siya na ang nagpakalala sa mga ito dahil mukhang wala ring balak ang dalawa na gawin 'yon. Insensitive living creatures... "Pasensya ka na sa kanila Lian, sila nga pala sina Urie at Simon dati kong kasamahan sa SpaiDer, and this is Iliana the new manager of Clare," wika niya nang makitang mapatitig ang dalawa sa kasama niya ng mga oras na 'yon. "Hi, I'm Irie, the SpaiDer's tank user," nakangiting bati at pakilala na

