Bumalik siya kung saan iniwan ang ngayong gising na si Hera malayo ang tanaw nito sa labas ng malaking glass door. Walang pag-aalinlangan niyang nilapitan ito. "Do you want to eat anything?" he asked. "The bird outside is gone," she uttered without looking at him. Tinutukoy marahil nito ang ibon na madalas tumambay sa labas. Karaniwan lang naman sa mga ibon na magpalipat-lipat ng lugar depende kung saan ito komportable. "Why?" takhang tanong niya. "It's gone because I Ieft this morning," sagot nito. "Why?" Lumapit na siya kay Hera upang malinaw na makita ang tinutukoy nito. "Hindi ka ba minsan nagduda sa akin?" Kumunot ang noo niya sa huling narinig. "Tungkol saan?" "Everything." Hindi niya malaman kung ano ang gusto nito sabihin sa kaniya dahil hindi nito dinedetalye ang mga

