Aksidente

473 Words
Inutusan ako ni Jammille na bumili ng pagkain ng mga kaibigan nya sa labas ng school kahit na bawal lumabas. Madalas talaga nila akong inuutusan sa labas ng school na parang alila nila. "Bugggshhhhh," tunog ng sasakyan nang nabunggo ako. Alexa's pov. Nagulat ako ng biglang may sasakyan na papalapit sa akin. "Ouch! Aray! ang sakit ng katawan ko" mahinang sambit ko habang nakahandusay sa kalsada. Di ko maigalaw ang katawan ko, umiikot at nagdidilim ang paningin ko, di ko na nga marinig ng maayos ang usapan ng mga taong nakapilibot saakin. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko . Akala ko mamatay na ko at ito na ang katapusan ng buhay ko. Naramdaman ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama at inaaninag ang ilaw na nakabungad sa kisame. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at maputi ang paligid at maaliwalas, "nasaan ako" mahina kong bigkas sa sarili ko. "Nurse, nurse! , Dok! nagising na po ang anak ko! puntahan nyo na po sya!", rinig ko habang inaalala ang mga nangyari saakin at kung paano ako napunta sa gantong sitwasyon. "Ineng naririnig mo ba ako?" tanong ng doktor saakin . "opo dok" tango ko nmn sakanya. "Kamusta ang pakiramdam mo iha,may masakit ba saiyo?" dagdag pa ng doktor. "wala po " matipid kong tugon sakanya, at kinausap ang lalaki na nakatayo sa tabi ko. "Mr.Smith mukhang okay naman na ang kalagayan ng anak nyo kailangan nalang nya magpahinga" sabi nito sa taong diko nakikilala. Tiningnan kong maigi ang katawan ko at pinakiramdaman ito at napag isip isip ko , "bakit umigsi ang buhok ko at sobrang puti ng balat ko?" "Ahh baka dahil nandito lang ako sa hospital kaya ganto ko kaputi" bulong ko sa sarili ko. " Luis anak , pinag alala mo ako ng todo, akala ko di kana magigising ,anim na buwan kana na nakaratay dito sa hospital at halos mawalan na ako ng pag asa dahil sa kalagayan mo" maiyak iyak na tugon nito kay Alexa. Nagulat si Alexa sa sinabi ng lalaki " sino po kayo? " tugon nito. " Luis ,di mo ba ako nakilala, ako to ang daddy Smith mo" sambit nito. "L..l..luis ang pangalan ko? pero Alexa ang pangalan ko" tugon ni Alexa kay Mr.Smith. "Ikaw si Luis Smith ,Luis ako ang daddy mo Henson Smith, nag iisa lang kita na anak at patay na ang mommy mo, tayong dalawa nalang sa buhay anak, ikaw ang taga pag mana ko ng Henson Technology Industry." pagpapaliwanag nito kay Alexa. "A..a..ako? T...t..tagapag mana? " gulat na pagtataka nito. "Sige Luis , aalis muna ako at pupunta sa kompanya at may mga aasikasuhin lang ako na problema, babalikan ulit kita mamayang gabi, di ka nmn papabayaan ng mga doktor dito, bye anak" paalam nito sabay halik sa noo nito habang natutulala sa kawalan. pov's end....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD