NANG magkamalay si Nicole ay nasa isang pribadong silid na siya. Kasama niya roon si Tita Malou at si Keith. Mababakas ang pag-aalala sa anyo ng mga ito. Sandali siyang na-confuse sa kinaroroonan niya. Hindi kaagad niya naalala ang mga nangyari. Nang mapatingin siya sa walang kangiti-ngiting mukha ni Keith ay unti-unting nagbalik sa kanya ang nangyari. Pinuntahan siya ni Jessie sa set para imbitahin sa kasal. Hindi naging maganda ang pag-uusap nila na nagresulta ng pagtulak nito sa kanya at pagkakasugod niya sa ospital. Nasugatan ang pisngi niya at nag-request siya ng cosmetic surgeon. Si Keith Darlington ang dumating at masaya siyang makita ito. Napansin nito ang chart niya at... at buntis siya. Napalunok siya nang sunod-sunod. Paano nangyari iyon? O nananaginip lang siya? Hindi totoo a

