MATAGAL nang nakatayo sa harap ng pintuan ng unit ni Keith si Nicole ngunit hindi pa rin niya magawang pindutin ang doorbell. Nagtatalo ang kalooban niya. Parang naduduwag na siya. Parang gusto na niyang bumalik sa bahay niya. Ano ang sasabihin niya rito? Paano niya ipapaliwanag ang pagbabago ng isip niya? Paano kung galit ito sa kanya at sabihin nitong ayaw na siya nitong makasama sa bahay nito? This was a bad idea. But she wanted to be with Keith—her darling. Napapawi nito ang lahat ng lungkot at sakit na idinulot ng dati niyang asawa. He could make her happy so easily. Mas madaling tumawa kapag ito ang kasama. She thoroughly enjoyed kissing him. Baka maaari niyang ipagpabukas ang pagpunta rito. Baka naiinis pa ito nang lubusan sa kanya. Pahuhupain muna niya ang— Bigla na lang bumukas

