23

1540 Words

NAKAHARAP sa salamin si Nicole at iniisip kung maglalagay siya ng makeup nang lapitan siya ni Keith at hagkan ang ibabaw ng ulo niya. “Huwag na lang,” banayad na sabi nito na tila nababasa ang nasa isip niya. “Maganda ka pa rin kahit na wala. Hindi naman pormal ang dinner.” Nalaman niya kanina mula kay Charlene na malalapit nitong mga kaibigan ang darating, mga kakambal ng nobyo nito at mga nobya ng mga ito. Pare-parehong aktibo ang mga ito sa foundation at may malaking proyekto na idinulog kay Keith. Ang dalaga rin ang nagsabi sa kanya na mahilig tumulong si Keith sa mga pasyenteng nangangailangan ng expertise nito ngunit walang perang pampaopera. Bahagya na rin nitong naipaliwanag sa kanya ang tungkol sa proyekto. Keith needed more funds and resources. Sa dami ng mga nangangailangan,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD