“MAY GAGAWIN ka ba mamaya?” Nilingon ni Nicole si Keith pagkatapos niyang ibigay kay Alice, ang assistant niya, ang kanyang bag. Nasa lobby sila ng Cattleya Medical Center at hinihintay ang pagdating ng sasakyan niya. Ang sabi niya kanina kay Keith ay maaari na itong magbalik sa trabaho nito ngunit nagpumilit itong pasakayin muna siya. “Canceled ang lahat ng taping ko kaya wala akong gagawin,” tugon niya sa tanong nito. Sana ay yayain siya nitong kumain sa labas. Kung maaari sana ay ayaw pa niyang mahiwalay rito ngunit naiintindihan din naman niya na kailangan nitong magtrabaho. “Dinner?” Yes! “Sure. Saan mo gusto?” “I’m bringing someone along, if you don’t mind. Charlene, my niece, wants to meet you.” Bahagyang nanamlay ang nararamdaman niyang kasiglahan at kaligayahan. Nais lang

