Nang nag angat muli ako ng tingin sakaniya ay nakita ko ang pag ngiti niya. Alam ko naman na mabait siya halos lahat ay kaibigan niya dahil siguro sa palakaibigan siya at magaang kausap hindi din siya tulad ng iba na peke kung ngumiti alam ko naman na kahit nakakausap ko ang mga classmate namin ay iba dun peke lamang ang pakikipag kaibigan sakin. Siguro dahil president ako ng room at ako ang magaling saming klase. Kaya kung minsan ay nakikipag kaibigan lamang sila para humingi ng tulong sa pinag aralan o kung ano man ang hindi nila naintindihan sa tinuro ng teacher namin. Nakakalungkot minsan, pero siya itong hindi ko pinapansin kahit alam kong hindi naman siya mahirap kaibiganin siguro dahil crush na crush ko siya at nahihiya akong lumapit, ngayon siya itong nasa harap ko amoy na amoy ko pa ang bango niya sa totoo lang amoy siyang mayaman na kahit siguro hindi mag pabango sa itsura palang niya mukha na siyang mabango at masarap yakapin. Bigla ako napailing at saka ko narinig ang munting halakhak niya. tumingin muli ako sakaniya at kitang kita ko ang ngiti niya at pantay pantay na mapuputi niyang ngipin.
"b-bakit ka natatawa?"
sabi ko at iwas ng tingin, hindi ko talaga kayang makipag titigan sakaniya pakiramdam ko ay namumula ako sa tuwing nag tatama ang mata namin.
"are you imagining things?" natatawa niyang tanong. Umiling lamang ako
"you're being friendly to anyone except me, bakit elyse?" malumanay niyang sabi, Suminghap ako at umiling muli hindi ko alam kung ano isasagot ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko.
"hindi huh, busy ka l-lang kasi sa iba mong friends."
"and now you acused me of being busy, Hindi mo kaya ako pinapansin."
Hindi ko mahagilap kung ano ang isasagot ko, nakangiti lamang siya sakin at nag aantay ng isasagot ko.
"a hindi naman kasi kailangan." pahina ang boses ko.
"huh?" lito niyang tanong.
"I mean hindi ko din alam." hays ano ba tong sinagot ko. Sakto naman at nag si datingan ang mga classmate namin bahagya siyang napaatras nung nag excuse ang katabi ko sa upuan para maupo. Tumungin siya sa katabi ko at sunod ay ako. Ganun din ang ginawa ko tiningnan ko kung anong mali sa katabi ko na si benji. Nakakunot kasi ang nuo ni alex.
"tabi" napakurap ako at tumitig sakaniya, seryoso na ngayon ang itsura niya hindi tulad kanina na masaya siya habang kinakausap ako.
Nag tataka na napaangat din ng tingin sakaniya si benji.
"Bakit alex?" tanong ko dahil medyo kinakabahan nadin ako sa inaasta niya. Alam ko na mabait siya at palakaibigan pero kilala din siya dahil sa hilig niyang makipag away o talagang habulin siya ng gulo. Base sa mga naririnig ko lagi siyang napapaaway dahil sa mga nagiging kaibigan niyang babae na akala ng iba nilalandi niya ang girlfriend ng ibang ka schoolmates namin.
"ako diyan" tukoy niya sa inupuan ni benji
Hindi nya sinagot manlang ang tanong ko, Kunot na kunot ang nuo nya, Bumuntong hininga nalang si benji at lumipat ng upuan.
Pag ka upo niya ay saktong pag dating na ng prof namin.
Tahimik lang siya sa tabi ko ramdam ko ang titig niya kapag nakatingin ako sa harap, Na coconcious tuloy ako sa ginagawa niya. Matagal ko na siyang gusto at ang makatabi siya ngayon pakiramdam ko namamawis ako sa kaba.
Hindi ko alam kung anong meron ngayon sa araw na to at biglang nag bago ang ihip ng hangin at pinansin nya ako dati naman ay para lamang akong hangin ni hindi niya nasusulyapan kahit matagal na kaming mag ka klase.
oh baka naman naubos na kasi ang mga babae na nilalandi nya kaya pinapansin niya ako ngayon biglang uminit yata ang ulo ko napadiin din ang pag susulat ko sa notes ko. Kainis napaka babaero naman kasi niya kung magiging girl friend niya ako sisiguraduhin ko na hindi siya magkakaroon ng dahilan para mag hanap ng kapalit ! gagawin ko ang lahat.
nakarinig ako ng pagtawa at napalingon ako kay alex. Kunot nuo akong tumingin uli sa harap baka may nakaligtaan akong sinabi ni prof kaya siya natatawa.
"why are you suddenly mad? what are you thinking?" tanong ni alex sa gilid ko napalingon ako sakaniya at napakurap kung ganon tinitingnan niya ang reaksyon ko? namula ako at napayuko.
he chuckled again. " wala yon may naalala lang". sagot ko at nag patuloy nalang sa pakikinig sa prof namin, kahit ang totoo ay lumilipad ang isip ko kung saan saan.
"you look mad a while a go." kibit balikat niya at ngumisi nalang. Etong lalaki na to ang gwapo talaga kaya ang daming nabibilog na babae sa ngisi nya palang at mukhang mabango palagi naakit na ang mga babae at isa nadin ako duon.
Pero sa totoo lang hindi lang naman sa dahil sa gwapo siya kaya ko siya nagustuhan. Mabait siya alam ko yun mabuti siyang tao lagi ko siyang pinag mamasdan ng palihim nuon at madalas ko siyang nakikitang nakikipag usap sa mga bata sa lansangan kung minsan ay nakikipag biruan siya at nag bibigay siya ng pagkain hindi siya namimili ng taong kakausapin hindi din siya maarte tulad ng ibang lalaki.
Sa dami ng tumatakbo sa isip ko hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase. Tumayo din si alex ng may tumawag sakaniya na siguro ay kaibigan, lumabas na din ito kasama 'yon. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo nadin para makakain sa cafeteria. Natanaw ko pa sa unahan ng hallway si alex na nakikipag tawanan ng ilipat ko sa kasama niya ang tingin ay si gael pala yon isa din sa mga crush ng mga kababaihan dito sa school dahil sa gwapo din ito sabagay lahat naman ng nakikita kong kaibigan niya ay mga magagandang lalaki karamihan din ay babaero hindi ko lang sigurado kay gael dahil hindi ko naman ito napapansin na papalit palit ng babae tulad ni alex.
"grabe, kinausap ka lang ni alex ni hindi mo na ako naalala," nagulat ako ng biglang sumulpot ang matalik kong kaibigan sa gilid ko natawa ako ng sinimangutan niya ako.
"Sorry may iniisip lang." sabi ko kay anna at ngumiti.
"sus si alex yan noh,"
"hindi noh" tanggi ko ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko, halatang halata ba ako? Humalakhak nalang siya at kumapit sa braso ko napangiti nalang din ako tulad niya.