Chapter 1

1097 Words
Chapter 1 “Crush na crush ko talaga siya, sis!” kinikilig na naman ‘tong si Kaye. Naupo pa talaga sa ibabaw ng desk ko at nagpapa-cute naman itong kaibigan ko sa loner na kaklase namin na si Shin. Pero masisisi ko ba siya? Atraktibo naman talaga si Shin, matagal  ko na siyang kaklase simula nang maampon ako—elementarya pa lang. Pero ngayong high school na kami gusto ko talagang gumawa ng paraan para kahit paano makausap na siya. Pero mahirap talaga lalo sa katulad kong mahiyain. “Hindi ka naman papansinin,” iniligpit ko ang ang mga libro ko. Tapos na ang klase namin pero dahil may pa-last words palagi ang teacher namin ngayon ay hindi kami nagtatayuan pa kahit labas na labas na kami. “Hindi ba at crush mo siya? Gawaan ko na ba ng paraan?” kinindatan ako ni Kaye. “Loka, mahiya ka nga! Saka baka may makarinig sa ‘yo!” Maraming nagkakagusto sa kanya, siya ‘yong tipong mala-artista kapag nandiyan at nagkakagulo ang mga kababaihan. May sarili lang siyang mundo pero kahit ganoon, matalino naman siya dahil nangunguna siya sa lahat ng asignatura. Ngayon, gusto ko talagang kausapin siya bago matapos ang fourth grading na ito, sa senior high mukhang lilipat na siya ng eskuwelahan at ako, wala naman akong ideya kung mag-aaral pa ba ako dahil wala pa naman akong natatanggap na impormasyon mula sa tagabigay ng mensahe ng umampon sa ‘kin.  “Okay, listen para matapos na tayo.” Si Mrs. Yu na naglapag ng pula at asul na box sa kanyang desk. “Twenty boys, and twenty girls naman kayo, kaya napagdesisyunan kong sa susunod nating project ay isang babae at isang lalaki ang magkapares.” Kumuha si Mrs. Yu sa asul na box at susunod sa pulang box at kung sino ang dalawang mabunot nito ay iyon ang magkakapares. Kinakabahan ako dahil ayokong mapares sa mga kaklase kong lalaking pasaway. “Andy-Charmaine,” “Gilbert, Lorrine,” Nagpatuloy si ma’am hanggang halos maubos na ang mga pangalan sa magkabilang box. “Shin—Nicole,” Sabay-sabay nagtinginan sa ‘min ang lahat kaya nahiya ako. Pero ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko nang banggitin ni ma’am si Shin at ang pangalan ko na magkapareha. Hindi ba gusto ko siyang makausap? So, bakit kailangan kong kabahan ng ganito? Pagkakataon na ito para maging kaibigan siya… “Chance mo na!” kinurot ako ni Kaye sa tagiliran. “Kaye!” saway ko sa kanya. Naglabasan na ang mga kaklase namin iyong iba ay nagkuhanan na ng contact number. Tiningnan ko si Shin, mukha kasing hindi siya ang lalapit mismo sa ‘kin. Nang magtama ang tingin nila ay nginitian niya ito, handa na sana siyang mapahiya pero sa unang pagkakataon ay nginitian siya nito. **     “I don't know how to approach him, nahihiya ako sa kanya. Hindi naman ako komportable makipagusap sa lalaki, nahihiya talaga ako.” Naglalakad kami palabas ng school ni Kaye. "Ang arte! Chance mo na ‘yon para ‘di ka mamatay na virgin!” “Shhhh!” Ito talagang si Kaye! “Ano ka ba! ang layo naman ng narating mo!” saway ko sa kanya, pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ako. May huminto na sasakyan sa harapan namin at kilalang-kilala namin ‘yon pareho. “Sige na, bye!” tuwang bineso ako ni Kaye.  “Bye, bessy!” “Hi,” “Ay!” mabilis kong nahawakan yung dibdib ko sa pagkabigla. “Nagulat ka?” Awtomatiko na nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Si Shin! “H-hi,” hindi ko mapigilang ‘di kabahan. “Nics, ikaw ang ka-partner ko ‘di ba?” N-Nics? “Ah, oo,” nginitian ko siya kahit kabadong-kabado ako. Sobrang guwapo niya sa malapitan, at kilala niya ako. All this time, akala ko hindi ako nag-eexist sa kanya. Mother Superior, help me! Anong gagawin ko kapag nasa harapan ko ang crush ko! “You, okay?” “H-ha?” Tumango na lang ako. Nangiti siya lalo, “Puwede ba tayong mag-usap saglit,” turo niya sa isang puno ng acacia na may upuang semento ang paligid. Sabay kaming naglalakad at sobrang tahimik. Sana naging kasing daldal na lang ako ni Kaye, hiyang-hiya kasi ako ngayon na parang gusto kong matapos kaagad ang pag-uusap namin. “We were classmate since elementary, but this is the first time that I have the chance to talk to you.” “Ah, t-tahimik ka kasi,” Ngiti siya nang ngiti, si Shin Crescent Wolveus ba talaga siya?! Parang aatakihin ako sa puso nang maupo kaming magkatabi. Napakabango niya na parang hinahalina akong mas samyuin siya pero nakakahiya naman. Nagbukas siya ng libro, maging ang mga daliri niya mahahaba at mukhang malalambot para sa isang lalaki. “Ayos lang ba sa iyo iyong individual na paghahati natin?” Even his voice, sobrang hinahon. “S-sige,” “May contact number ka ba?” “Ah, oo,” nagpalitan kami ng number. Pakiramdam ko talaga nananaginip lang ako. “Sige, ihahatid na kita.” Nauna na siyang tumayo. “H-ha?” “Saan kita ihahatid?” Kasabay nang paglakas nang ihip ng hangin, gumuhit ang ngiti niya sa labi. Nai-inlove talaga ako sa kanya! “S-sa St. Rose of Lima ako, orphanage na malapit.” “Malapit lang din ako do’n,” Tumango-tango ako, “Napapansin nga kita na minsan nasa iisang direksiyon tayo—“ kaagad siyang pinamulahan, “I m-mean, ano—“ “Kailangan ba natin ng social distancing para hindi ka kinakabahan?” “H-ha?” Natawa ako nang alanganin. Inihatid niya ‘ko sa St. Rose of Lima. “S-salamat,” tumungo ako para magpaalam. Tinanguan niya lang ako. Pumasok na ako sa gate ng orphanage. Pumasok na ‘ko sa loob, nakasalubong ko si Sister Jenny na inuugoy sa swing si Mika, three years old lang siya at kadarating lang sa orphanage. “Good afternoon po Sister,” nginitian ko kaagad sila.  “Oh, Nicole, pumunta ka kay Mother Superior at ipinatatawag ka niya, tungkol yata kay Mr. Zordic,” sa pagkakarinig ko ng apelyido ng lalaking umampon sa ‘kin, hindi ko mapigilang masiyahan. Bihira lang ako may makuhang balita sa kanya. Pumunta agad ako kay Mother Superior na inabutan kong nakatayo at may hawak na isang folder malapit sa kanyang lamesa. “Mother Superior,” hindi ko naitago ang excitement ko, makakarinig kasi uli ako ng balita sa umampon sa ‘kin at nagpapaaral. “Nicole,” masayang bati ni Mother Superior, inilapag niya ‘yong folder at may kinuha sa ilalim ng mesa niya na isang magandang  green na kahon na may laso pang kulay apple green, alam ko na agad kung kanino ‘yon galing. Siya lang naman ang kilala kong mahilig sa gano’ng kulay ng mga regalo. “Ipinabibigay niya sayo, sa tingin ko para yan sa party mo,”iniabot sa ‘kin ni Mother Superior ang box. “Thank you Mother Superior! Sayang hindi ko kasi alam kung paano ko siya susulatan, hindi ko rin alam kung paano siya pupuntahan kaya ‘di ko masabi sa kanya ang pasasalamat ko.” “Nicole—“ Binasa ko ang maliit na papel na iniipon ko basta galing sa lalaking anghel para sa ‘kin. “We will see each other again, soon…” “Mother Superior!” tuwang-tuwang napatalon ako, “Magkikita na uli kami!” Natuwa rin si Mother Superior sa naging reaksiyon ko. “O,siya, Nicole, magbihis ka na.” “Magkikita na talaga kami!” hindi talaga mawala ang katuwaan ko. Matagal na kaming hindi nagkikita, may asawa na siguro siya ngayon at may mga anak na rin. Ah, basta, masayang-masaya ako na makikita ang tagapagligtas ko at ng orphanage! 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD