Chapter 22

2517 Words

"Hindi ka pa rin nakakapili?" Napatingin ako sa asawa ko na kakalabas lang sa banyo. Tumutulo pa sa dibdib niya ang ilang butil ng tubig pati ang buhok niya ay medyo pumapatak pa rin ang basa. Naka-boxers lang siya; umiwas agad ako ng tingin ro'n. Natapos na't lahat maligo ang asawa ko, hindi pa rin ako nakakapili ng susuotin ko. Paano ba naman kasi, ayaw niya man lang magsabi ng kahit isang clue sa pupuntahan namin. Ang hirap tuloy pumili ng susuotin. Paano kung nag-formal dress ako ta's sa fastfood lang pala ang punta namin. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Ano ba iyan, paulit-ulit ka na naman!" Pinagpag niya ang basa niyang buhok. Hindi na ako kumibo't binalik na lang ang tingin sa drawer. Napakapikon niya talaga. Bumuntong hininga ako at tinignan ang isang white dress sa cabinet; ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD