"Hindi ka pa ba tapos? Ang tagal naman." Iritang-irita na naman ang asawa ko. Tinitigan ko kasi isa-isa ang mga bag na dadalhin namin. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko; anniversary namin. Wala man akong ideya sa pupuntahan, kating-kati na ang mga mata ko na makita kung saan niya ako dadalhin. "Di ba noon ko pa sinabi sa 'yong mag-ayos ka? Ba't ngayon mo lang kasi ginagawa?" Tumingala ako; naka-krus ang mga kamay ni Rigal habang kunot na kunot ang noo. "Dino-double check ko lang. Baka may maiwan tayo." "Eh kung ikaw kaya ang iwan ko?" Natigilan ako sa pagsara ng zipper. May kumurot sa puso ko; napalunok ako saka tinuloy ang pag-ayos ng maleta. Umayos ako ng tayo. "Tara na." Parang dumilim ang paligid ko; nawalan ako ng enerhiya. "Tss; ang dami kasing galaw." Kinuha niya

