Chapter 25

2079 Words

"Rigal?" Pinunasan ko ang luha sa pisnge niya; natakot nga ako na baka hawiin niya ang kamay ko pero nanatili lang siyang nakapikit. Lalong nangunot ang noo ko habang parang may sumasakal sa dibdib ko nang lumuha ulit siya. May binubulong-bulong siya na hindi ko maintindihan. Hindi pala siya gising; mukhang nananaginip siya nang masama. "Rigal." Mahinahon ko siyang tinapik habang pilit kong iniintindi ang mga binubulong niya habang tulog. "Tanya..." "Rigal." Natigil saglit ang t***k ng puso ko saka mabilis na kumalabog nang kumalabog. Ako ata ang na sa panaginip niya. "Tanya... bakit?" Tumulo ang luha sa pisnge niya. "Saan ako nagkulang? Bakit siya pa... bakit ang kaaway ko pa..." Napaurong ako nang kaunti. Namilipit ang dibdib ko. Alam kong si Vandol ang tinutukoy niya. Akala ko'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD