Siniraan

430 Words
My my my… You poor little thing, why are you alone inside your room lying at the corner feeling lonely and sad ehh? Akala ko ba matapang ka at marami kang kaibigan bakit umiiyak ka? Asan na ang niyayabang mo na di ka nila iiwan? Kayo kayo na yata nag aaway away eh! O baka naman nalaman na nila lahat mga kasinungalingan mo? Gosh alin doon? lahat ba?! Alam mo kasi, dapat magbago ka na. Itigil mo na ang delulu mo sa ibang tao. Nagmumukha ka na kasing tanga. Ang tagal na pero di ka pa rin maka move on. Masyado ng maraming tao ang dinamay mo sa kabaliwan mo. Hindi ka ba naaawa o wala ka talagang awa? Ginagamit mo sila para sa sinasabi mong paghihiganti. Ang totoo, naka ganti ka nga ba? Nag success ba mga plano mo? Napabagsak mo ba o na boomerang ka? Ahahahaha… Kawawa ka naman. Marami kang sinakripisyo pero wala man lang nagtagumpay. Asan na ang mga uto-uto mong aso? Grabe ka talaga hindi ka naawa sa kanila nawalan sila ng hanapbuhay dahil sa'yo pero ang lakas ng convincing powers mo. Akalain mo napapaniwala mo sila sa drama mo. Ano nga ulit ang sabi mo dati? “ Kaya mong magdrama para lang paniwalaan ka na inapi ka para magalit sila sa taong ayaw mo.” Wag ka mag deny may Ebidensya ako. Gusto mo send ko sa'yo. Asan ka na ba dinala ng mga kasinungalingan mo? Lahat ba ng pinakalat mo may napala ka? Asan ka na nga ba ngayon? Hayahay na ba o mas lalo lang bumaon sa lungkot at miserable ang buhay mo? Tigilan mo na paninira mo sa mga taong wala naman talagang ginawa sa'yo. Ni hindi mo nga alam totoong pangalan nila pero makapanira ka parang kilala mo na mula pagkabata. Hindi ka nagtataka di ka umuusad sa buhay mo? Ikaw lang mismo nag dala sa sarili mong kalungkutan dahil toxic ang ugali mo. Walang magtatagal sa'yo kasi magaling ka lang sa salita pero hindi mo kayang gawin mga pangako mo sa iba. Kasi gusto mo ikaw lang ang nakikinabang, ikaw lang ang kinakaawaan. Makasarili ka kasi talaga. Gusto mo attention kasi ‘yan ang wala ka sa totoong buhay. Kaya ang delulu mo sa iba mo hinahanap. You're seeking validation kasi kahit sa sarili mong tahanan wala kang value. Review mo ang buong pangyayari. Bumalik ka sa umpisa, baka sakali ma realize mo mga pinaggagawa mo. Dapat nga mahiya ka. Isa-isa ko kaya ipadala ang ss mo sa lahat ng siniraan mo? Tingin ko mas ideal iyon. Ano G?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD