Hindi na alam ni Gabriella kung ano na ang mangyayari sa kanya ng mga sandaling iyon. Nanatili pa rin siya sa security office ng Airport na may bantay sa tabi niya. Hindi na rin siya pinayagan ng Immigration na umalis ng bansa. At ang eroplano na sana na magdadala sa kanya sa Italy—nakaalis na. Awtomatikong nanikip ang dibdib niya sa isipin iyon. Iniwan na siya ng eroplano na magdadala sana sa kanya sa mga pangarap niya. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang bagay na iyon. Buong akala pa naman niya, makakaalis na siya sa bansa. Makakaalis na siya sa poder ng mga Dominguez. Marami na rin siyang naisip na gagawin niya paglapag pa lang niya ng Italy. Sasobrang taas na tinalon ng mga pangarap niya—babagsak na pala siya kahit na hindi pa naman mataas ang pagkakalipad niya. "Gabriell

