Chapter Five

2635 Words
Chapter Five Tila isang malaking dambana ang hinampas malapit sa tainga ko rason kung bakit tila nawalan ako ng pandinig pansamantala. Ang puso ko ay hindi na nakalma at patuloy sa mabilis na t***k lalo na tuwing kasama ko ang babaeng malaki nanaman ang ngisi habang nakatayo sa harapan ko. "Ano, Yana?" Tunog naghahamon ang boses niya. Taas kilay at malaking ngiti ang iginawad niya habang nag aabang siya ng sasabihin ko. Umiling ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga kahit na hirap dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. "You're kidding, right?" Ani ko If she's serious, friendship over na. Hindi ako comfortable kapag alam kong may gusto sa akin ang isang tao, lalo na kung kapareho ko ito ng gender. I'm not against the LGBT community but I can't really see myself joining and being part of that community. If he's a boy, then maybe I'll consider his feelings. Baka nga ako pa ang unang magka gusto sa kaniya dahil sa taglay niyang magandang itsura. But no, she's a girl, and I'm a girl. We shouldn't be in a relationship, if that's what she wants. "I'm just kidding, hehe" aniya bigla. Kakaiba ang tawa niya ngayon dahil mahina ito at tila may pag aalinlangan. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso habang ako ay titig na titig sa mukha niya. "Uhh, I need to go na. My teammates are waiting for me. If manonood ka, thank you but if not, ingat sa pag uwi. See you!" Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis siyang tumakbo papasok sa gym at humalo sa iba pang mga volleyball players na nagkukumpulan sa gilid ng court. Bumuntong-hininga ako habang pinagmamasdan siyang nakikipag tawanan at nakikipag biruan sa mga kasamahan niya. She looks so happy with them. She really love volleyball, huh? Imbes na manood ay nagpasya akong umuwi nalang. Ilang minutong paglalakad lang ay nakarating na rin ako sa bahay. Walang tao at hindi ko alam kung nasaan sila. Si papa ay siguro namasada pero si mama, hindi ko alam. Bahala siya, matanda na siya. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sana pala ay hindi nalang din ako pumasok dahil hindi naman kami nakapag practice. Sayang damit. But then, this day is not that bad. I got to know Jealyn more and I think I can now consider her as my friend. The real one. She's making me realize, little by little, that having a girl friend is not bad at all. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na ang mga notebook ko to revise my notes. Siguradong pagkatapos ng intrams ay tatadtarin kami ng exams kaya kailangan ay maaga palang, mag review na. Bumaba ako at pumunta sa sala saka inilapag doon ang mga gamit bago ako nagtungo sa kusina para sa pagkain. May tinapay sa mesa, iyong maliit at may palamang ube. Tinakpan kong muli at nagpasya na mag timpla nalang ng kape dahil kailangan ko iyon para magising at hindi antukin habang nagsusulat. Mag aalas siyete na ng gabi nang dumating si mama kasabay sina ate. Halos katatapos ko lang magsulat at mag aral. "Wala pa si papa mo?" Ani mama habang nasa kusina. Sumunod ako sa kaniya roon para tignan kung anong dala nila. "Wala pa po. Saan kayo galing?" Kumuha ako nang mga plato at baso para sa hapunan. Maya maya lang ay darating na siguro si papa galing sa pamamasada. "Wow, inihaw na manok!" I jokingly shouted. Tumawa si mama sa sinabi ko "Binili ng ate mo at sweldo ngayon." "Sinong ate, ma?" Dalawa ang ate ko at parehong nagtatrabaho kaya hindi ko alam kung sino ang bumili ng ulam ngayon. "Ate Kristine mo" ani mama habang nagtitimpla ng juice Saktong pagbaba nina ate ay siyang pagdating naman ni Papa. Sunod-sunod kaming nag mano sa kaniya at inaya na agad siya sa hapag. Nagkuwentuhan kami habang kumakain. Madalas ay si papa ang nag kukwento ng mga nangyayari sa daan kaya updated kami sa bawat chismis ng baranggay, idagdag pa na may tindahan si mama na siyang madalas tambayan ng mga chismosa. "Ikaw, Yana!" Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin dahil sa sigaw ni papa. Hindi naman ako kinabahan dahil natural sa kaniya ang ganiyan. Bigla-bigla nalang sisigaw tapos ay magtatanong ng walang kwentang bagay o 'di kaya ay magbibiro. "Wala ka pa jowa?" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Nagtawanan naman sina mama at ang dalawa kong ate dahil sa reaction ko. Never pa ako tinanong ni papa patungkol sa ganoon bagay ngunit hindi ko alam kung bakit ngayon ay bigla nalang niya iyon tatanungin. "Wala, papa! Ang bata ko pa!" Sumagi sa isip ko ang tanong ni Jealyn kanina. Bigla akong kinabahan at napainom ng tubig na agad napansin ni ate Lea. "Hoy, hoy!" Aniya habang dinururo ako. "Kinakabahan ka! May jowa ka na, ano? Papa, may jowa na iyan ayaw lang umamin!" Nagtatawanan sila at tuwang-tuwa sa pang aasar sa akin hanggang sa matapos kaming kumain. Nakapag hugas na ako ng pinagkainan ay hindi pa rin nila ako tinitigilan kaya imbes na makisama sa kanila sa sala ay kinuha ko na lang ang mga gamit ko at sa kwarto tumambay. Naalala ko si Jealyn. Seryoso kaya siya sa sinabi niya kanina? Bakit siya magbibiro sa ganoong bagay? At isa pa, usap-usapan sa school na parte siya ng LGBT community at may mga naging girlfriend na rin siya ngunit hindi ko kilala. Sa gabing iyon ay inubos ko ang oras ko sa pakikipag text kay Ronald. Nagtanong ako ng mga bagay-bagay na tungkol kay Jealyn dahil na realize ko na madalas nga kaming magkasama pero hindi ko naman siya lubusang kilala. Ayokong mangyari ulit ang mga nangyari sa mga naging kaibigan kong babae noon. They'll pretend to be nice and all but they're all made of plastic and will betray you in no time. Better be safe than sorry. Intrams day at heto ako, hindi makatayo dahil sa sakit ng katawan. Nakakainis kasi si Ma'am Alicia. Alam nang ngayon ang laban, sinagad pa kami sa practice kahapon. Ang sakit tuloy ng binti ko kakatakbo. "Yana! Ano, kaya pa?" Tumatawang inakbayan ako ni Ronald ng makitang papasok na sa gate. Nakasabit sa leeg niya ang kaniyang camera. "Ilipat mo sa kabila ang bag mo" itinulak niya ang gym bag na nakapagitan sa amin. Inilipat ko iyon sa kabilang gilid ko para maakbayan niya ako ng maayos. Minsan man mag usap ay masasabi kong tunay na kaibigan si Ronald dahil lagi siyang nandiyan para sa akin. "Anong oras ka nakauwi kahapon?" Nilingon ko siya at nakitang nakatitig siya sa mga basketball players na nagwawarm up na sa gym. Mga senior high na ang mga ito at mukhang sila ang mauunang maglalaro. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kaya pala ikaw ang nandito, ha. Nandiyan crush mo" "What?" Umakto siyang tila hindi narinig ang sinabi ko kaya nagtawanan kami. "Baliw. Mag cocover ako ng game nila kasi si Jealyn ay hindi pwede at may laban siya ngayon" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi gaya noong mga nakaraang gabi na madalas kaming magkausap ni Jealyn, kagabi ay kahit tuldok wala siyang message. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o ano. "Hindi ka manonood?" Umiling ako sa tanong ni Ronald. Hindi na siya nagsalita at nagpaalam na aalis na muna at mag pipicture ng mga players. Malakas talaga ang kutob ko na kaya siya ang nag cocover ng game na ito ay dahil sigurado siyang nandito ang crush niya. Imbes na ubusin ang oras sa panonood ng game ng mga SHS, nagpasya ako na hanapin nalang muna ang mga kasama ko upang malaman kung anong oras ang laro namin. Sa pagtakbo ko ay nakasalubong ko bigla si Jealyn na tumatakbo rin at nakatingin sa pinanggalingan niya. Hinawakan ko agad ang kamay niya upang mapigilan siya sa pagtakbo at paglagpas sa akin. Tila nagulat siya sa ginawa ko at muntikan pa kaming matumba nang bigla siyang bumunggo pabalik sa akin. "Sorry" aniya at ambang aalis na ulit pero hindi ko siya binitawan. "You're in rush?" I asked. She avoided my gaze and it's weird. She's usually all smile when she sees me. "Are you mad?" Bago pa siya makapag salita ay sabay kaming napalingon nang biglang may sumigaw ng pangalan niya. It was a guy with a well built body. Hindi nag aaral dito dahil mukhang matanda na ito. More like, third year or fourth year college na. "Please, Yana. I need to go!" Nagulat ako nang hatakin niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at agad na dumiretso sa pagtakbo. Imbes na tumunganga roon ay sumunod ako sa kaniya sa pagtakbo. Lumiko ako sa pinakadulong room nang makitang doon siya nagtago. Nakaupo siya sa sulok at pilit na itinatago ang sarili kahit na alam naman niyang wala iyon magagawa lalo na kung sumilip dito ang lalaki. "Who's that? Your ex na hindi maka move on at ginugulo ka?" I don't know why that thought bothers me. And hindi ko rin alam kung bakit iyon agad ang naisip ko nang makita ang lalaki! "What?" Tumayo siya at lumapit sa akin habang naka kunot ang noo. "I know you know that I only have ex girl friends" Yeah. "Eh sino pala iyon?" "That's my brother. He wants me to go with him sa mall and help him buy some party stuffs for his proposal next week" "Jealyn!" Sabay kaming napalingon sa bintana nang marinig ang papalapit na yabag ng kuya niya. Tatakbo sana si Jealyn palabas pero hinatak ko siya at agad na itinulak papunta sa sulok ng room. Napasandal siya sa pader habang nasa harap niya ako. I'm panting, same as her. Ramdam ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Nagkatinginan kami. Her eyes are enchanting. Her long eyelashes are shining and curvy. My heart skipped a beat. Napapikit siya. Mas idiniin ko siya sa pader nang maramdaman ang pagsilip ng kung sino rito sa room. Sana lang ay hindi teacher iyon. Dinama ko ang paligid at nang maramdamang wala na ang kuya niya, mabilis akong lumayo. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na umabot na ss puntong nasasaktan na ako. Tinignan ko siya at nagkatinginan kaming muli. I can't read her expression. She looks so confused, amazed, and happy at the same time. Napapikit ako nang maalala ang ginawa. Imbes na kausapin ay tumalikod na lang ako at mabilis na tumakbo palabas ng school. Pumara ako ng tricycle at umuwi sa bahay. Hindi ko yata kakayanin kung magtagal pa ako roon at makita siya. Hindi ko alam kung may laban kami ngayong araw pero bahala na. I memessage ko nalang si Ma'am Alicia at sasabihin na nilalagnat ako o ano. Basta! Magpapalusot nalang ako. Pagdating sa bahay ay agad kong minessage ang mga kasama ko. Siyempre ginamit ko ang ipinagbabawal na technique, ang magpanggap na may sakit. Kaya tuloy buong linggo ng intrams ay hindi ako pumasok. Baka pag pumasok ako ay magtaka sila. Lunes ay maaga akong nagising...hindi, mali. Hindi pala ako natulog. Sa ilang araw kong hindi pinasok, wala akong ibang naiisip kundi si Jealyn. Ang ngiti ni Jealyn, ang signature move niyang ngingisi tapos ay kikindat, ang tawa niyang dinig yata sa bawat sulok ng school, lahat ng tungkol sa kaniya ay hindi mawala sa isip ko. Natutuwa ako sa tuwing napapatawa ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nararamdaman ko ang pag alma niya sa iilang masasakit na salitang nasasabi ko sa kaniya minsan. Ngunit alam kong hindi dapat ganoon. Magkaibigan lamang kami at hanggang doon lamang dapat iyon. Ang pagpasok sa isang relasyon kasama siya ay hindi ko yata kakayanin. Humihikab pa ako habang naglalakad papasok ng gate. Tahimik pa ang mga corridors dahil maaga pa. Malamig ang simoy ng hangin na siyang nagpapalala ng antok na nararamdaman ko. Dumiretso ako sa room at dinatnan doon si Shana. Tinanguan ko lamang siya at nilagpasan na para maka upo ako sa upuang nakatalaga sa akin. Inilabas ko ang isang puting papel at ang aking ballpen saka nagsulat na. Kagabi ko pa pinag iisipan ito at kanina, habang naliligo ay napagpasyahan kong gawin na. Simula nang makilala ko si Jealyn, pakiramdam ko ay nagbalik ako sa kabataan ko kung saan naiilang ako sa tuwing kasama ang mga kapwa ko babae. Nagawa niyang iparamdam sa akin ang mga emosyong hindi ko pa naramdaman noon. Nagawa niyang iparamdam sa akin na ang pakikipagkaibigan sa kaparehong kasarian ay hindi masama. Ngunit nagbago iyon simula nang biruin niya ako patungkol sa pakikipag relasyon sa kaniya. Kahit na sinabi na niyang biro iyon, hindi iyon mawala sa isip ko at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako. Ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing naaalala ko iyon ay hindi ko gusto. Itinupi ko ang papel at agad na tumayo. Dumiretso ako sa isang room na may nakasulat na 'Radio Booth'. Kumatok ako at iniabot sa babaeng nandoon ang papel. Maya-maya lang ay magsisimula na sila sa morning program nila. Kada umaga ay iba't ibang estudyante ang napagbibigyan na mabasa ang mga liham nila, at bibigyan sila ng advice ng mga DJ. Mayroon ding mga guests minsan na nag peperform upang magising ang diwa ng mga tao rito sa paaralan. Bumalik ako sa room at doon nalang hinintay ang oag uumpisa ng programa. Noon ay natatawa ako sa bawat istoryang binabasa ng dalawang DJ ngunit hindi ko akalain na aabot ako sa puntong kahit ako ay magpapadala ng mensahe sa kanila ay hihingi ng tulong sa problema ko. Pinanood ko si Ronald sa pag-upo sa upuan niya. Inilabas niya ang notebook niya kaya agad akong dumukmo bago pa siya humarap sa akin. "Hoy, Yana! Alam kong gising ka" idiniin ko ang pagpikit ko, pinaninindigan ang pagtutulog-tulugan. "Pakopya assignment, please?" Naramdaman ko ang pagyuko niya at paglapit ng mukha niya sa akin, "sasabihin ko kay Jealyn na may boyfriend ka kapag hindi mo ako pinakopya" Tumawa siya nang matagumpay na nakuha ang atensiyon ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya bago ibinigay ang notebook ko kung saan nakasulat iyong assignment na ibinigay sa amin bago pa mag intrams. Marupok, Yana. Marupok. Hinayaan ko siyang kuhanin ang notebook ko. Sigurado naman akong iibahin niya ang bawat sentences doon. Tumuwid ako ng upo nang marinig na ang hudyat ng pagsisimula ng radio program. Maya-maya lang ay nagsalita na ang mga DJ hanggang sa umabot na sila sa part na binabasa ang letter na isinulat ko. Para akong nandidiri na kinikilig na ewan habang binabasa nila ang isinulat ko. Hindi ko nilagay ang pangalan ko roon kaya sigurado akong kahit ang mga DJ ay hindi ako makikilala. At isa pa, sa college department sila. Napansin ko ang babaeng papalapit sa room namin kasabay ang presidenye ng klase namin. Nagtatawanan sila at mukhang may pinag uusapang masaya dahil hindi mawala ang ngiti sa mga mukha nila. Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. "Alam mo sender, hindi ka mag seshare sa amin ng story if in the first place eh hindi ka attracted kay suitor..." nasa tapat na sila ng pintuan nang marinig ko ang advice ng isa sa mga DJ. Nagkatinginan kami ni Jealyn. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng kaseryosohan. Para akong maiiyak sa nakikita. Bakit hindi na niya magawang ngumiti sa akin gaya ng dati niyang ginagawa? At bakit ako nasasaktan ng ganito ng dahil lamang sa walang kwentang bagay? "Try to hear yourself out..." tila gatilyo iyong sinabi ng DJ at bumuhos ang iba't ibang emosyon sa akin habang nakatingin sa papalayong si Jealyn. How can I hear myself out if the only thing that it shouts is thay I'm inlove... inlove with a girl and for me, that's forbidden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD