Chapter One

1865 Words
"Ano ba?" Hinampas ko palayo ang kamay ng kaklase kong babae. Ang lipstick na hawak niya ay tumilapon at kitang-kita naming lahat kung paano ito gumulong sa lupa at maputol. "Yana!" Masama ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatalo. Mas masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. "Nakakainis ka naman eh!" Padabog siyang lumapit sa lipstick niya saka iyon pinulot. "Tignan mo, putol na!" Nagulat ako ng biglang tumulo ang mga luha niya. Tss. Agad siyang nilapitan ng mga kaklase namin at pinakalma. Ang iba ay masasama ang tingin sa akin na animo'y nakapatay ako ng tao eh naputol lang naman ang lipstick niya, anong big deal? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang iyakan ang stick na iyon. Ano bang mayroon doon? Ginto? Eh pampakulay lang naman ng labi iyon! Hindi mo na iyon kakailanganin basta matulog ka lang ng maaga at uminom ng maraming tubig para magkaroon ng natural na kulay ang balat mo. "Anong nangyari? Bakit umiiyak ka, Shana?" Napairapa ko nang biglang mapansin siya ng isang teacher na dumadaan lang. Hindi naman talaga dapat siya mapapansin kung hindi lang dahil sa kumpulan ng mga nah cocomfort sa kaniya pati na ng biglang paglakas ng hagulgol niya. Tss. Napasulyap sa akin ang teacher. "Miss Garcia? Bakit umiiyak si Shana?" Bakit ako tinatanong mo ma'am? Tinignan ko si Shana na namamaga na ang mata kakaiyak. Nakatingin silang lahat sa akin, nag hihintay ng sasabihin ko.  "Naputol po ang lip-"  "Pinutol po niya ang lipstick ni Shana, ma'am!" Nagulat ako ng biglang sumigaw ang isang kaklase namin. Kaibigan ito ni Shana at isa siya sa mga nagpipilit na make up-an ako kanina! "Hala hindi! Hindi ko naman sinasadya!" Napatayo na ako dahil sa inis. Tumaas ang kilay ng teacher namin. "Shana, Georgia, at Liana, pumunta kayo sa guidance office" Nakasimangot akong sumunod sa kanila. Nauuna sa paglalakad ang teacher habang tinatahan parin si Shana. Nasa pinakahulihan ako ngunit panay naman ang sulyap ni Georgia. Pagpasok sa guidance office ay ipinaliwanag agad sa counselor ang nangyari. Simulan noon, naging ilag na ako sa mga kaklase ko. Pare-pareho lang naman silang mga plastic.  They're asking me to be their muse and then they'll laugh. But I don't care, really. "Anong nangyari? Balita ko may nakaaway ka raw sa school?" Hindi ko paman nabababa ang bag ko ay iyan agad ang bungad ni mama sa akin. "Hindi ko naman kasalanan" pabagsak akong umupo sa sofa saka tinanggal ang sapatos na suot. "Ano bang nangyari?" "'Yung kaklase kong babae, gusto akong ayusan. Eh ayoko tapos pinilit niya ako. Ayun, nabato ko ang lipstick niya kaya naputol."  "Bakit ba kasi ayaw mong magpa ayos? Noong kami nga iyan lagi ang bonding naming magkakaibigan. Mag popostura ng mukha tapos mag aala reyna elena" "Eh ayoko po. Makati sa mukha ang make-up saka masyadong girly" inilabas ko ang mga notebook ko para gumawa ng assignments. I'm a grade nine student and yet, my mom still helps me with my homeworks sometimes. Malapit na ang bakasyon at ibig sabihin, tambak na rin ang mga assignments and projects na pinapagawa ng mga teacher. "Bakit? Anong masama sa pagiging girly? She gave an emphasis to the word 'girly'. Umirap ako. Ayoko talaga kapag pinag uusapan ang mga ganitong bagay. Hindi ako komportable. "'Yun mismo, ma. Ayoko ng masyadong girly" i tried to concentrate on answering my mathematics homework pero walang tigil sa kaka-salita si mama. She kept on bragging sa mga bagay na ginagawa nila noong kabataan niya, especially about being 'girly'. Kinabukasan, pagkapasok sa school ay dinatnan ko si Shana na nakaupo sa usual spot nito. Wala ang mga kaibigan niya at mag isa pa lang siya sa room. Napaangat ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko, which is nasa likuran niya. Pagkalapag ng bag ko ay agad akong humakbang palabas sana ng room pero bigla niyang hinarangan ang dadaanan ko sana. "I have a new lipstick, try natin sayo!" I can almost count her teeth sa laki ng ngiti niya. "Hindi pa ba malinaw sa iyo kahapon na ayokong pinakekealaman ang mukha ko?" Umagang-umaga ay iinisin niya ako. I'm not usually this mean pero king ipilit mo ang isang bagay na sinabi kong ayoko, I'll start a war for sure. "Bakit ba kasi ayaw mo? Sa lahat ng kaklase natin, ikaw pa lang ang hindi ko pa namemake up-an. Sige na, Yana. Please?" Umiling ako saka mabilis na iniwasan siya. Dumiretso ako sa canteen at dinatdan doon ang tatlong tindera na nag aayos pa lang ng mga paninda nila. Madilim sa canteen dahil nasa likod ito ng isa sa pinakamataas na building dito sa school. Mainit din dahil kulob ito at bukas ang lahat ng ilaw.  "Good morning" bati ko sa mga tindera. Pinili ko ang egg sandwich at isang bottled water para sa almusal. Kumain naman ako kanina sa bahay pero dahil sa stress na dala ni Shana, ginutom ako bigla. Hinatak ko ang isang upuan na malapit sa dulo. Nakaharap ako sa entrance ng canteen at pinagmamasdan mula roon ang mga lower year na naglalaro ng habulan. Siguro mga grade seven or eight ang mga iyon. "Hello mga ate!" May isang babaeng maliit at medyo chubby ang bigla nalang pumasok. Maaga pa and yet her energy is already screaming. She laughed when one of the seller jumped out of shock.  "Jealyn!" Pasimpleng hinampas ng tindera ang babae. I know her. She's in my batch pero iba ang section. Her long black hair swayed as she moves vigorously. Her school uniform perfectly fitted with her curvy body. "Sorry na po!" Is she even sincere? Her laugh sounds like the laugh of an evil witch. Why am I even staring at her? I looked away when I realized what I'm doing. "Ang aga mo yatang pumasok ngayon?" Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong na iyon ng tindera. It seems like Jealyn's laugh is a never ending laugh. "Palagi naman po akong maaga, eh" she answered. "Maagang umuwi, pwede pa. Pero 'yung maagang pumasok? Hindi ko yata alam 'yun" "Si ate naman. Wag kang ganiyan at baka malaman ng crush ko na palaging akong late" what? Her crush is here? Luminga ako sa paligid para hanapin ang kung sinong posibleng crush na sinasabi niya pero wala ng ibang tao rito kundi kami lang at ang tatlong tindera. Dumapo ang tingin ko kay Jealyn and I almost jumped when our eyes met. What the hell? Biglang bumilis ang heartbeat ko dahil maramil sa biglaang patayo ko. Mabilis kong kinuha ang mga pagkain kong hindi ko pa nauubos dahil sa pakikinig sa usapan nila kanina. Lahat sila ngayon ay sa akin na nakatingin and I feel so uncomfortable. Inayos ko ang upuang ginamit ko saka mabilis na tumakbo palayo. Pagdating ko sa room ay nandoon na halos lahat ng kaklase ko. Dumiretso ako sa upuan ko saka mabilis na inubos ang bottled water ko.  "Pagod na pagod ah? Sa'n ka galing?" My seatmate Ronald asked. "Nag jogging" i joked, but he didn't laugh. "Ha-ha funny" dumating ang teacher namin at agad na nagsimulang magklase. Busy ako sa pag susulat nang bigla nalang akong kalabitin ni Ronald. "What?" Inis na bulong ko.  "Kilala mo si Jealyn?" "The star player ng volleyball team" hindi ko siya binalingan at nagtuloy tuloy lang sa pagsusulat. I need to take down notes dahil wala akong maintindihan sa sinasabi ng teacher dahil sa walang tigil na pagkalabit ni Ronald sa akin. Isa nalang sasapakin ko na 'to. "Balita ko, crush ka raw nun eh" what the hell? Pakiramdam ko ay tumaas lahat ng balahibo sa bawat sulok ng katawan ko. "Kung sakali, papatulan mo?" Eww. I don't hate people who are part of the LGBT community, okay? Hindi ko lang maimagine na maging part noon. Supporting them is enough for me. "Will you please shut up? Kadiri ka!" Itinulak ko siya palayo sa akin. Tumawa lang siya at bumaling na sa sarili niyang notebook para mag sulat. Ilang araw pa ang lumipas at palagi kong nakikita si Jealyn na dumadaan sa tapat ng room namin. Halos makabisado ko na ang tunog ng tawa niya at alam na alam ko na kapag parating na siya dahil nasa malayo palang ay dinig na dinig na ang tawa nito. Friday. Vacant when our sports teacher approached me. Three weeks noom now, intramurals na kaya naman abala na ang lahat. Kahit ilang linggo pa ang hihintayin, halos hindi na pumasok ang mga teacher namin dahil sa paghahanda. "Miss Garcia, hindi ba marunong ka mag laro ng basketball?" Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. "Sali ka na sa team ng basketball girls. Wala kasi gaanong naglalaro sa year natin kaya mahirap bumuo ng players. Ano? May plus grade naman" And there, she said the magic word. Hindi naman dahil gahaman ako snagrade kaya ako sumali. I love playing basketball pero hindi sa ganitong totoong laban. Naglalaro lang ako bilang libangan pero dahil may grade, pumayag nalang ako. Sayang din 'yun. Malaki ang ngiti ng teacher habang isinusulat ang pangalan ko sa list na hawak niya. "Thank you! Meeting mamayang four sa gym, okay?" Agad siyang tumalikod at tinawag ang iba pang estudyanteng nakatambay para siguro tanungin kung naglalaro rin sila ng basketball. Tumayo ako mula sa bench na inuupuan namin. "San ka?" Nilingon ko si Ronald na nakatingin sa akin at nag aabang ng isasagot ko. "Tatae, sama ka?" Nagtawanan pa ang ibang mga lalaking kasama namin. Most of my friends are boys. I have girl friends pero hindi ako gaanong sumasama sa kanila. All they do is make up and pa cute sa mga boys and hindi ako ganoon.    Mas nag eenjoy pa akong kasama ang mga kaklase kong lalaki dahil chill lang sila madalas. Tamang upo lang sa mga benches at medyo lait sa mga dumadaan. And natututo rin ako ng mga techniques sa paglalaro ng basketball kapag kasama ko ang mga boys. Girls only know how to play barbies and mag papansin sa mga crushes.    "Hi ate" nginitian ko ang tindera ng canteen. Hindi ko alam kung papasok ba ang teacher namin ngayong hapon pero mukhang hindi. Mas gugustuhin pa nilang maghanda para sa intrams kaysa magturo dahil may premyo ang magiging over all champion sa bawat laro. "Yana, tama?" Tumango ako sa tindera. May iniabot siyang maliit na papel sa akin kaya naman kinuha ko ito. Pagka abot ay nagtulakan sila noong kasama niya at nagtawanan. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na sa pagbabayad ng kinuha kong fresh lumpia at soft drinks.    Umupo ako sa usual spot ko, ang mesa sa sulok. Dito ay kita mo lahat ng papasok at lalabas sa canteen. Medyo mainit nga lang dahil hindi naabutan ng electric fan pero ayos lang dahil may hangin namang pumapasok sa katabing bintana kahit papaano. Uminom ako sa softdrinks. Pagkatapos ay binuksan ang maliit na papel na iniabot ng tindera kanina. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat.    'Hi, Yana! Gusto ko lang sabihin na crush kita haha tingin ka sa kaliwa mo dali -from Jealyn' with a small heart sa gilid. Unti-unti akong nag angat ng tingin and there, isang mesa ang pagitan mula rito hanggang sa kinauupuan ni Jealyn.  She's smiling while holding her camera up towards me. And then she looked at me - blew a kiss and winked. Agad siyang tumayo pagkatapos at mabilis na umalis dala ang mga gamit at pagkain. What the...hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD