Chapter Seven
You can judge me, sure. But I will stick with what I think is right. We have djfferent views and beliefs and we need to respect it. Just like how our fingerprint differ from one another, our views and beliefs will differ, kahit ano pang sabi na pare-pareho lamang ang iba, it will differ, kahit gaano pa kaliit, may makikita at makikita tayong pagkakaiba sa bawat paniniwala natin.
I walked out. I left Jealyn and Ronald there, shocked. Ronald even tried to lighten up the mood pero wala. Sira na ang mood ko. I guess the exhaustion from the exam and the hot weather added fuel to what I'm feeling.
Pagkauwi sa bahay ay nanlalambot ako. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Bakit ako iiyak kung ako mismo ang nagtulak sa kaniya palayo? Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis saka humiga sa kama. Gutom ako pero wala akong ganang kumain.
Napakabigat ng pakiramdam ko. Ang akala ko ay nakakagaan sa pakiramdam kung sasabihin mo ang nasa puso mo but I guess I was wrong. Dahil kung totoong nakakagaan nga ng pakiramdam ang paglabas ng saloobin, bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit pakiramdam ko ay puno ng tubig ang puso ko at nasasakal ako?
Kinuha ko ang phone ko. I'm anticipating her message pero wala. I'm really crazy. Damn. Sa kaiisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. When I wake up, my head is aching. Parang binibiyak ito sa sakit kaya naman hindi na muna ako tumayo.
Antok pa ako ngunit hindi makatulog dahil sa sakit ng ulo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nanlalambot ako. Para akong sumali sa isang triathlon na walang pahinga.
Nakatulog akong muli at nagising nalamang dahil sa init ng pakiramdam. Madilim sa kwarto at ang bukas na bintana ang siyang naging basehan ko upang malaman na gabi na. Kahit masakit ang ulo at nahihilo, pinilit kong tumayo upang mabuksan ko ang ilaw.
Nakarinig ako ng katok kaya naman dumiretso na rin ako sa pinto. Roon, nakatayo si ate habang may dala-dalang isang paper bag. Kulay pink ito at may ribbon sa may gitna.
"Nakita ko si Ronald. Ang sabi ay ibigay ko raw sa'yo ito."
Kinuha ko iyon. Tatalikod na sana ako kaso ay bigla akong tinawag ni ate. "Nilalagnat ka!" Agad niya akong hinatak pabalik sa kwarto at pinaupo sa kama. Umalis siya saglit at pagbalik ay may dala na siyang thermometer at kasunod niya ay si mama na agad akong dinaluhan.
"Ano ba? Ayos lang po ako" hindi sila nagpapigil. Si ate ay kinuhanan ako ng temperatura habang si mama ay lumabas at kukuha raw ng gamot. Maya-maya ay dumating si Ate Lea na may dalang lugaw. Saan galing iyan?
Kahit na pinipilit kong ayos lang ako, ayaw nilang maniwala. Hindi nila ako pinalabas ng kwarto at maya't maya ang pagchecheck nila ng temperatura ko. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga akong nakatulog kagabi. Agad akong nagligo at nagbihis para sa pagpasok.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong nakita ni mama at halos umusok ang ilong niya. "Sinong nagsabing papasok ka ngayon? Pinuntahan na ni ate Kristine mo si Ronald at sinabing hindi ka muna papasok ngayon."
"Po? Hindi pwede, ma!" Kahit anong pilit ay hindi niya ako pinayagan. Aniya ay may sinat pa raw ako kahit na pakiramdam ko naman ay wala. Ending, nandito nanaman ako sa kwarto at nakakulong. Wala akong magawa kaya ang mga notes ko ang napag diskitahan ko. Imbes na tumunganga lang, nagsulat nalang ako upang mareview na rin kahit na tapos naman na ang mga exams.
Pagkatapos ay ang cellphone ko naman ang pinagdiskitahan ko. Nagpalipat-lipat ako ng social media accounts at nang mainip ay nanood nalamang ng movie.
For a while, I managed to forget Jealyn. I feel asleep again but this time, I woke up feeling much better than before. Hindi ko alam kung dahil sa masamang pakiramdam kanina o dahil sa comedy movie na pinanood ko kaya nawala ng panandalian sa isip ko ang problema ko kay Jealyn.
Dinner ay maagang umuwi si papa. May dala siyang ulam na binili raw niya habang pauwi siya. Sina ate ay maaga ring umuwi ngunit dala ang mga trabaho rito sa bahay.
Unlike the usual, sa sala kami ngayon kumakain. Gusto kasi ni papa na manood ng balita habang kumakain at dahil wala kaming tv sa hapag, dito kami sa sala ngayon. Lahat kami ay nakapaikot at nakaupo sa sahig habang nasa gilid ang tv.
"Kahit naman ganiyan ang mga bakla, maaasahan mo naman ang mga iyan" napatingin ako sa tv nang magkomento si papa. Ipinapalabas ang isang gay na nagviral dahil sa maganda content ng mga videos niya at ang kalahati ng kaniyang kita ay napupunta sa charity.
"Paano kung magka girlfriend ako, pa? Tanggap mo?" Nagulat ako sa tanong ni ate Lea. She's usually silent at nagsasalita lang kapag biruan. Siya ang mata ng pamilya dahil sa aming lahat, siya ang mapag masid ngunit sa tuwing may napapansin siya, hindi niya mapigilan minsan na hindi mag komento.
"Bakit? Mayroon ba?" Ani mama. Tahimik lamang akong nakikinig dahil hindi ko alam ang irereact. Pakiramdam ko ay malalaman nila ang nasa isip ko kung magsasalita ako.
"Wala 'no! Ang dami-dami kong manliligaw na lalaki tapos crush ko pa iyong isa" nagtawanan kaming lahat sa tinuran ni ate. Inasar-asar pa siya ni Ate Kristine.
"Alam niyo, sa akin, ayos lang kahit sino ang boyfriend ninyo, kahit girlfriend pa iyan ay ayos lang basta ba matino at dadaan muna sa amin ng nanay ninyo" Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Papa ay umiiling na si Mama but she didn't say anything.
Sa gabing iyon ay nahirapan ako sa pagtulog dahil sobra-sobra ang itinulog ko noong umaga at noong isang araw. I'm busy browsing Jealyn's social media timeline when a message from Ronald popped up.
Ronald:
How are you?
Mabilis akong nagtipa ng irereply. Sinabi kong ayos lang ako at papasok na bukas. Right after he saw my reply, my phone rang from his call. Kunot noo ko itong sinagot. "What?"
"Namimiss ka na raw ni Jealyn" aniya habang tumatawa. I knew it. Hindi siya tumatawag sa akin pero sa tuwing ginagawa niya, puro pang aasar lamang ang sinasabi. Ibababa ko na sana ngunit mukhang nasense niya iyon at agad akong pinigilan.
"Ibalita ko lang na isang linggong wala si Jealyn"
"What? Why?"
"Hmm? Bakit ka curious?" seriously? Kung nandito lang siya ay baka nasapak ko na siya. "Charot lang. Pupunta kasi siya ng Baguio para icover iyong mga player na maglalaro roon."
"Hindi ba ikaw dapat iyon? Bakit naging siya?" May isang event kasi na para sa mga players and may mga representatives na ipapadala ang school namin. Ayon yata ang ilang araw ng pinag uusapan ni Jealyn at Ronald, eh.
"Bakit, hindi ba pwede? Nag presinta siya, eh. Hindi mo kasi pinapansin, ayan tuloy umalis haha."
"Shut up, you gay!" He laughed so hard with what I just said. Halos hindi niya matapos ang sinasabi dahil sa sobrang pagtawa.
"Uh-oh. Shut up, you gay!" He mimicked me. Ilang oras pa kaming nag asaran kaya naman anong oras na rin kaming nakatulog. Kinabukasan ay maaga pa rin akong magising. Pakiramdam ko nga ay marami pa akong imbak na tulog na kakayanin ko kahit dalawang araw akong puyat.
Pagpasok ss school ay luminga-linga ako. Marami-rami na ang mga estudyanteng nandito kahit na medyo maaga pa. Imbes na sa classroom ang tuloy, lumakad ako papunta sa canteen. Panay pa ang iwas ko sa mga lower year na nagtatakbuhan at naglalaro.
They still can't let go of ther elementary attitude. Ganiyan din ako noon, nakikipag habulan pa kahit na grade seven na. Nang mag grade eight ay unti-unti ng magmamatured hanggang ngayong grade nine.
"Good morning, Yana!" Gulat ako nang biglang sumigaw ang isa sa mga tindera. I don't know their names but this one is the girl with short black wavy hair and a mole on the side of her lips. Kaya pala madaldal.
"Good morning po." kumuha ako ng dalawang egg sandwich at isang bottled water. Hindi ako nakakain sa bahay dahil sa pagmamadali at pag aakalang late na ako.
"Wala si Jealyn, ano? Nasa baguio?"
"Ah opo." mukhang marami pa siyang gustong sabihin ngunit mabuti nalang ay nag sunod-sunod ang mga estudyanteng bumili. Normal na rito ang mga estudyanteng bumibili ng ganito kaaga dahil karamihan ay mga dito na mag aalmusal at ang iba ay sa sobrang busy dahil malapit na mag bakasyon, isinisingit na lang ang pagkain.
Pinanood ko ang grupo ng mga grade nine na kagaya ko. I know because one of them is my classmate noong elementary. Nagkakagulo sila at oati tuloy ang tindera ay mukhang nalilito na.
Walo yata sila, kung hindi ako nagkakamali at lahat sila ay sabay-sabay na nag sasabi ng bibilhin. Ang apat na tatlong babae ay patawa-tawa pa habang nagbubulungan. Lumapit na ang isa oang tindera upang tulungan ang nauna dahil masyadong magulo ang grupo.
"Kulang pa ang bayad ninyo!" Kumunot ang noo ko nang ilang ulit ng sabihin iyon ng tindera ngunit ipinipilit nilang sakto lamang ang ibinayad nila.
"Cheska? Nagbigay ka na ba ng bayad mo?" The tall guy asked the girl with long, straight blonde hair. He's gwapo and she's maganda. Bagay sila. "Sigurado ka ba?" Tumango ang babae. Bumaling ang lalaki sa tindera at nag abot ng panibagong pera.
Kalagitnaan ng pagkain ko ay dumating si Ronald. He immediately took the ither sandwich na hindi ko pa nagalaw at mabilis na kinain. Hindi na ako nag reklamo dahil busog na rin naman ako at binili ko iyon para ibigay talaga sa kaniya. Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw ay hindi siya madalas kumain at hindi ko alam kung bakit.
"Who's that?" Sinundan niya ang tinitignan ko. Kumunot ang noo niya ng makita ang grupo na kanina ko pa pinapanood. "Marco Lewis. The gwapitong basketball ace ng junior highschool department"
"What?" Ngumuso siya roon sa lalaking matangkad at moreno. "Iyon ba ang tinitignan mo?" Aniya
"Nope. I mean, tinitignan ko buong grupo nila. Sabay-sabay silang nag oorder tapos ngayon nalilito. Tss"
The moreno guy named Marco, if I'm not mistaken kept on asking the blonde girl kung nag bayad na. Nakaupo na sila't lahat ay hindi pa rin sila matigil sa kakahanap kung sino ang hindi nagbayad sa kanila.
Kung grupo namin nina Ronald iyan, baka nagbugbugan na dahil walang umaamin kung sinong hindi nagbayad. Our group is not always together but when we do, siguradong magulo at puro pang aasar lamang ang magiging usapan.
"Hindi mo namimiss si Jea?" Sinimangutan ko siya. Bakit ba lagi niyang binabanggit si Jea sa tuwing magkasama kami?
"Kalalaki mong tao, ang chismoso mo"
"Sure ka bang lalaki ako?" Umakto siyang iniipit ang buhok sa likod ng tainga kahit na maikli naman ang buhok niya.
"Kadiri ka, Ronald!" We laughed.
When the bell rang, halos sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante na nakatambay rito sa canteen. Nakakapit ako sa braso ni Ronald ng biglang may bumangga sa akin at muntikan na akong matumba.
Pagalit na lumingon si Ronald kaya naman agad ko siyang pinigilan dahil baka mang away siya. "Sorry, sorry" the moreno guy said then looked to the other guy who's more moreno than him.
Kanina ko pa pinagmamasdan ang grupo nila pero ngayon ko lamang napansin ang kapal ng kilay niya. Marco Lewis. Based on Ronald infos, he's the star player of our department's basketball team. That explains why he's moreno siguro. Hindi ko mabitawan ang tingin sa mga mata niyang kulay brown, na lalong pinatitingkad ng mahahaba at baluktot niyang pilik mata.
But his features are nothing compared to Jealyn's. Jealyn's eyes are enchanting while Marco's are only shining. His lips looks pale than Jealyn's. Wiat, why am I comparing them?
"Let's go, Yana" dahan-dahan kong binitawan ang tingin sa kaniya saka sumunod kay Ronald.
Seeing Marco made me remember Jealyn again. Pagdating sa room ay halos hindi ako makinig sa sinasabi ng teacher dahil sa kaiisip kay Jealyn. Bakit siya nag presinta sa baguio? Is it because of me? Galit na ba siya ngayon sa akin? Last time I ignored her, hindi naman siya nagalit kaya baka this time, I really pushed her buttons.
Kailan kaya ang balik niya? Sabi ni Ronald, isang linggo siya roon so meaning, next week pa siya makakapasok? How about her studies? Excuse? Should I text her? Call? Ask if she's doing fine roon?
I admit, I do miss her. It's not bad, diba? Hindi naman masamang mamiss ang isang kaibigan, hindi ba? Bumuntong hininga ako na napansin naman agad ni Ronald. He laughed kahit na wala namang nakakatawa.
Pagkalabas ng prof ay agad siyang lumapit sa akin habang tumatawa pa rin. Sinamaan ko lamang siya ng tingin na lalong ikinatawa niya. "I can almost hear your mind, Yana. Miss mo si Jea, ano?"
Damn. Ganoon ba kalakas ang isip ko? Ganoon ba ka halata? "Shut up. Uuwi ako. Masama pakiramdam ko"
Pagkalabas ko ng room ay sakto namang pagpasok ng isang lalaki kaya nagkabanggan tuloy kami. Tawa ni Ronald ang una kong narinig habang hinihimas ang noo ko na tumama sa dibdib ng lalaki. Nag angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata nang makita na si Marco iyon.
"Sorry. Ulit" aniya saka tumawa ng bahagya bago umiwas sa akin at tuluyan ng pumasok sa room. Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang mabilis na t***k nito. What the hell?