Chapter 28 Kino’s PoV “Kino, let me explain. Please hear me out.” Paki-usap ni Miss Roxy habang naka-tayo sa tapat ko. Bagong ligo lang ako at mukhang siya rin. “Roxy, who’s that?” tanong ng lalaking biglang sumulpot sa kung saan na hindi ko naman kilala. “Louie, stay out of here please. May jetlag ka pa. Magpahinga ka na,” sabi ni Miss Roxy habang nakatingin sa akin. Ah siya pala si Louie, VIP nga. Mas mahalaga nga naman ang kapatid kaysa driver lang. “You don’t have to explain Miss,” ‘yon na lang ang tugon ko sa paki-usap niya sa akin. Wala naman siyang dapat na ipaliwanag. Isa pa, kahit wala naman akong ginawa maghapon kundi paghandaan at hintayin ang pagsapit ng alas-otso, pero nakaka-pagod talaga. Gusto ko na lang matulog na. “You don’t have to explain daw. The guts. Si

