Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa bigat ng eksenang nasa harap ko, pero parang mas umiikot ang mundo ko kaysa kanina. Ramdam ko ang init sa batok ko, ang pamamanhid sa mga daliri ko, at ang bigat sa dibdib ko na ayaw mawala kahit ilang lagok pa ang gawin ko. "That's... good. I'm really glad." Hindi ko alam kung para kanino niya sinabi. Para kay Blaise o para sa sarili niya? I can feel Benj's alert mode. Hindi man siya nagsasalita ay ramdam kong anytime ay ready-to-fight siya. "One more thing..." habol ni Calliope. "Is there someone... new?" "Calliope," si Treston na ang umawat. Calliope ignored him and looked intently at Blaise. Parang may humila ng hangin palabas sa baga ko. Inabot ko muli ang baso sa harapan ko at ininom 'yon. Hindi ko alam kung anong inaasahan kong sagot,

