( Light Cruz )
Nang makapasok na ako sa loob ng Bahay ng aking amo ay dali-dali naman ako nito dinala sa loob ng aking magiging kwarto. Pag bukas pa lang ng pintuan ay makikita na agad ang lababo at banyo sa gilid ng pintuan pagkatapos noon ay ilang lakad lang ay makikita na ang dalawang kama at isang malaking cabinet at ang buong kwarto ay kulay pink. Nang Makita ko ng maayos ang Kwarto ay bigla ako nanigas dahil sa kulay ng kabuuan ng kwarto.
"Fatima" tawag ng amo kung babae.
"Yes," Madam sagot ko naman dito.
"Ta'ali" Sabi nito sakin. Nang dahil sa sinabi nito ay bigla na lang ako napaisip kung ano ba ang sinabi nito sakin.
"Ta'ali"muling Sabi nito sa'kin. Nang dahil sa hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi ay lumapit ito sa'kin at hinila nito ang aking kamay at dinala ako nito kung nasaan ang banyo ng kwarto.
"Inte khalas aistahama, Ta'ali taht. Tayif- halika pagnatapos ka maligo, magpunta ka sa baba okay.
Habang pinag mamasdan ko ito ay Siya naman ang pag galaw ng mga kamay nito na ang dating sakin ay isang Body language.
Tumango ako rito ng matapos ito magsalita, habang nag aayos ako ng aking gamit ay hinawakan ko muli ang aking hikaw at dahan-dahan ko ito inaalis sa aking tenga. Nang maialis ko na ito ay nagmamadali naman ako na ilagay ang pinakadulo ng hikaw ko sa butas ng aking Relo. Kung saan pwede ko ireview ang lahat ng mga dinaanan namin at pwede ko rin makita kung may hindi ako napansin sa mga lugar kung saan kami dumaan.
Ang bawat gamit na meron ako ay mismong Company namin ang may gawa, Ito ang makabagong mga gawa ng aming I.T kaya kahit paano ay may mga kagamitan kami naipasok sa bansang ito ng hindi nalalaman ng iba.
Habang pinag-mamasdan ko ang screen ng aking relo ay may bigla na lang ako napansin sa labas ng bahay ng aking amo, habang papasok ako ay agad ko tinawagan si Sky sa aking Relo at hinanap ko kung nasaan nakalagay ang files nito. Nang makita ko ang Code name ni Sky ay agad ko ini encode ang ID Name nito. Ilang sandali ay sinagot na ni Sky, ang aking tawag.
"Can you monitor the CCTV near the gate." Agad na bungad ko kay Sky ng sagutin nito ang aking tawag.
"Okay just a sec." Habang hinihintay ko ang signal ni Sky ay kinuha ko ang isang maliit na Box sa loob ng aking maleta. Naglalaman ito ng isang spy gadget na pwedeng ibulsa upang hindi makita. Habang inaaral ko ang mga dapat ko malaman ay narinig ko na muli ang boses ni Sky.
Habang ina-analize ko. Ang mga kaylangan ko malaman ay narinig ko na muli ang boses ni Sky sa aking Relo.
"Light copy I get a report about our mission. All the information are on the file 30 that I send you."
"Copy Sky." Tungon ko rito.
Matapos ibigay ni Sky sakin. Ang lahat ng file ay mabilis ko itong binasa ngunit bigla ako napahinto ng hindi ko nagustuhan ang mga nasa report.
"Sky, Short Comment." Tanong ko rito.
"About sa tinatanong mo sakin kanina lang ay wala ako makita sa CCTV Light. Ang lahat nang kuha sa CCTV ay burado mula ng pagtapak mo sa bahay na iyan.
Bigla na lang nagsalubog ang aking mga kilay ng marinig ko ang mga sinabi ni Sky sakin.
"Akala ko ba ang lahat ng CCTV sa bahay na ito ay kuntrolado na nang team ni Sir. Martinez."
Hindi ko maiwasan na hindi mag isip dahil sa ipinarating sakin ni Sky, bago pa man kami umalis ng pinas ay napag usapan na namin ng buaong team, ang mga kanya kayang mga assignment na ibinigay saamin, nang mga nakakataas.
"Light yun din ang alam ko, pero lahat ng sinabi mo sakin ay wala sa mga CCTV ng bahay."
Bigla ako nagtaka kung bakit bigla na lang nabura ang mga kuha sa CCTV camera mula ng umapak ako sa Bahay na ito. Habang ng iisip sa mga nangyari ay isang katok mula sa pintuan ng aking kwarto ang aking narinig, agad naman ako nagpaalam kay Sky. Mabilis ko itanago ang aking mga gamit sa loob ng aking maleta ng marinig ko na bumukas na ang pinto ng aking kwarto, dahan-dahan ako lumingin sagawi ng pinto kung nasaan ang tao na nagbubukas ng aking kwarto.
Nang makaharap na ako dito ay isang payat na babae ang aking nakita, may katangkaran ito at hanggang balikat ang kanyang buhok, lumapit ito sa'kin at kinausap ako.
"Hay. Ikaw ba si Light.? Tanong nito sakin. Bigla ako nagtaka ng alam nito ang aking pangalan.
" Yes. Ako nga, paano mo nalaman ang pangalan ko.? Tanong ko naman dito.
"Ako si midnight kasama sa mission na ito. Nasa team ako ni Sir. Martinez."
"Kung ganon isang araw kana narito sa bahay na ito.?"
"May isang Buwan narin ako na binabantayan ang pamilya na ito." Sagot nito sa'kin.
" Kung ganon may mga information ka bang nalaman sa pamilyang ito."
"Yes. Meron na."
" Kung ganon, pwede mo ba sabihin sakin lahat ng mga nalaman mo." Sagot ko dito.
"Si Mister Muhammad ay may ari- bigla naputol ang sasabihin ni midnight ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto, sabay kami napatingin nito sa tao na nasa aming harapan.
"Hay. Are you Fatima.? Tanong sakin ng babae na nasa aming harapan.
"Yes. Sagot ko naman dito.
"Oh. My name is Shouq Muhammad." Inilahat nito ang kanyang palad sa aking harapan at mabilis ko naman ito hinawakan.
"Nice to meet you, Shouq." Magalang na sagot ko rito.
"Nice to meet you too." Matapos nito magpakilala ay humarap ito kay midnight.
"Mama want you Sara." Napatingin ako kay midnight ng tawagan Siya na Sara ni Shouq.
" Tayif ." Sagot Naman nito.
Nang magpaalam ito ay agad naman tumingin sakin si Midnight.
"Light, mamaya ko na lang sasabihin sayo, ang lahat ng alam ko."
Nag mamadali lumabas si Midnight ng kwarto matapos nito sabihin sakin. Habang nakatayo parin ako sa aking kinatatayuan ay muli ko sinimulan mag ayos ng aking mga gamit, Kumuha ako ng isang Black leggings, at black t-shirt. Nang makakuha na ako ng aking mga gamit ay agad ako nagtungo sa may banyo nitong aking kwarto. Kung saan ako dinala ng aking amo.
Matapos ako makapag linis ng aking sarili ay agad ako lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina, habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si midnight na naglilinis naglababo. Mabilis ko tinawag ito sa pangalan na kanyang gamit.
"Sara," Mula sa pagkakayuko nito ay tumingin ito sa may bintana kung saan makikita ang reflection ng taong tumawag rito.
Nang makita ako ni Sara ay agad naman ito humarap sakin.
"oh Fatima/ Light." Tawag nito sakin. Mabilis nitong iniwan ang kanyang ginagawa at lumapit sakin.
Tinitigan ako nito mula ulo Hanggang sa aking talampakan at muli nito binalik ang kanyang paningin sa aking mukha.
"Wow, mukhang hindi yata patas ang nasa itaas, bakit ganon kahit naka suot kana nang pang maid maganda ka parin tignan."
"Salamat at nakikita mo na kahit anong suotin ko ay babagay parin sakin." Sagot ko rito.
"Hindi kaya magselos si madam sayo," Bigla ako napaisip dahil sa kanyang sinabi.
"Bakit naman siya magseselos sakin." Sagot ko kay Sara, habang nakatingi ako rito.
"Ah, ang mga babaeing Arabo ay madaling magselos sa mga babae na mas maganda sakanila, lalo na kung kasambahay nila ang Ito."
"Hay, nako wala naman akong paki alam sa kanila kahit naman magselos ang asawa ni Sir, muhammad wala akong paki alam sa kanya, nandito ako SA bansa nila para sa mission natin, at hanggang doon lang yun at wala nang iba pa."
Nang masabi ko yun kay Sara ay ngumiti lang Ito at muling bumalik sa kanyang ginagawa.
Matapos ang tranaho ni Sara ay narinig ko, ang pagtawag ng isang boses dito. Mabilis Ito nagtungo sa tao na tumawag rito. Nang mawala na ito sa aking maningin ay mabilis ko inikot ang aking paningin kabuuan ng kusina nitong bahay.
Habang pinag-mamasdan ko ito ay isang maliit na Camera ang aking napansin sa gilid ng bintana, kung saan natatakpan ito ng mga masetera oh kaldero na nakasabit sa gilid ng bintana.
Habang palihin ko, ito pinang mamasdan ay pasimple ko naman inikot ang aking ulo upang hanapin pa, kung may roon pang ibang camera sa loob ng kusina.
Ilang sandali lang ay may tatlo pa ako nakita camera sa isa sa mga plato na nasa loob ng kabinit at isa naman sa itaas ng kisame ng kusina.