REESE's POV:
"Kuya Cad?" tawag ko sa kuya ko.
"Kuya?..." tawag ko ulit pero wala pa ring sumasagot.
Shet.
Natatae na talaga ako.
Tumayo ako sa aking kama at dahan-dahang kinapa ang daan palabas sa aking kwarto, nagbabakasakaling nasa labas ng kwarto ko rito sa ospital si Kuya Cad.
Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway ng ospital para makaiwas sa kung ano mang pwedeng maging rason upang matumba ako. Hindi pa ako nakakalayo sa kwarto ko ng may marinig akong sumisigaw papalapit sa akin.
"Hoy panget na babae tabi!" sigaw ng isang lalaki. Nataranta ako kaya naghahanap ako ng makakapitan pero narinig ko ulit na sumigaw yung lalaki.
"Tabi sabi punyeta!" sigaw niya ulit. hindi ko dala ang white cane ko kaya sa taranta ko ay nagtatatalon na lang ako sa pwesto ko.
"Shet ano ba yo--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng aking puwit sa lapag.
"Aish! Aray, tuhod ko huhu" angal ng lalaking nakabangga ata sa akin.
"Bulag ka ba o bobo ka lang talaga?!" inis na sambit niya.
"Bulag ako." mabilis na sagot ko habang hinihimas ang puwit ko habang nasa lapag pa rin ako.
"Luh..." sambit ng lalaki. Hindi ko siya pinansin dahil naghahanap ako ng makakapitan upang makatayo.
"Ilan 'to gaga?" tanong niya sa akin at bumuntong hininga ako sa inis.
"Ikaw, bingi ka ba o sadyang bobo lang talaga? Sabing bulag nga ako eh diba! Bulag, blind, hindi nakakakita, ano pang gusto mong term?!" inis na sabi ko.
"Eh sorry na, masakit din naman tuhod ko kaya quits na tayo, saka kasalanan mo yan bulag ka na nga pagala-gala ka pa." mayabang na sagot ng lalaki sa akin, magsasalita pa sana ako ng may mga narinig akong sumisigaw.
"Dale Kailo Dixon putanginamo!" sigaw ng lalaki.
"Howry Shet, patay." mahinang bigkas ng lalaking nakabangga sa akin pero sapat na para marinig ko.
"Ano nanamang trip mo Dale?! Nasa ospital ka na nga ang dami mo pang kagaguhan!" galit na sabi ng lalaking sumisigaw kanina pero nakalapit na sa amin ngayon.
"G na G Darth? Eh nakakabored dito ano gusto mong gawin ko? Mas gago naman kung sumabit sa kisame ng kwarto diba?" sagot ng lalaking walang modo na nakabangga sa akin.
"Ehem! Hindi ka man lang ba magsosorry?" kahit bulag ako ay itinaas ko pa rin ang kanang kilay ko.
"Hayyy... Sorry na Darth." paghingi ng tawad ng nakabangga sa akin.
"Bobo ka! Siya ba ang nabangga mo?!" inis na sabi ko.
"Eh 'di ko naman kasalanan na pagala-gala ka." giit ng nakabangga sa akin.
"Ah miss pasensya na sa asal ng kaibigan ko, gago talaga yan eh. Here, let me help you stand up" sabi ng isa pang lalaki pero ilang segundo na pero hindi pa rin ako nakakatayo narinig ko naman ang bungisngis ng nasa tabi ko.
"Uh miss... Take my hand so I can help you stand up." sabi ng isang lalaki na Darth ata ang pangalan.
"Bulag yan bobo HAHAHA!" sabi nung Dale raw ang pangalan sabay tawa, napairap na lang ako sa inis.
"Oh I see, I'm sorry miss." sambit nung Darth at naramdaman ko ang pagtulong niya sa akin tumayo.
"Doon sa nakabangga sa akin pahawak naman sa tainga mo?" sabi ko.
"Huh? eh hindi naman ako bingi, gusto mo lang ata ako tyansingan eh." sagot nung Dale.
"Basta pahawak, may ichecheck lang ako." sabi ko.
naramdaman ko naman na inilagay niya ang kamay ko sa tainga niya. Mabilis at madiin kong piningot ang tainga niya na naging dahilan ng pag aray niya pero mas diniinan ko pa ito nung naramdaman kong kumakawala siya.
"Darth tulong! Baliw ata 'to!" angal ng lalaki pero tinawanan lamang siya ng kaibigan niya. Ilang segundo rin ay binitiwan ko na ang tainga niya.
"Bakit mo naman ginawa 'yon! Baliw ka! Baliw!" inis na sabi nung Dale.
"Sino kaya ang baliw na nag suot ng skating shoes at naglaro sa hallway?" sabat nung Darth sa usapan.
"Reese?" narinig ko na may tumawag sa akin.
"Hoy Reese! bakit ka nasa hallway?" teka si kuya ba yon? shet boses nga ni kuya!
"Hoy ka rin Kuya Cad! kupal ka bakit bigla kang nawala sa kwarto!" sabi ko at naalala ko na natatae nga pala ako.
"Hala s**t sorry na Reese hindi ko naman sinasadya hehe, tara pasok na tayo sa kwarto mo." sabi ni kuya na ngayon ay inaalalayan na ako.
"Pero teka, sino ba kayong dalawang lalaki kayo at bakit kasama niyo kapatid ko?" tanong ng aking kuya.
"Nagkataon lang po na--" hindi pa natatapos nung Darth ang sasabihin niya ng biglang sumabat yung walang modo na lalaki.
"Eh kasi 'yang kapatid niyo po paharang-harang sa daanan, bulag naman pala." aroganteng sagot ni Dale.
"Teka-teka 'toy, kapatid ko pa nasisi mo eh ikaw nga 'tong timang na nakasuot ng sapatos na may gulong." sagot ni kuya Cad. Naramdaman ko na bumitaw si kuya sa pagkaka-alalay.
"Baka gusto mong bangasan kita?" matapang na dagdag pa ng kuya ko.
"Ako na po ang humihingi ng sorry sa ginawa ng kaibigan ko." singit nung Darth.
"Hoy timang magsorry ka nga!" dagdag pa nung Darth.
"Teka aray!-- Oo na, tama na pagpingot sa akin oo na nga! Sorry na!" napipilitang paghingi ng tawad nung Dale.
"Isa pang beses na bastusin mo ang kapatid ko, gigising kang bulag na rin." pagbabanta ng overprotective na kuya ko, hay nako ito nanaman siya.
"Tara na nga kuya, pabayaan mo na yang monggoloid na yan!" sabat ko at naramdaman ko na umaalalay na sa akin ang kuya ko.
"Pasensya na po ulit!" pahabol nung Darth.
Hayop, gusto ko lang naman tumae pero bakit humihingang tae ang binigay sa akin?