"Ayos ka lang ba, Autumn? Dapat talaga kinalbo ko na ang babaeng iyon, e!" Ang kaninang lamig na nararamdaman ay napalitan ng pagtataka nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Mula sa rear view mirror ay sinilip ko ang babaeng nagmamay-ari ng tinig at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Winter na nanggagalaiti pa. Kaya pala bigla na lang syang nawala kanina sa tabi ko. "Winter?! Sinong nagturo sa'yo na magdrive?!" Malakas na sigaw ko. Nilingon ko si Josiah pero mukhang busy naman ito kakatipa sa kanyang cellphone kaya muli kong ibinalik ang atensyon sa kapatid ko. "Ano ka ba, Autumn? Mga rich kid yung kaklase ko nung college kaya tinuruan nila akong magdrive. Isa pa, secretary ako ni Mr. Perell, dapat lang talaga na marunong—" "Wala akong paki! Sinong nagsabi na magdrive

