"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo ha?!" Inis na tanong sa akin ni Winter. Nakapameywang ito habang paulit-ulit na ipinapamukha sa akin ang katangahan nanaman na nagawa ko. Hindi ko naman kasi alam sa sarili ko kung bakit nadulas pa ako at nasabi ang plano ko! Heto tuloy at mapakikinggan ko nanaman ang walang kamatayan na panenermon ni Winter. Nanatili akong nakayuko. "Bawiin mo 'yon ha!" "Winter naman. Nakapirma na ako, e." "Yung pirma mo ang iniisip mo o dahil gusto mo lang makasama ang lalaking iyon?!" Nanggagalaiti na talagang tanong nya. Rinig ko ang bungisngisan ng dalawa kong kapatid. Buti na lang at malawak ang kwartong ibinigay sa amin ni Mr. Perell kaya hindi naririnig ang pag-eeskandalo ng babaeng 'to sa labas. "Pwede both?" Nahihiyang tanong ko saka sya binigyan ng

