Parang lantang gulay na inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aking silid. Bakit nga ba ako umasang totoo ang sinasabi nya? Sa unang pagtibok ng puso kong akala ko ay para lamang sa babae, bakit ako agad nagpadala? Ilang ulit akong nagbuga ng malalim na hininga. Ang katotohanang sa kanya lang ako nagkaganito ay hindi ko matanggap. Bakit nga ba sa kanya pa? Bakit sa lalaking alam ko pang mahirap abutin dahil kahit anong hagdan, kahit anong takbo pa ang gawin ko ay hindi ko makakayang abutin ang buhay na mayroon sya? Ilang ulit kong hiniling na sana, kasabay ng pagkawala ng alak sa aking sistema, mawala na ang sakit at nararamdaman ko para sa kanya pero heto’t para akong tanga. Itinungo ko ang aking ulo sa mga tuhod ko nang marinig ang paulit-ulit na pagkatok. “Autumn, magdidilim na at hi

