Warning: Contains explicit scene/s. Please be advised. Episode 12: "How's your day?" Tanong ni Papa habang sabay-sabay kaming nakain ng dinner. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Rosendale na katapat ko lamang. Pansin kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko napigilang ituon na lang ang atensyon sa pagkain. Naiinis ako sa kanya na hindi ko alam. It's been a week since that last kiss and I was glad na sumusunod siya sa usapan. So far, hindi ko na ulit siya nakita pang naglaslas. Sana ay tuluy-tuloy na. Iyon nga lang, I have to sacrifice my lips just to keep her sane. Feeling ko ako ang sunod na map-praning. "My day went out fine, Pa." Sabi ko at dinugtungan pa iyon ng isang ngiti. Both of my parents smiled at me. Hinawakan pa ni Mama ang kamay ni Papa which I think was so sweet. "H

