Episode 9: "Suicidal." She glared at me. "Ano na naman bang problema mo?" Nagkibit ako ng balikat. "Let's cut your bangs." Narinig ko ang mahinang pagsinghap niya dahil sa sinabi ko. Napangisi ako sa loob-loob ko. Alam ko namang magre-react agad siya. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ba mas gusto niya pang nakaharang yung mahabang bangs sa mata niya, akala mo naman may pinagtataguan. "What the f**k?" Nagpintig yung tainga ko sa narinig na mura niya. Pero ang priceless ng mukha ni Rosendale, akala mo inagrabyado. "Hoy, hindi pa kita minumura, maka-what-the-f**k ka." Inirapan ko siya at inismiran. "Suicidal." "May sira ba ulo mo?" naiiritang tanong niya, "Inaano ka ba?" I didn't answer. Nagbi-b***h mode lang naman ako dahil do'n sa mga nakita kong scars sa dibdib niya no'ng nak

