TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.
Episode 5:
"Echo, tawagin mo na si Rosendale at nang makapasok na kayo."
Tumango lang ako kay Mama at walang imik na pinuntahan yung kwarto ni Rosendale. Ilang araw na rin siyang nakatira dito kaya nasanay na rin naman akong sabay kami kung pumasok. Maliban na lang kapag malapit na sa school. Ayokong pati ako maging sentro ng usapan, 'no.
Agad kong kinatok ang pinto ng kwarto niya nang makarating ako. "'Uy, papasok na tayo. Nakaayos ka na ba?" Nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig niya.
Na-realized ko na hindi rin naman pala masamang kasama si Rosendale. Iyon nga lang, nawiwirduhan pa rin ako sa kanya kung minsan.
Hindi naman talaga kami madalas mag-usap, hindi rin kami nagpapansinan kapag nasa school. But whenever we were here at home, para bang may mutual understanding na kami na we should avoid getting to each other's nerves or else ramble ang ending namin.
Nag-uusap kami minsan lalo na kung usapang Gravity Falls at iba pang animated na palabas ang topic pero maliban do'n ay wala na. I didn't want to ask something personal. But then, most of the time she's imprisoning herself in her room. Para bang ayaw na ayaw niyang lumalabas sa comfort zone niya.
"Rosendale?" tawag ko ulit. Hindi kasi ito sumasagot. "Okay ka lang ba riyan? Aba'y uso ang sumagot."
I tried to knock again but I was answered with silence. Napairap na lang ako. Nag-iinarte na naman ba siya?
"Hoy, open this door!" I said in a loud voice. I turned the doorknob and noticed na hindi ito naka-lock. Pinihit ko ito pabukas. "Papasok na ako, ah. Walang sisihan."
Nang wala pa rin akong na-receive na sagot ay tuluyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok.
"Ang dilim naman," Nasabi ko na lang bago buksan ang ilaw.
Nilibot ko ang tingin sa makalat na kwarto niya. Puro papel at newspaper. Saan niya ba pinaghahalungkat 'tong mga 'to?
"Hoy, Rosendale?" Nasa banyo pa yata siya.
Niligpit ko muna yung mga papel niya at inilagay na lang sa study table nito. Kababaeng tao, ang kalat sa kwarto. Lumapit ako sa may kama niya nang mapansin ko yung picture sa table sa gilid nito. Napatingin pa ako sa paligid ko para siguraduhing walang makakahuli sa akin.
I stared at the picture. A family picture.
Larawan ng pamilya ni Rosendale. Ang saya nila rito. Tapos yung babaeng 'yon, hindi pa mahaba yung bangs niya kaya kitang-kita ko pa yung mga mata niya.
And she's smiling. A real smile. How I wish she's always smiling like this. Baka may chance na kaibiganin ko siya, like, for real.
Sa tabi naman ng picture ay may nakapatong na blue notebook. Plain lang ito pero ibang kilabot ang hatid nito sa akin. Bakit parang... Hinawakan ko ito at hinaplos yung mantsa ng cover nito. Bakit parang...natuyong dugo yata 'to?
Napalunok ako. Unti-unti akong kinakain ng kaba habang inaangat ang cover ng notebook. Nakalagay yung name ni Rosendale sa first page ng kwaderno. Pero ang mas nagpabilis ng kabog ng dibdib ko ay yung mantsa ulit ng dugo sa gilid. Dugo nga talaga, hindi ako pwedeng magkamali.
What the hell. So totoo talaga? Kasi kung hindi, bakit may bakas ng dugo rito?
I turned the pages hanggang sa marating ko ang pinaka-current na entry. Kinilabutan ako lalo dahil may dugo pa rin ito. Seriously, gaano karaming dugo yung sinasayang niya? Inalis ko muna yung mga tanong sa isip ko. Binasa ko ng mahina yung nakasulat.
"I talked to her about my favorite cartoon." Natigilan ako nang ma-realized ko na ako yung pinatutungkulan niya rito. "She's not bad for herself. She's nice."
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Anong katuwa-tuwa rito? Parang pinuri lang, eh. Napairap na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Somehow, that simple talk made me feel alive without making my skin bleed, but I can still feel the chain on my feet, pulling me down." I snorted. Napakalalim naman niyang magsulat. "I instantly forgot the happiness I felt during that time the moment I was left alone. So I tried making myself feel alive again. The wound feels good and the blood looks...pretty."
Mabilis na sinara ko kaagad ang notebook. Parang hindi ko na yata kaya pang basahin yung iba. Napayakap ako sa sarili ko. Masyado akong kinikilabutan. Nakakapanlamig. I can sense that it will not stop bothering my mind.
Napailing ako. Ayoko na lang isipin. I groaned. Nasaan na ba kasi si Rosendale?
Nilingon ko yung pinto ng banyo. Ngayon ko lang na-realize na wala akong naririnig na lagaslas ng tubig. Parang ang tagal na niya yata ro'n. Ayoko man gawin ay naglakad na ako at binuksan ang pintuan ng banyo. Pumikit pa nga ako para hindi ko siya masilipan kung sakali mang wala siyang suot na damit.
"Rosendale?"
Unti-unti kong iminulat ang mata at halos takasan ako nang kulay sa mukha nang makita ko siyang nakaupo sa tiles, walang malay at may...dugo sa pulso. s**t. Ano na naman bang pumasok sa isip niya?
Mabilis ko siyang nilapitan at tinapik-tapik sa pisngi. "Rosendale, hoy. Gising, Rosendale!"
Ayaw niya pa ring magkamalay kahit na ilang beses ko siyang tapikin o kahit hampasin sa braso. Gusto ko na nga rin siyang buhusan ng tubig.
Pinilit kong kumalma kahit nanginginig na yung tuhod at kamay ko dahil sa pinaghalong takot, kaba, at labis na pag-aala. s**t talaga. Anong gagawin ko? Ano nga ba ang dapat? I have to think straight!
Wait. Tatawagin ko na lang sina Papa. Sure ako mas alam nila yung gagawin.
Tatayo na sana ako para humingi ng tulong nang mapatili ako dahil sa paghawak niya sa akin sa braso ko. Tiningnan ko siya nang masama. "The heck, tinakot mo ako!"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. She looked so drained. I can't help but think that she reminded me of someone who's physically tired, like Rosendale ran a mile without a pause. Mabuti na lang talaga at nagising na siya. Pero feeling ko hindi niya kakayaning pumasok sa school.
Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok niya. "Kaya mo bang tumayo?"
"I don't know."
Napabuntong-hininga ako. Inalalayan ko siyang maglakad palabas hanggang makarating sa kama niya. Mabuti na lang hindi na siya nagmatigas pa. Kakaladkarin ko talaga siya if ever.
Pinasandal ko siya sa headboard. Kinuha ko yung first aid kit. Lahat ng room na available may medicine cabinet para sa mga ganitong situation. Pagbalik ko ay kaagad akong umupo sa tabi niya. Aalisin ko na sana yung bracelets niya ang kaso pumalag siya at tiningnan ako ng masama.
"What are you doing?"
"Lilinisin yung sugat mo," maikling tugon ko.
"No need."
"Hoy, babae, huwag ka nang mag-inarte. O baka naman gusto mo pang sina Papa ang mag-asikaso sa'yo?" Hindi ko na naiwasang magtaray dahil sa pagiging stubborn niya. "Tingnan mo nga, kung hindi pa kita nakitang walang-malay baka natuluyan ka na."
"You should just let me then." She answered with obvious bitterness in her voice.
"Huwag mong sayangin yung pag-aalala ko." Sagot ko na lang bago puwersahang hinila ang braso niya. Mabuti na lang nanlalambot pa siya kaya hindi na makapanlaban.
She just snorted at me. Hinayaan ko na lang siya, wala naman siyang magagawa, eh. Tinanggal ko na yung mga bracelets niya at tumambad sa akin ang mga peklat niya na halos magpatung-patong na dahil sa makailang beses na paglalaslas.
Nanghihinayang ako na ewan dahil dito. Alam ko naman yung reason niya, eh. Feeling ko nga may clinical depression na siya dahil sa ginagawa. She wanted to feel alive by killing herself slowly. Such an irony.
I can't really decipher her.
"Sana hindi na 'to maulit." Sabi ko na lang habang bina-bandage ang pulso niya.
"I can't promise." sagot niya, "Hindi ko kaya."
Hindi na lang ako umimik. Binitawan ko na yung braso niya nang matapos. Pinanood ko siya habang isa-isa niyang sinusuot ang mga pulseras.
Tumitig siya sa akin. "What? Why are you even here?" Walang modong tanong niya. "Sinong may sabing pwede kang pumasok?"
Yung attitude na naman niya. Sarap talaga niyang sabunutan.
"Hindi ko na kasalanan kung hindi naka-lock yung pinto mo." sagot ko sa kanya, "At isa pa, pinuntahan kita dahil sabay tayong papasok. But because of your situation, malayong makapunta kang school. So hindi na lang din ako papasok."
"I don't need your pity—"
"Whatever," pambabalewala ko, "Pity or not, babantayan kita. Hindi ako papasok." I said with finality. Hindi na niya mababago yung isip ko kahit anong idahilan niya. "Baka mamaya wala ka nang buhay pagbalik ko."
"b***h," she muttered.
"Suicidal."
Hindi na siya umimik at basta na lang akong tinalikuran. Napangiti na lang ako dahil ako ang nanalo.
_____