Chapter 2 The Deal with the Devil

1639 Words
Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong idinidilat ang mga ito. Nang ganap na akong makamulat ay kinailangan kong pumikit muli dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng kuwartong kinaroroonan ko. At bigla akong napabalikwas nang makita ang hindi pamilyar na kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pagkatapos ay parang agos ng tubig na biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Ang alaala ng mga nangyari mula sa pagkarinig ko ng mga tinig hanggang sa masaksihan ko ang pagpatay sa isang babae. Nanumbalik din ang takot sa akin nang maalalang naabutan pala ako ng mga lalaking humahabol sa akin bago pa nagdilim ang lahat. “I see you’re awake,” isang malalim na boses ang nagpalingon sa akin sa kanang bahagi ng kuwarto kung saan may isang set ng mga itim na sofa. Ngayon ko lang din napansin na napakaganda at napakaelegante ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Combination ng gray at milky white ang pintura at ang interior design ay talagang nakamamangha dahil halatang hindi basta-basta ito at sigurado akong mayaman ang nakatira rito. “Are you done examining my room?” muli ay nagsalita ang lalaki. Napalunok ako nang maalalang ito iyong lalaking bumaril doon sa babae. Ano’ng mangyayari sa akin ngayon? Ako na ba ang susunod na mamamatay? Hindi puwede, kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Kaya kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kaniya ay gagawin ko para lang huwag niya akong patayin. “S-sir, bakit po ako nandito?” kabadong tanong ko. Hindi ito agad sumagot at seryosong nakatitig lang sa akin. Lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso ko at nanubig na naman ang mga mata ko. “Nakita mo ang lahat, hindi ba? Pero bago tayo pumunta riyan, tumawag nga pala ang Mommy mo. Ang sabi ko lang hindi ka makakauwi ngayon dahil may importanteng research project na kailangan mong tapusin,” aniya na hindi man lang tuminag mula sa pagkakaupo. Malamang ay halang ang kaluluwa ng lalaking ito dahil parang wala lang sa kaniya na nakapatay siya ng tao. Ngunit sa pagkakabanggit niya sa mommy ko ay lalo akong kinabahan. Paano kung idamay niya ang pamilya ko dahil sa mga nakita ko? “N-nakausap mo si Mommy? S-sir, please huwag ni’yo pong idamay ang pamilya ko. A-ako na lang po ang pagbuntunan ninyo ng galit,” naiiyak na pagsusumamo ko sa kaniya. “Well, you have a point. Pero kung hindi ka sana pakialamera at nakikitingin sa mga bagay na wala ka namang kinalaman, eh, ‘di sana ay wala ka ngayon sa harapan ko?” may halong galit at pagkadismaya ang mga pahayag niya kaya dumagundong na naman ang dibdib ko. Madilim ang awra ng mukha niya at base sa pagkakakunot ng noo niya ay halatang galit talaga siya. “Sir, huwag po kayong mag-alala, wala po akong pagsasabihan ng mga nakita ko. Maniwala po kayo! Ililihim ko ang lahat hanggang sa kamatayan ko!” umiiyak na pagsamo ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla itong ngumisi na tila may iniisip na hindi maganda. Lalo pang dumoble ang takot ko dahil doon. “At bakit naman ako maniniwala sa iyo? Muntik mo nang sirain ang lahat ng plano ko at ngayon, imbes na malinis ang lahat ay nagkaproblema pa ako dahil may isang witness na kailangan kong patahimikin,” galit na sagot nito. Kinapos ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Patahimikin? Ibig bang sabihin noon ay patayin? “S-sir please po… may sakit ang Daddy ko ngayon at ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko para makatulong sa pamilya. Pangako pong ititikom ko ang bibig ko sa lahat ng nasaksihan ko. Pangako po iyan. Maniwala po kayo!” halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa kaniya. Nakita kong tila lumambot ang mukha niya ngunit hindi sapat iyon upang masiguro ko ang kaligtasan ko ngayon. Ilang sandali itong tumitig sa akin at animo’y pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa uri ng pagtinging iyon. Iyon iyong uri ng tinging hindi mapagkakatiwalaan at walang gagawing mabuti. “Well then, I have two conditions…” sabi nito. Naguguluhan man ay nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. “Gagawin ko po ang lahat ng gusto ninyo, Sir. Basta hayaan ni’yo lang po akong mabuhay at makauwi ng maayos sa amin,” paniniguro ko sa kaniya. “Are you sure na kahit ano?” nakangising tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango at inayos ang pagkakatayo ko. Pinunasan ko rin ang mga luha sa mukha ko at bahagyang inayos ang nagulong buhok ko. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko. “My first condition will be, you will not say anything about last night to anyone. Because if you do, I will kill your father and send you to the club to become a prostitute,” he stated seriously. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Mariin akong napalunok at pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Miyembro ba ng sindikato ang lalaking ito? Sayang naman, kasi ang guwapo pa naman niya. Kulang na lang ay batukan ko ang sarili sa pagsagi ng bagay na iyon sa isip ko gayung nasa gitna ako ng kamatayan. “Yes, sir. Wala pong problema. Ano po iyong pangalawa?” mahinang tanong ko. Kahit gawin pa niya akong katulong o alila ay papayag ako basta huwag lang niya akong papatayin o sasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Wala silang kinalaman sa gulong pinasok ko kaya hindi sila dapat madamay. “I want you to become my personal woman. At gagawin mo ang lahat ng gusto ko!” napakanatural nang pagkakasabi niya at tila naubusan yata ng hangin ang dibdib ko. Literal na huminto ang paghinga ko at nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Parang isang bombang sumabog sa harap ko ang bawat salitang pinakawalan niya. Natulala ako dahil hindi agad rumehistro sa utak ko ang ibig niyang ipakahulugan. “Don’t worry, I will pay you handsomely especially if your performance will be excellent!” dagdag pa nito nang hindi ako makapagsalita agad. “A-ano pong ibig ninyong sabihin, Sir?” naguguluhang tanong ko. Gagawin ba niya akong personal niyang alalay o sekretarya? Sabagay sabi niya pasu-suwelduhin naman niya ako nang malaki. Kung gano’n ay maganda rin iyon dahil magkakaroon ako ng dagdag na kita. “I want you to become my personal bedwarmer. And I will have rules that you have to follow,” nakangiti na ito ngayon habang nagsasalita. Iyong ngiting demonyo. At kinilabutan ako dahil tiningnan niya ako ng may pagnanasa habang sinasabi ang salitang bedwarmer. So, iyon ang ibig niyang sabihin? Gagawin niya akong babae niya para gawing parausan. Nababaliw ba siya? “Sir, sandali lang po. Hindi ho ako pokpok para sa sinasabi ni’yo. Maaaring sinabi kong susundin ko ang lahat ng gusto ninyo pero hindi naman po hanggang sa ganiyang bagay. Please po, sir… kahit gawin ni’yo na lang po akong katulong huwag lang po iyan…” naiiyak na pakiusap ko. Hindi ko na naman naiwasang lumuha dahil sa takot. At lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang dumilim ang mukha nito at mabilis na lumapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pagdikit ng likod ko sa malamig na pader ng kuwarto. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko at inilapit ang mukha sa akin. Nalanghap ko pa nga ang mabango niyang hininga na tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Tila ako nalalasing na ewan. “Take it or leave it,” paos ang boses na sabi niya. “P-pero, Sir–” Nalunod na sa lalamunan ko ang iba ko pang sasabihin nang biglang niya akong siilin ng halik. Ang mga kamay niya na kanina ay nakasandal sa pader ay mahigpit nang nakahawak sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at tinangkang magpumiglas mula sa kaniya ngunit sadyang napakalakas nito. Halos higupin na niya ang buong bibig ko sa ginagawa niyang paghalik at ni hindi ko maibaling ang ulo ko dahil kontrolado niya ito. Nawala ako sa sarili nang maramdaman ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Sinubukan kong muling iiwas ang ulo ko pero bigo ako. Naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay niya sa dibdib ko at marahan nitong pisilin. Napanganga ako sa ginawa niya kaya tagumpay siyang nakapasok sa bibig ko. At doon ay nilaro-laro niya ang dila ko. Kakaibang kiliti ang idinulot niyon sa akin kaya hindi ko namalayang tinutugon ko na pala ang halik niya. Ramdam kong ngumiti siya sa paggalaw ng mga labi ko bilang pagtugon sa kaniya. Hanggang sa magmakaawa na ako dahil naubusan na talaga ako ng hangin sa dibdib. “f**k! You taste so sweet…” tila hirap na hirap na sabi nito habang ang mga mata ay mapupungay na nakatitig sa akin. Ako naman ay hingal na hingal at naghahabol ng hininga. This is not my first kiss pero kakaiba ang idinulot ng mga halik na ito sa akin. Nagugulo ang isipan ko at parang nagugustuhan ng katawan ko ang paghaplos niya sa akin kanina. “Do you agree with my conditions? Or you want me to force myself to you and discard you after?” he warned in a dangerous tone. Sinagilihan na naman ako ng matinding takot at wala sa sariling napatango. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin at napapayag niya ako sa gusto niya. Ngunit isa lang ang sigurado sa akin, handa akong magsakripisyo para mapanatili ang kaligtasan ng pamilya ko mula sa estrangherong ito. “Come here, baby so you could sign our contract…” yaya nito sa akin nang bumalik ito sa sofa na kinauupuan kanina. “Contract?” takang tanong ko saka atubiling lumapit sa kinaroroonan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD