Kiss!!!

1173 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Nagulat naman ako. "Ha??? B-bakit mo ibibigay iyan sa akin? Di ba para iyan sa babaeng pakakasalan mo?" "Hindi ko pa naman siya nahanap eh. Atsaka, may ipinalit na ako sa kanya. Kaya 'di ko na siya kailangan." Napangiwi naman ako. "Talaga? Nasaan ang kapalit niya?" "Ikaw..." Simula ngayon, ikaw na ang toy soldier ko. Ikaw na ang lucky charm ko, ang guardian soldier ko." Natahimik ako, napangiti ng hilaw. "Ayaw mo ba?" "G-gusto naman. S-sige... akin na 'to." At kinuha ko ang toy soldier sa kamay niya, hinaplos-haplos at tinitigan. Sa totoo lang. Gusto ko rin ang toy soldier niyang iyon. Ewan, pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng loob ko sa laruang iyon. Para kasing talagang buhay. Sa mukha niya, cute na cute tingnan. Nakakatuwa. At kung tititigan mo ang mga mata niya, tila may sinasabi sa iyong isip. Nakakapawi ng stress. Nakakawala ng problema. "At kung gusto mo, ako na rin ang toy soldier mo. Puwede ba iyon?" dugtong ni Carlo. Natawa naman ako sa narinig. "Umm." Ang nahiyang pagtango ko. Iyon ang pinakaunang pagkakataon kung saan ay labis akong natuwa sa ipinakita niyang kabaitan at thoughtfulness sa akin. At iyong pagbibigay niya sa akin sa isang bagay na mahalaga sa kanya, hindi ko aklain. Iyon na rin ang simula ng tawagan namin ni Carlo: "Toy" hango sa pinaiksing "Toy Soldier" Dahil sa pagbabago ni Carlo at sa pagsikap niya sa kanyang pag-aaral, aktibo na siyang sumasali sa mga outreach programs, bumibisita sa mga slum areas, nagbbigay ng mga giveaways, nagpaplano ng mga feeding programs. At dahil may mga charity works din ang mommy niya, tuwang-tuwa ito sa nakitang projects ng anak. Sumasali na rin si Carlo sa mga clubs. At ang club kung saan ay lalo pang nagpalapit sa aming dalawa ay ang Theater Club. Isang okasyon, may stage presentation ang club at kasali kaming dalawa ni Carlo sa cast at mga mga pangunahing karakter. Nasa stage kami noon at patapos na ang palabas nang biglang nadulas si Carlo. Babagsak na sana siya sa sahig na nakatihaya subalit nasalo ko siya sa aking mga bisig. Tila nag-freeze ang lahat habang hawak-hawak ko ang pang-itaas niyang katawan. Alam ko, malaking kahihiyan ang nangyari. Natahimik ang mga tao sa nakitang pag-freeze namin sa posisyon na iyon. Nagkatitigan kami ni Carlo. Ang nasa isip ko ay ang matinding takot at nerbiyos sa aming kapalpakan, at sa harap pa ng maraming manunuod. Hindi ko alam ang aking gagawin habang ang mga tao naman ay tila nag-freeze din, nag-abang sa sunod na mangyayari. Hanggang sa may narinig akong sigaw na, "Kiss! Kiss! Kiss!" marahil ay dahil iyon sa aming anyo na nagkatitigan, nagpakiramdaman kung ano ang gagawin. Marahil ay biro lang din ang sigaw na iyon. Ngunit kung biro man iyon, lalo lamang akong naturete at natakot. At nang tiningnan ko ang direktor na may minimuwestra, bakas sa mukha ang galit, dagdagan pa sa mga nakakabingi nang sigawan na "kiss", tila nawala ako sa aking sarili. At naalimpungatan ko na lamang ang pagdampi ng aking mga labi sa pisngi ni Carlo. Nakakabingi ang hiyawan ng mga tao sa ginawa ko. Para silang kinilig na hindi mawari. At ang lalo ko pang ikinaturete ay ang mabilisan niyang paghalik sa aking mga labi, iyong parang kaswal na naglalaro lang, nakaw kumbaga na halos hindi ko namalayan sa bilis. At ito ang lalong nagpatindi sa hiyawan at sipulan ng mga tao na tila babagsak ang buong stadium sa ingay. At narinig ko na ang pagsigaw ng direktor namin ng, "Isara ang kurtina!" At iyon, unti-unting nagsara ang kurtina ng stage. Pakiramdam ko ay natulala ako sa bilis ng mga pangyayari, natakot na baka magalit ang aming direktor at sisihin ako at si Carlo. Nang nakita kong nagsitakbuhan na ang mga kasama naming cast sa dressing room, tumakbo na rin kami ni Carlo. "S-sorry po, n-nadulas po kasi ako, Direk..." Ang sambit ni Carlo sa aming direktor. "Anong sorry! Nagustuhan ng mga manunod ang ending natin!!!" at baling sa akin, "Paano mo pala naisip na halikan si Carlo, Chris?" ang tanong niya sa akin. Na ikinagulat ko. "Hah? Akala ko po ay minuwestrahan po ninyo akong halikan siya?" "Hindi! Ang minuwestra ko ay patayuin mo si Carlo at ituloy ang eksena upang matapos!" Tawa naman ng tawa ang aming mga kasama sa cast, pati na si Carlo. "G-ganoon po ba?" "Pero maganda ang ang ginawa mo! Nag-wild ang mga audience. Hindi nila akalain ang twist!" Dagdag ng aming direktor. Ang kuwento kasi ng aming palabas ay mag-bestfriends kami ni Carlo na nagkataon ding magkaribal sa isang babae. Ngunit naguluhan kami sa aming mga sarili namin dahil ayaw naming saktan ang isa't-isa at masira ang pagiging matalik na magkaibigan. At imbes na ang ending ay pipiliin ng babae si Carlo at ako ay mag-isa na lamang at lihim na iiyak, iyong halikan namin ang aksidenteng naging ending. Ipinakita rin kasi sa mga eksena ng kuwento kung gaano ka-close ang aming pagkakaibigan ni Carlo, inilarawan ang mga sakripisyo namin para sa isa't-isa, ang mga masasayang samahan at iyakan sa mga problema. "At bakit mo naman naisip na halikan ako sa bibig?" ang tanong ko rin kay Carlo. "Eh... hinalikan mo ako eh. At tumili naman ang mga tao. Akala ko iyon na iyon. At akala ko, si Direk din ang nag-utos sa iyo dahil sa kanya ka nakatingin eh!" Hindi maaawat ang mga kasama namin sa katatawa. "Akalain mo? Akala ko straight ang kuwentong pinagpraktisan natin, iyon pala gay love story?" sambit ng isang cast. "Hayaan mo na pre... patok na patok naman. Sigurado, pag-uusapan ang palabas natin at malamang na kung may kumuha ng video at mag-upload sa youtube, pagpyistahan ang palabas natin!" ang sagot naman ng isa. At iyon nga ang nangyari. Naging talk-of-the-campus ang eksena naming iyon. Laman ng mga talakayan sa campus at maging sa f******k at twitter. May iilang bumatikos ngunit mas nakararami ang pumabor. Pero ang magandang nangyari, nabuksan ang issue ng third s*x kung saan ay napulsuhan ang sentimyento ng mga estudyante at nakitang marami na rin pala ang tumatanggap dito. Iyon na rin ang simula ng "love team" namin ni Carlo. Sumikat kami bilang "The Kissing Boys". Hanggang sa nakilalang "Kissing Toys" dahil sa mga nakakaalam na "Toy" ang aming tawagan. At naki-"Toy" na rin ang mga estudyante sa amin. Syempre, tuwang-tuwa ang mga bakla. Iyon bang kami ang naging modelo nila, tinitingala, idolo, icon... pati na rin ng mga tomboy, discreet, confused, at curious. At hindi lang sila, marami ring mga babae at lalaki ang kinilig sa love team namin. At ang mga litrato at video na kuha sa aming theater show at pinost ng mga estudyante sa internet ay naging viral, umani ng libu-libong views at ilang daang comments. Dumami rin ang nakapansin sa amin, marami ang nag-follow at naging fans. At halos lahat ng departamento sa unibersidad ay inimbithan kami upang mag-perform at masaksihan ang makasaysayang halik namin ni Carlo. May mga invitations din kaming natatanggap mula sa ibang schools. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD