Sa mata ng karamihan, si Norlyn Perez ang ideal student.
Smart, active, maganda, at palaging may ngiti. Campus president. Role model. Halos perfect. Pero ang totoo?
Pag-uwi niya sa bahay, wala siyang boses. Ang ama niya, palaging galit.
Ang ina niya, palaging wala.
At ang mundong ginagalawan niya, punong-puno ng pressure at comparison. Kahit anong galing niya, lagi siyang kulang.
Kulang bilang anak.
Kulang bilang kapatid.
At minsan, pakiramdam niya... kulang siya bilang tao. Sanay siyang ngumiti kahit hindi masaya.
Sanay siyang umiyak nang tahimik.
Sanay siyang magpanggap na okay siya-kahit unti-unti na siyang nauubos.
Si Rocky John Martinez naman, tahimik lang. Transfer student. Palaging nag-iisa. Parang laging may iniisip. Parang may itinatago. Minsan na siyang naniwala sa pag-ibig-at minsan na rin siyang iniwan nang basag-basag. Ngayon, chess na lang ang mundo niya.
Tahimik. Predictable. Walang risk. Walang trust. Walang kwento.
Pero ang mundo, hindi sumusunod sa rules. Minsan, kahit gaano mo gustong umiwas, dadalhin ka pa rin sa taong kailangan mong makilala.
Nagtagpo sila sa pinaka-unexpected na paraan. Isang hallway sa Luntian National High School. Isang literal na banggaan. Isang lalaking hindi man lang lumingon. At isang babaeng nainis sa pagiging rude niya.
Walang "sorry." Walang introduction.
Pero may tensyon. At may sulyap na hindi agad makalimutan. Siya ang babaeng maingay, masayahin, palabiro.
Siya ang lalaking seryoso, malamig, at mailap.
Walang nagsabing magkaibigan sila.
Walang nagsabing bagay sila.
Pero sa bawat asaran, sulyapan, at tahimik na eksena...
parang may unspoken understanding. Na parehong pagod.
Parehong nasaktan.
Parehong naghahanap ng kahit kaunting tahimik sa gulo ng mundo. Kasama ang mga fake friends, nosy classmates, at overly dramatic na pamilya,
magsisimula ang isang kwento ng dalawang pusong sugatan-
na unti-unting magagamot ng dahan-dahang pagkakaibigan,
asaran, kilig, at hindi inaasahang pagmamahal.
Hindi ito love at first sight.
Hindi ito fairy tale.
Ito ang kwento ng dalawang pusong durog,
na matutong magmahal muli-dahan-dahan, paunti-unti,
hanggang sa hindi na nila namamalayan... Isa't isa na pala ang peace nilang matagal nang hinahanap. At sa dulo ng lahat ng iyakan, tawanan, banggaan, at kilig,
maiiwan ang tanong na ito:
> "Paano kung ang taong minsan mong binangga...
siya pala ang matagal ka nang hinihintay?"
Checkmate: My Heart.
Because sometimes, falling in love is the boldest move of all.
-itsredhook
I hope na gustohan niyo... First time ko lang mag sulat so sana maunawaan niyo