Norlyn
“Kuya, sabay naman tayo kumain…”
Hindi siya tumingin. Hindi sumagot.
Busy. Sa tawag.
Sa tawa.
Sa... kanya.
Si Ellen.
Nasa sala. Nakaupo sa sofa. Nakikipagtawanan kay Tristan habang nakapatong ang notebook sa hita niya. Feeling close. Feeling “ate” na agad sa bahay namin.
Ako? Nakatayo lang sa gilid.
Parang hindi bahagi ng eksena.
Parang hindi kapamilya.
[Flashback – Three Days Ago]
“Tristan, pwede ba tayong mag-usap?”
“Busy ako, Norlyn. Wala akong time sa drama mo.”
Pero narinig ko ang tawa niya pagkatapos.
At narinig ko rin ang boses ni Ellen.
Norlyn (Internal)
Dati, kahit anong away namin ni Papa, si Kuya Tristan ang kakampi ko.
Siya ang unang susugod kapag umiiyak ako. Siya ang may hawak ng mga sikreto ko.
Pero ngayon?
Wala na.
Mas naging importante sa kanya ‘yung babae na halos isang linggo pa lang niyang kausap kaysa sa kapatid niyang ilang taon nang kasama.
At ang mas masakit?
Hindi niya ‘to napapansin.
[Scene – Sa School Grounds]
Rocky: “Norlyn.”
Tahimik lang ako.
Pero kinuha niya ang camera ko.
Rocky: “Napansin kong wala sa focus ‘yung shots mo kanina.”
“Sorry,” mahina kong sagot.
“Hindi ko sinabing mali,” sagot niya. “Sabi ko… wala sa focus. Tulad mo.”
Napatingin ako sa kanya.
Rocky: “Alam kong may mabigat kang dinadala.”
Nag-init ang mata ko.
Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa sakit.
Kasi sa tagal ng araw na ‘to—siya lang ang nakapansin.
Tristan (POV)
Si Ellen… she’s different.
Mabait. Magaan kasama. Madaling kausap.
Hindi tulad ni Norlyn na laging puno ng galit, hinanakit, at drama.
Hindi ko naman siya sinisisi. Pero minsan... nakakadrain.
Baka tama si Ellen: “She needs to grow up.”
At sa totoo lang, pagod na rin ako.
[That Night – Perez House]
Norlyn: “Kuya, okay lang ba na samahan mo ako bukas sa libing ni Mama?”
Tristan: typing... seen.
Wala. Ni "Okay" wala.
Sa loob-loob ko, sana ako na lang ang nasagasaan.
-itsredhook:
💔 Norlyn just lost her last piece of home.
💡 Rocky is slowly becoming her safe space.
🔥 And Tristan? Unknowingly playing on the enemy’s side.