Chapter 6

560 Words
Norlyn Friday. Last day ng first week ng klase. Pero para sa’kin, first day pa lang. Lahat ng classmate ko — naka-adjust na. May notes na, may schedule na, may baon nang bagong kwento. Ako? Bumalik pa lang. Hindi pa naililibing si Mama. Pero heto ako — naka-uniform, may dalang PE clothes, at pilit sinisiksik ang sarili sa mundong parang hindi ko na kilala. [Homeroom – 7:00 AM] Tahimik ang classroom nang pumasok ako. Tumigil si Theo sa pagku-kwento, si Kristen napaayos ng upo. Lahat sila, parang gusto akong kamustahin… pero walang lumapit. Hanggang sa lumapit si Miss Faye. “Perez, good to see you back. Take it easy today, okay?” Tumango lang ako. Wala rin akong energy para magpaliwanag. [Covered Court – PE Time | 9:00 AM] “Good morning, Section A and Section B!” bungad ni Ma’am Mikaella Marcos, may dalang whistle at clipboard. “This is your first mixed PE for the quarter. Pares-pares for warm-up and drills, ha!” Sa likod ng court, may naka-itim na hoodie kahit PE class. Rovky. Tahimik. Nasa gilid. Hawak ang bola. Hindi siya tumingin agad, pero nung nagtama ang mata namin — ilang segundo kaming pareho lang nakatingin. No wave. No smile. Pero may tension. May hiwaga. May damdaming hindi kailangang sabihin. [Warm-Up | Partnering Time] “Okay! Partner up with someone from the other section!” ani Ma’am Mika. Nag-uunahan ang mga kaklase kong pumili ng kakilala. Ako? Wala pa ring energy. Then may lumapit. Tahimik. Nakatayo lang sa harap ko, hawak pa rin ang bola. “Partner?” tanong niya. Si Rocky. Tumango ako. Wala nang ibang tanong. [Drill — Pass and Catch] Bato. Salo. Bato. Salo. Walang usap. Pero may rhythm. Kahit hindi kami close, kahit ang dami naming hindi alam sa isa’t isa — sa simpleng drill na ‘to, parang nawala lahat ng bulong, lahat ng tanong, lahat ng sakit. Hanggang… “Ayyy, ang tahimik niyong dalawa. Kayo na ba?” Boom. Ralph. May bola rin. Pero mas hawak niya ang spotlight. “Norlyn, ganyan ka ba talaga pag in love? Tahimik na, seryoso pa. Akala ko pa naman—” “Ikaw pala,” sabat ni Jasmine, biglang sumulpot. “Hi Norlyn. Cute niyong dalawa. Very… cinematic. Pang silent film.” Tumawa si Ralph. “Tama! Kulang na lang, mag-shoot na kayo ng music video.” Hindi ako nagsalita. Pero naramdaman kong humakbang si Rocky palapit. Tumayo sa tabi ko. “May problema ba kayo?” tanong niya, diretsong tingin kay Ralph. “Wala, pre,” sagot ni Ralph, sabay ngiti. “Nagko-comment lang.” “Then keep it to yourselves.” Tahimik ang paligid. Si Jasmine, napaikot ang ponytail. “Relax lang, hoodie boy. Grabe naman mag-react. Defensive much?” Pero sa totoo lang, walang sinabi si Rocky na sobra. Tahimik lang siya. Pero sapat na ‘yon para tumigil si Ralph. Norlyn (Internal) Kakapasok ko pa lang ulit sa school. Hindi pa buo ang loob ko. Hindi pa tapos ang sakit. Pero sa araw na ‘to — kahit walang salita, kahit walang yakap — may isang taong tumayo sa tabi ko, sa gitna ng ingay at intriga. At kahit pa napakaraming nawala sa’kin... Sa moment na ‘yon, parang may konting nabalik. -itsredhook: 🎭From midweek grief… 🧨 …to a Friday filled with noise, heat, and a little unexpected comfort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD