Norlyn
Minsan lang kami maging buo.
Ako, si Papa, si Mama, at si Kuya Tristan—lahat kami nasa iisang lamesa. Walang cellphone, walang maangas na tanong, walang TV sa background. Lahat focused lang sa pagkain at isa’t isa.
Tahimik lang. Pero hindi ‘yung awkward na tahimik—kundi ‘yung saktong payapa. ‘Yung tipong sana maulit-ulit pa.
“‘Nay, ‘wag mo nang pakialaman ‘yung sinigang,” biro ko habang nilalagay sa kanin ko ‘yung kangkong. “Ang asim nga. Hindi mo ba nalasahan?”
“Perfect nga eh,” sabat ni Kuya Tristan. “Lalo na ‘pag ikaw ang nagluto, Nay. Masarap kahit may kasamang sermon.”
Napatawa si Mama. “Loko-loko ka talaga.”
Si Papa, as usual, tahimik lang. Pero alam mong masaya siya sa simpleng hapunan naming ‘to. Kasi kahit hindi siya madaldal, ramdam mong present siya.
Naglabas ako ng camera. Wala lang. Instinct lang talaga.
Click.
Si Mama, naka-smile habang nilalagyan ng ulam ‘yung plato ni Papa.
Click.
Si Kuya, nakangisi habang may kanin pa sa labi.
Click.
Si Papa, halos hindi tumitingin sa camera pero may konting ngiti sa gilid ng labi niya.
Hindi ko alam kung bakit... pero gusto ko silang i-capture habang masaya pa.
Parang may kutob ako. Parang... may something sa gabing ‘to.
[Later That Night – 10:45 PM]
Umuulan nang malakas. ‘Yung tipong hindi ka makakatulog agad sa lakas ng patak sa bubong.
Nasa kwarto ako, nag-e-edit ng pictures.
Tumigil ako sa isang shot.
Si Mama, habang hinihiwa ‘yung mangga. Ang ganda ng lighting. Parang painting. Parang kalma ang mundo.
“Nor! Paabot ng alcohol!” sigaw ni Mama mula sa sala.
“Wait lang, Nay!” kinuha ko sa desk, lumabas ng kwarto.
Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan, hawak ang isang eco bag. Kakauwi lang pala niya galing kay Aling Mercy.
“May narinig daw siya sa labas,” sabi ni Kuya Tristan, papalapit. “Sabi niya baka pusa lang.”
Tango lang ako. Kinuha ni Mama ‘yung alcohol, pero ‘di niya pa nasasara ang pinto.
KRRAAAK.
Biglang may malakas na kaluskos mula sa labas. Parang may tinamaan. Napakapit ako sa braso ni Kuya.
At sa isang iglap—
May lalaking sumugod.
Itim ang suot. Basang-basa. Nakatakip ang mukha. Hawak ang baril.
“WALANG KIKILOS!”
Parang huminto ‘yung mundo ko.
“Nor, dapa!” sigaw ni Kuya Tristan, agad akong tinulak paatras.
Si Papa, mabilis na tumayo mula sa upuan. “Kung pera ang kailangan mo, kunin mo lang—‘wag ka lang manakit!”
Si Mama, unti-unting inilalapag ang phone. “Pakiusap... wala kaming laban sa’yo...”
“KUNIN MO NA LAHAT!” dagdag ni Kuya, nanginginig ang boses. Pero ‘di umaatras.
Si Mama, dahan-dahang inilalapit ang eco bag sa lalake. “Kunin mo ‘to, anak... ‘wag ka lang manakit.”
Pero bigla siyang lumapit pa ng isang hakbang.
“HUWAG KANG LALAPIT!”
Pero huli na.
BANG.
Isang putok.
Isang sigaw.
Isang pagbagsak.
“MAMA!!”
Napatakbo ako. Si Mama, nakahandusay sa sahig. May dugo sa gilid ng tiyan niya. Nanlalambot ang katawan niya habang sinasalo siya ni Papa.
“Kuya! Ambulansya! Ambu—”
“PULIS! PULIS!” sigaw ni Kuya habang hinahabol ang magnanakaw palabas ng bahay.
Ako? Umiiyak. Nanginginig. Nakatulala sa sahig habang sinusubukang pigilan ang pagdurugo ni Mama gamit ang towel ko.
[Emergency Room – 12:11 AM]
Puting ilaw. Amoy alcohol. Ingay ng makina. Mabilis ang galaw ng mga nurse.
Hawak ko ang kamay ni Mama. Malamig.
Si Papa, panay ang dasal sa tabi niya. Si Kuya, naglalakad paikot-ikot. Hindi mapakali.
Ako, halos ‘di makahinga.
“Mama...” bulong ko. “Laban pa... please...”
Dumilat siya saglit.
Mahina. Uhaw. Nanghihina.
“Nor...” tinawag niya ako. “Anak... mahal na mahal kita...”
“‘Wag muna ‘nay... please... hindi pa ‘to pwede...”
“Proud ako sa’yo…”
At unti-unti—
bumitiw na ‘yung kamay niya sa akin.
Norlyn (Internal)
Minsan lang kami maging buo.
Ngayong gabi... ‘yung buong ‘yon, binasag ng isang putok.
Hindi lang puso ko ang nawasak.
Buong pamilya namin... nadurog.
Tatlong araw na mula nang mawala si Mama. At kahit ilang ulit ko nang naririnig ang salitang “condolence”, parang wala namang gumagaan.
Masakit pa rin.
Tahimik pa rin.
Kulang pa rin.
Yung mga mata ni Papa—laging nakatingin sa malayo.
Si Kuya Tristan—lagi na lang galit, kahit wala siyang inaaway.
At ako? Pakiramdam ko… nawala ako kasama ni Mama.
Hindi ko na binuksan ang camera ko.
Wala akong lakas para tignan pa ‘yung mga kuhang masaya kami.
[Burol – Third Night]
Ang lamig sa loob ng chapel.
Mga kandila, amoy bulaklak, mga taong pabulong ang usap.
Ako, nakaupo sa tabi ng kabaong ni Mama.
Marami ang dumaan. Mga kakilala, kaibigan ni Papa, classmates ni Kuya, teachers.
Pero wala akong pake.
Hanggang may pumasok.
Mas maangas ang lakad. Parang hindi belong sa eksenang tahimik at banal.
“Norlyn.”
Lumingon ako.
Ralph James Marquez.
Taga-ibang section. Kilalang basagulero. Star player sa basketball. Yabang overload.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko agad, hindi na nagtaka.
Ngumiti siya—‘yung tipong ngiti ng taong sanay na ayaw siya pero deadma lang.
“Condolence,” aniya. “Baka nakakalimutan mong may karapatan din akong bumisita.”
“‘Di tayo close.”
“Pwede naman maging close, ‘di ba?” ngumisi pa siya. “Kilala mo naman ako. Ako ‘yung—”
“Yung bully na ayaw tantanan ang mga babae sa hallway?”
“Tsk. Ang sakit mo magsalita. Iba ‘pag galing sa’yo.”
Lumapit siya ng bahagya. Ako, hindi gumalaw.
“Look,” sabay hawak niya sa bulsa. “Nagpunta lang ako kasi gusto ko makita kung totoo ngang kaya mong ngumiti kahit may namatay.”
Lalamunin ko na sana siya ng buhay nang—
“Alis.”
Biglang boses ni Kuya Tristan. Hindi malakas, pero matalim. Sapat para mapaatras si Ralph.
“Ayos lang, Kuya. Kaya ko ‘to,” sabi ko, pero hindi tumigil si Kuya.
“May respeto pa ‘tong lugar na ‘to. Kung makipagbiruan ka, gawin mo sa section niyo.”
“Relax, Kuya. Nagpapaabot lang ng simpatya.”
“Kahit simpatya mo, bastos.”
Nagkatitigan silang dalawa.
Si Ralph, ngumisi pa rin, pero halatang tinatablan. “Sige. ‘Di ko naman intensyon mangulo.”
Bago siya lumabas, lumingon siya sa akin.
“See you sa school, Norlyn. Soon.”
At saka siya tuluyang nawala sa chapel.
[That Same Night – Burol Still Ongoing]
Tahimik na ulit.
Pero hindi na ulit pareho.
Pati lamig, parang mas mabigat na. Parang hindi na basta ulan sa gabi kundi pasanin sa dibdib.
Pinikit ko ang mga mata ko.
“Mama…”
Paano ‘to?
Norlyn (Internal)
Parang chess ‘to.
‘Yung kalaban, sunod-sunod ang tira.
At ako?
Wala akong depensa.
Isang maling galaw pa, baka tuluyan na akong ma-checkmate ng buhay.
Itsredhook:
Hi kahooky! 🙂 Kumusta kayo? Hope ma-feel niyo rin ang bawat bigat, luha at sakit ni Norlyn.