Magkatabi kami ni Rain umupo sa sofa. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko habang kaharap namin ang mga magulang namin. Hindi namin natapos yung dinner sa bahay ni tito Niel sa nangyari. Sasabog ang puso ko sa kaba. " Bakit kayo nagkakaganyan? Isang pamilya tayo. Magkapatid kayong dalawa. Naisip niyo ba yun?" Sabi ni Papa sa amin. " Hindi kami magkapatid ni Celine." Seryosong sabi ni Rain. " Anong klaseng pangangatwiran yan?" Kitang-kita ko yung galit ni tita mommy. " Mag-asawa na kami ni Richard." " But we love each other." " Anak, Wag si Celine. Wag ang kapatid mo." Pakikiusap ni tita mommy kay Rain. " I love Celine with all my life." Humahanga ako kay Rain sa paninindigan niya sa relasyon namin at sa akin. " Hindi yan totoong pagmamahal. Nagiging makasarili kayo. I'm so disapp

