Kabanata 22

1164 Words
I can't help but smile when I'm finally done wrapping my gift for Coleen. Plano kong ibigay sa kanya ang regalo ko mamaya pagkatapos ng family day nila. Nang ma-receive ko ang chat ni Coal na nasa ibaba na sila at hinihintay ako, kaagad kong inilagay ang regalo sa bag saka ako umalis ng condo. I feel jittery when I finally got inside the car. Nakikita ko ang pagsimangot ni Coleen, tila hindi natutuwa na makitang naroroon ako. Idagdag pa ang tumaas na kilay ng yaya na tila wala pa man ay hinuhusgahan na ako. I swallowed and just looked away. Kinuha naman ni Coal ang kamay ko't marahang piniga na tila pinalalakas ang aking loob. Coleen's nanny cleared her throat. "Sir, sabi pala ni Ma'am ako na lang ang kasamang maglaro." Nakita ko ang pagdapo ng tingin niya sa akin. "Huwag daw ho kayong gumawa ng ikakaeskandalo niya kaya ako na lang. Susunod din naman ho siya sa school mamaya." Kumunot ang noo ni Coal. Halatang hindi siya sang-ayon, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay piniga ko na ang kamay niya saka ako umiling. He sighed and just drove the car. Nang marating namin ang eskwelahan, panay ang dikit ng yaya kay Coal na tila hindi ako binibigyan ng pagkakataong makalapit. I felt out of place. Although Coal was obviously trying his best to manage the situation, Coleen kept dragging him away. Ako na lamang din ang dumistansya dahil nahiya na rin ako sa mga nakakakita. This is such a bad idea. Sana pala ay hinintay ko na lang sila sa condo nang hindi na ganito. Ayaw kong maapektuhan pa si Coal ng nangyayari. Masisira lamang din ang araw ng anak niya dahil sa akin. "I'll take pictures of you. Don't worry, I'll be fine," I assured when he tried to insist to let me play with them. Napabuntong hininga siya. "Babawi ako mamaya." I shook my head. "Hindi na kailangan. Sige na, magsisimula na ang first game." Tumango siya at hinayaan na ang anak na hatakin siya patungo sa linya. Inilabas ko naman ang cellphone ko para makuhanan ko sila ng mga larawan. Kahit papaano naman, naaliw na rin ako sa panonood. I didn't even realize how time flew fast. Nang matapos ang pang-apat na laro, akmang lalapit ako sa kanila para bigyan sila ng tubig at towel ngunit kaagad akong inunahan ng yaya ni Coleen. I saw how Coal's forehead creased as if he's starting to get irritated with what the nanny was doing. Sinenyasan ko na lamang na huwag nang pansinin. I went back to my seat and was about to check the photos when I felt someone sat next to me. Humalimuyak sa aking ilong ang mamahaling pabango, at nang mapagtanto ko kung sino iyon ay halos mapako ako sa aking kinauupuan. Maggie removed her sunglasses as she stared at Coal and Coleen who's getting ready for the next game. "You know, if I don't care about my husband's reputation, I'd probably let you take yaya Mildred's place. You're young and can easily win." Her lips curved for a smirk. "But unlike you, I am protecting Henry." Bumagsak ang tingin ko sa aking mga tuhod. Hindi ko magawang sumagot dahil pakiramdam o ay nanliliit ako. Hindi lang sa damit, sa estado sa buhay, sa mga narating, kun'di dahil legal na asawa si Maggie kahit bali-baliktarin man namin ang mundo. I heard her take in a sharp breath. "You're like what? Twenty? Mura pa. I deprived my husband with s****l intercourse after I gave birth to Coleen, maybe that's why he ran after you. Sabi nila, tumataas ang libido ng lalakeng matagal nang walang kasiping." She looked at me with a smirk. "You are nothing but a s*x toy he easily had access to, but like regular toys, he'll grow up, realize his mistakes, and get rid of you, too. You know why? Because all he feels is lust. Maganda ang katawan mo, maganda ka. You have the stamina to sate him in bed. Isa pa, tanga ka at madaling mauto so I am not really surprised anymore." Kumuyom ang aking mga kamao sa galit. Masakit marinig lalo na kung may bahagi ng isip kong sinasabing tama si Maggie. It makes my blood boil, but at the same time, it makes me feel low about myself, too. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Coal. "They said girls should have each other's back, Stephanie. This is me having your back, because I understand where you're coming from. You're young and naive who didn't come from a good family. You obviously need a sugar daddy, and as long as my husband can get satisfied in bed, he will give you all your needs--" "Hindi ko sugar daddy si Coal," sa wakas ay sabi ko. Her lips formed another smirk. "Then why are you staying at his condo, hmm?" Natigilan ako. "T--That's his mom's." Umikot ang mga mata ni Maggie. "His mom doesn't have condo units. All of those rental properties belong to Coal. Ours. Amin sa tagalog. It's a conjugal property. He probably thought it would be easier to lure you if he will use his mom." She scoffed and shook her head. "That old hag will only like you in the beginning, but she will surely talk about you behind your back once you stop bowing to her." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Kung totoo man iyon, hindi ko alam ang gagawin ko. Pinakaayaw ko ay iyong iisipin ng mga taong kaya ko minahal si Coal ay dahil sa kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin. I know he's willing to provide for me. Ilang beses niya na iyong sinabi, pero ayaw kong dumating din siya sa puntong iisipin niyang kung wala ang kaya niyang i-provide, mawawala na rin ang pagmamahal ko. "Like I said, Stephanie, you're still young. Marami ka pang makikilalang hindi nalalayo sa edad mo. If that's really love? I'm sure you'll find something bigger somewhere else. Iyong hindi pamilyado at pwede mong sirain oras na lumabas kayo sa publiko. Henry worked so hard to earn his license and to become a Dean, but in just one snap of a finger, he's going to lose everything including Coleen oras na hindi kayo tumigil." Isinuot niyang muli ang kanyang salamin. "I guess the choice is yours..." Mariing lumapat ang mga labi ko sa isa't isa, at nang makita kong itinataas ni Coal ang anak sa ere dahil sa tuwa, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maiyak. Umalis ako sa aking pwesto at humanap ng pinakamalapit na banyo upang doon magkulong. I locked the door and cried my heart out, and as I stared at myself in the mirror, all the voices telling me I will never be good enough, started became louder. I shut my eyes and pursed my lips while I sob. Hindi ko kakayanin oras na ako ang maging dahilan kung bakit mawawala si Coleen sa lalakeng mahal ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD