Halos hindi ko na magawang pekein ang ngiti ko habang pinanonood sina Coal at Maggie na magpa-picture kasama si Coleen. They looked like a fine family of three, and with the way Coleen smiled at the camera, I knew she was happy that her parents are with her.
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. I tried to force another smile when Coal met my now gloomy eyes. Alam kong nag-aalala siya sa akin, at ayaw kong masira ang araw ng anak niya dahil sa presensya ko.
Maggie glanced at Coal. Nang makitang nakatingin si Coal sa akin ay hinawakan niya si Coleen sa balikat.
"Let's celebrate. My treat," I heard Maggie said.
"Thanks, but Steph and I already made plans with mom."
Binuhat na ni Coal ang bata saka nagtungo sa akin. He flashed a small smile and led me to his car, as if he doesn't care if people are staring at us. Ako na lang ang napababa ng tingin hindi dahil sa hiya para sa sarili ko, kun'di para sa kanya.
Nang maisakay si Coleen sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun bago siya nagtungo sa driver's seat. Binuhay niya ang makina saka niya nilingon ang anak.
"Coleen, tita Steph has something for you."
I felt a little excited to give Coleen my gift, but the little girl glared at me before she crossed her arms.
"Mommy said huwag sasama sa girl na 'yan kasi she's taking my daddy away!"
"Coleen, that's not nice," malumanay na puna ni Coal sa anak.
Coleen looked at me. Ang mga mata ay tila nasasaktan dahil sa paninita ng ama. "I want my mommy and daddy together. Can't you give me that instead po?"
I felt like I was shrinking in my seat as Coal tried to explain things to his daughter, but Coleen was getting stressed out with their conversation, kaya bago pa man magkalamat ang relasyon ng dalawa, hinawakan ko na ang braso ni Coal.
With my pleading eyes, I pursed my lips and shook my head to tell him to stop. Bumuntong hininga naman siya't naaawa sa aking umiling-iling.
Wala nang kumibo pa hanggang sa narating namin ang bahay ng mommy niya. The atmosphere felt so heavy, at sa tingin ko ay nadama rin iyon ng mommy niya kaya nilibang nito si Coleen upang makapag-usap kami ni Coal.
He took me to the pool area. Nang makatindig ako sa harap ng pool ay nadama ko ang paglingkis ng mga braso niya sa aking baywang. His head lowered so the tip of his nose could caress the side of my face, and when I felt him intertwining our fingers, I lost it.
Uminit ang sulok ng aking mga mata't ang lalamunan ko ay tila nagkaroon ng bara. "I... I feel terrible. Maggie got into my head earlier, at pakiramdam ko..." My voice cracked. "Pakiramdam ko tama siya. I am ruining a child's family, and I'm about to set you up for a massive catastrophe."
Bumuntong hininga siya at pinaharap ako. He then cupped my cheeks and wiped my tears with his thumb while his expressive eyes glistened with all the emotions he feels for me. Tila ba karugtong ng puso ko ang puso niya, kaya umaabot sa kanyang mga mata ang kirot na lumulukob ngayon sa dibdib ko.
"You cannot ruin something that's been broken for a long time, baby, and you are not setting me up for a catastrophe, because you are the home who saved me from the storm Maggie had put me into." He pulled me close and kissed the top of my head as I listened to his beating heart. "I hope her words will never be enough for you to give up on us, Steph. Marami pa tayong mapagdadaanan. If we cannot get through this, we will never survive the rest of the challenges we're going to face."
I chewed my lower lip when I felt fear and pain in his words, as if he, too is terrified to lose what we have. Ayaw ko naman talagang magpaapekto, eh. Pero tao lang din ako, at legal pa ring asawa ang binabangga ko.
"Can you promise me you'll be strong?" he asked.
I shut my eyes and blindly nodded. "I'll try..." halos mamaos ang boses kong tugon na nakapagpahigpit sa yakap niya sa akin.
Mayamaya ay umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko. Nang makitang si Kylie ang tumatawag, iniwanan na muna ako ni Coal para tignan sina Coleen.
I answered my cousin's call and sat on the sun lounger as I spoke.
"Napatawag ka?"
"Steph, tumawag na raw ba sayo ang mama mo?"
Kumunot ang noo ko. "Si mama?" I suddenly remembered my chat with my mom. Kahapon pa iyon ngunit wala pa ring reply. "Hindi pa. Bakit?"
"Hindi raw kasi ma-contact nina tita Ningning. Pwede mo bang tawagan? Gusto yatang makausap ni tito Stefano."
I sighed. "Sige. Patayin ko muna 'to at susubukan ko siyang tawagan sa Messenger."
I ended the call and dialed mom's account. Matagal bago niya nasagot, at nang makita ko ang namamaga niyang mga mata, hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.
"Ma? Ayos ka lang ba diyan?"
She sniffed. "N—Nak? Huwag mo sanang sabihin sa kanila na nagkausap tayo."
Lalo lang akong napakunot. "Bakit, Ma? Ano bang nangyayari?"
Tumulo ang luha ni Mama. Matagal niya akong tinitigan lang habang humihikbi na para bang nahihirapan siyang isatinig ang nasa isip niya.
"Ma?"
Humagulgol ang Mama ko. "Hirap na hirap na si Mama, Steph. Nagkakasakit na rin ako rito kaya minsan hindi na ako nakakapasok. Inalis ako sa isa kong pinagtatrabahuhan dahil sa dalas na absences ko. Baka ma-deport na rin ako, anak pero nakahanap ako ng paraan para makapag-stay pa rito. Si lola mo, nagalit kasi bente mil na lang ang naipadala ko."
My hand fisted and my lips pursed as I continued listening to my mom.
"Nagsasawa na ako, anak. Kahapon, muntik na akong uminom ng isang boteng lason, pero naisip ko kayong mga anak ko, kaya sana, Steph, magtapos ka, anak. Mapatapos ko lang kayo, pwede na siguro akong magpahinga."
Humugot ako ng malalim na hininga. "Magtatapos ako, Ma. At kapag nakatapos na ako, uuwi ka, ako na ang bahala sa mga kapatid ko. Hindi ako papayag na diyan ka tatanda."
Mama flashed a broken smile. "Huwag ka muna sanang makikipagrelasyon, anak ha? Ikaw na lang ang maaasahan ko. Kung mag-aasawa ka nang walang napapatunayan sa buhay, baka dito na ako mamatay, 'nak. Ayaw ko mang ipasa sayo ang responsibilidad namin ng Papa mo, kailangan na rin ng Mama ng tulong, Steph... kasi parang mababaliw na ako."
Napalunok ako sa narinig. "O—Opo."
After the call ended, I found myself staring at my phone's wallpaper. It was a blurry picture we took before Papa went abroad. A month later, Mama followed.
Halos lumaki na pala kaming nasa abroad sina Mama at Papa, at kahit alam kong gusto na rin ni Mama na umuwi para magampanan ang pagiging ina sa amin, hindi pa pwede dahil responsibilidad pa rin kami.
Ako at ang mga kapatid ko ang iniisip ng Mama ko, pero simula noong naging kami ni Coal, parang nakalimutan ko na silang lahat, lalo na ang dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa pag-aaral.
I shut my eyes, trying to prevent my tears.
I cannot let Maggie get into my head, dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko rin talaga ang tulong ni Coal para makatuntong ako ng law school.
My chest tightened when I remembered my initial plan.
Patawarin mo ko, Coleen. I love your daddy and I understand that you want a whole family... but I need to hold on to him as much as I can.