Kabanata 25

1162 Words
"Coleen!" I kept shouting while looking around. Hirap na hirap na akong huminga katatakbo ngunit mas iniisip ko siya. I paused for a while, took a series of deep breaths then kept looking and asking around. "Miss? Miss. May nakita ba kayong batang babae? Nakakulay pink siyang damit tapos nakatali ang buhok. Maputi at maganda," mangiyak-ngiyak ko nang sabi. The lady I asked pointed a spot. "Baka 'yon? Iyong umiiyak?" Napabaling kaagad ang tingin ko sa likod ng puno kung saan nakaupo si Coleen habang yakap ang mga tuhod. "Diyos ko, maraming salamat ha?" I said before running towards Coleen's direction. Nang marating ko siya ay kaagad akong lumuhod at hinawakan siya sa pisngi. "Diyos ko, tinakot mo ko, Coleen! Anong nangyari, bakit ka umiiyak?" Coleen sniffed and stared at me with her puffy eyes. "Nakita ako ng classmate ko. She said my mommy and daddy don't love me anymore kaya ayaw na nila makipag-play sa'kin." My chest tightened. "That's not true. Mahal na mahal ka ng daddy mo, Coleen." "Then why is he with you?" tanong niya, naiiyak na naman. I wasn't able to answer. It feels like my conscience is slapping me right now, habang ipinapaalala ng ego ko na kailangan kong iprayoridad ang dahilan kung bakit ba ako nasa piling ni Dean Chen. Coleen's question stayed inside my head even after we got home with Kylie. Mabuti na lang at nati-training si Kylie ng child psychology sa pinagtatrabahuhan niya dahil na rin sa nature ng kumpanya nila kaya naman madali niyang nakasundo si Coleen. Nasurpresa nga ako nang makipaglaro sa kanya si Coleen samantalang ayaw noong inalok ko. "You're good with kids. Are you sure you really don't want one? Halatang napasaya ka rin ni Coleen ngayon," tanong ko nang mapatulog niya si Coleen. Kylie flashed a small smile then shook her head. "Kids are cute. They're an awesome company when you're having a bad day, but if I'll have a kid so someone can lift up my mood, I'm setting a poor soul for years of trauma. They're not supposed to be their parents' therapists. Lalong hindi sila play thing." "But don't you really want one?" Umiling siyang muli. "I'm sure I don't want one." She drew in a sharp breath as her eyes turned gloomy. "Mas lalo kung anak ng lalakeng mahal ko sa iba." Basag siyang ngumiti. "Can we have beers? Kahit tig-isa lang." Tumango ako at kumuha sa binili niya kanina. Nang makapagbukas kami ng tig-isang bote ay nagtungo kami sa veranda upang pagmasdan ang madilim na kalangitang hitik sa mga bituin. "Naalala mo ba noong mga bata pa tayo? Palagi tayong umaakyat sa bubong ng bahay para lang mag-stargazing?" I asked. Kylie laughed softly. "Tapos nagising si tita kasi natapakan natin 'yong marupok na parte ng bubong kaya pareho tayong pinalo kahit twelve years old na tayo." Pareho kaming natawa at sabay ring bumuntonghininga pagtapos. I then smiled bitterly as I stared at my bottle of beer. "Nakaka-miss, 'no?" I asked. "Ang umakyat ng bubong?" "Ang maging inosente tungkol sa mundo." I sipped in my beer and looked at her. "'Yon bang ang iniiyakan pa lang natin ay palo, kurot, saka hindi mabili ang gusto natin? Malayo sa buhay na meron tayo ngayon." I licked my lower lip and sighed. "If I knew adulting would f**k me up, hindi na sana ako nagmadaling lumaki." "I can't say I don't agree with you. Sobrang hirap pala maging adult. Akala ko noon kapag naka-graduate na ako, kaya ko nang harapin ang mundo pero hindi pa pala. Ang dami na nating kailangang intindihin ngayon. From going to work even when we're not emotionally well to worrying about how the hell will we survive in the next ten years kung ngayon pa lang para na tayong nilulumpo ng mundo." Kylie sniffed. "Bilib na bilib ako lalo sa Mama ko ngayon. Kinaya niya lahat dahil anak niya ako." I patted her back before we sipped in our beers. Mayamaya ay tumingin siya sa akin at bahagyang iniumpog ang kanyang braso sa braso ko. "Coleen told me a little secret. I promised her I won't tell you so don't mention this to her." "Ano 'yon?" I asked. "Sabi niya, she finds you very pretty and nice naman kaya raw siguro nagustuhan ka ng Daddy niya, but she promised to always tell that the only pretty girl in her eyes is her Mom, kasi noong may pinuri raw siyang ina ng kaklase niya, nagalit daw ang Mommy niya." Umismid si Kylie. "Ibang klase, ano? Pati simpleng bagay, ikinagagalit niya. Kawawa naman si Coleen." "This is why I don't wanna give up on her easily. Alam mo 'yon? Pakiramdam ko minsan nakikita ko ang sarili ko? 'Yong gusto ko ng nanay pero wala akong ma-consider na mama?" I sniffed. "Naging maldita rin ako noon, noong emotionally stressed ako dahil sa pag-alis nina Mama papuntang abroad. 'Di ba sabi pa nga ni tita sa akin masamang bata ako kaya ako iniwan nila Mama?" "Sabi ng isang resident child psychiatrist sa amin, nagiging salbahe ang bata kapag walang nag-i-effort na intindihin at tulungan siyang i-regulate ang emosyon niya. Coleen is having symptoms of stress at an early age. She's confused, too. Kasi parang sinasabi ng mommy niyang nagsisinungaling siya tungkol sa mga bagay-bagay. Sooner or later, kung hindi maaagapan, baka lumaki siyang pakiramdam niya ay kailangan niya palaging i-defend ang sarili niya, even on little arguments that do not need her to be so defensive." She sighed. "Hindi sa pinakikialaman kita, Steph, but I think, your presence in their family is causing her mental health distress as well. Baka kung isang araw bigla kayong maghiwalay ni Dean Chen kung tapos ka na sa plano mo, maapektuhan lalo ang bata." Pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko. "Hindi ko naman itinatanggi na kaya hindi ko basta iniiwan si Coal kahit masakit na ang sitwasyon ay dahil kailangan ko siya para makapagtapos ako ng law, pero hindi ko rin intensyong masaktan ko si Coleen." "Then make up your mind. Decide whether you really have the guts to stay by their side or not. Huwag mo sanang hahayaang may batang masasaktan at mako-confuse sa huli." I pursed my lips and nodded. Hindi na rin ako kumibo pa't inubos na lamang ang beer. Nang makapagpaalam si Kylie na uuwi na't babalik na lamang bukas pagkatapos ng shift niya, nagtungo ako sa kwarto kung saan mahimbing nang natutulog si Coleen. Maingat akong tumabi sa kanya para matulog na rin sana, ngunit mayamaya ay umikot siya't yumakap sa aking baywang. I was stiffened for a moment, until an unfamiliar warmth slowly clawed my heart. Nayakap ko siya nang dahan-dahan habang namumuo ang luha sa sulok ng aking mga mata, at nang hindi na ako nakatiis, pinatakan ko ng marahang halik ang tuktok ng kanyang ulo. "I'm sorry for breaking your heart. . . " I whispered. "I'm so sorry if I fell in love with your Dad. . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD