Kabanata 11

1174 Words
"Just pretend that you're not bothered by him. Gano'n lang," ani Kylie. Tinawagan ko siya dahil hindi ko na alam kung magba-back out ba ako o itutuloy ang pagiging student assistant ni Dean Chen. I sighed. "I hope it's that easy." "Just have fun, alright? Saka 'yong blind date ninyo ng kuya ni Jolo, baka sa wakas ay matuloy na." Kumunot ang noo ko. "Kylie, ang tagal ninyo nang isini-set up ang blind date na 'yan. Bago pa maikasal sina Audrey at Zon, sini-set ninyo na 'yan. I don't think it's worth it, though." "I-try mo lang. Malay mo naman mag-work. Besides, kung magkakajowa ka na ulit, hindi ka na maba-bother diyan kay Dean Chen." I shook my head. "Bahala na. Sige na, Kylie. Pupunta na ko sa office ni Dean." Nang mapatay ko ang tawag ay sandali muna akong nag-isip. If I will back out because of Dean Chen, kawawa lang ang Mama ko. Hindi pwede. I need to prioritize my discounts over his effect on me. Hindi naman siguro ganoon kahirap kung tumagal. I drew in a sharp breath and tried to calm my heart before I finally knocked on Dean Chen's door. Nadinig ko siyang sinabing pumasok ako, at nang tuluyan kong itinulak ang pinto, para akong na-deja vu nang makita siyang nakasandal sa drawers at may kagat na ballpen habang nakatitig sa documents sa hawak niya. I realized that he's wearing the same outfit when I first met him, but his hairstyle was a bit longer than his usual cut. Ang ilang hibla ay bumabagsak sa kanyang noo at bahagyang umaabot sa kanyang makapal na kilay, at kung ako ang tatanungin ay mas bumata siya sa kanyang bagong gupit. His gaze drifted to me, and when he saw me, his expression suddenly turned a bit surprised, as if he wasn't expecting to see me there. Umiwas ako ng tingin at sandaling lumunok. "A--Ako po ang... student assistant na... na-assign sa inyo." I inhaled a sharp breath and tried to meet his gaze. "Did you personally requested for me to be your SA?" Kumunot ang kanyang noo. Hinila niya ang kanyang swivel chair saka niya iniiling ang kanyang ulo. "No. And even if I will make personal requests to the HR, they won't even allow it to give fair treatments to all student assistants." Isinangkal niya ang kanyang magkabilang siko sa mesa at ipinagsalikop ang mga palad habang nananatili ang titig sa akin. "I have nothing to do with this." I sighed. "Fine." He cleared his throat and waited for me to sit on the visitor's chair. Halatang sinusubukan niyang maging pormal kahit na aminado akong mahirap iyong gawin. I mean, we had s*x just a month ago in his penthouse. Kahit naman ako ay maiilang lalo na at sa kanya ko unang isinuko ang sarili ko. What was I even thinking that night for me to just give up my virginity that way? "Here's a list of my daily schedule. Let me know if may tatamaan na klase mo," aniya sa seryosong tinig. Tumango ako nang hindi sinasalubong ang kanyang titig kahit ramdam kong sa akin nakatutok ang mga mata niya. I scanned the piece of paper with a printed schedule of his. Nang makitang tatamaan ang huli kong klase ay saka ko lamang siya tinignan. "May klase ako ng alas syete ng gabi tuwing MWF." He jerked his head and took the paper. "You can come here after your class then." Marahan lamang akong tumango. The atmosphere around the room was really awkward, kaya bago pa man niya mahalata na naiilang ako, sinimulan ko na ang mga kailangan kong gawin. I started with arranging the files he needs to sign. Nanahimik naman siya sa kanyang desk, ngunit kahit na hindi kami nag-uusap, nadarama ko ang madalas niyang pagnakaw ng sulyap. Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalake. Nang makita niya ako ay halos sabay kaming napakunot ng noo. "Jolo?" "Steph?" His lips curved. "Hey. What are you doing here?" "Assistant ako ng Dean. Ikaw? Bakit nandito ka?" He showed me a paperbag. "Had to give it to Dean." Dumiretso siya sa mesa ni Dean Chen at inilapag ang paperbag saka kumindat sa akin. Kung bakit ganoon ang ngisi ni Jolo ay hindi ko alam. Nang makaalis si Jolo ay bumaling ako kay Dean Chen. Gusto ko sanang itanong kung bakit sila magkakilala kaya lang ay naka-receive naman siya ng tawag. I just went on with my tasks. Nang matapos ako at sinabi niyang may lakad siya ng alas syete ay tumango ako. May lakad din ako kaya mabuti na lamang at hindi ko na kailangang mag-stay roon. Maybe Kylie was right. If I will start dating someone, baka mawala na rin sa isip ko ang nangyari sa amin ni Dean Chen. Disente naman si Jolo kaya pakiramdam ko ay mabait din ang kuya niya. "Tell me more about this guy I'm about to date," sabi ko kay Kylie habang kausap siya sa phone. "Kapatid nga ni Jolo sa unang asawa ng daddy niya. Hindi ko pa rin na-meet pero sabi ni Jolo, matagal nang hindi nakikipag-date dahil busy sa personal life niya." Kumunot ang aking noo. "Oh, eh bakit napapayag niyang makipagkita sa akin ngayon?" "Hindi yata sinabi ni Jolo na date ang pupuntahan." Napahinto ako sa paglalakad. "Kylie! Letse ka, pagbubuhulin ko kayo niyang boyfriend mo!" Humalakhak siya. "I-try mo lang! Malay mo kung magkita kayo, magbago ang isip at gustuhin na ulit magkaroon ng lovelife. Sabi ni Jolo matagal naman nang hindi sumusubok magmahal ulit. Malay mo naman 'di ba sayo pala tatamaan? Maganda ka naman, eh." I groaned. "Naku, Kylie sinasabi ko sayo ha! Iyang mga plano-plano ninyo ni Jolo! Anong pangalan niyan?" "Ewan. Hindi rin sinasabi ni Jolo, eh." Napairap ako sa kawalan. "Kilala mo ba talaga 'yang boyfriend mo?" "Grabe ka naman. Oo, pero syempre may mga bagay na kung hindi siya ang kusang mag-o-open, hindi ko inuusyoso. Sige na, pumunta ka na sa meeting place ninyo. Table five. Kay Jolo nakapangalan ang reservation." I sighed. Wala na rin akong nagawa kun'di ang sumipot. Nahiya pa ako sa suot ko dahil mamahaling resto ang napili ni Jolo tapos nakapantalon at simpleng puting t-shirt lang ako. "This way, Ma'am," sabi ng staff. Idinala niya ako sa mesang pandalawahan at doon pinaupo. Kung darating ang date ko ay siguradong likod ko ang unang makikita dahil sa aking pwesto. I waited for five minutes while chatting Kylie. Ang sabi niya ay medyo na-traffic lang ang date ko dahil mayroon pa raw inasikaso. Nag-reply naman ako na aalis na ako kung after ten minutes ay wala pa rin, ngunit bago ko pa napindot ang send button, may naghila na ng silya at naupo. "Sorry, I didn't expect this to be a blind date. Ngayon lang sinabi ng kapatid—Stephanie?" Napaawang ang aking mga labi at ang mga mata ko ay bahagyang nanlaki nang mapagtanto kung sino ang lalakeng umokupa ng isa pang silya at mismong ka-blind date ko. "D—Dean Chen?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD