Pagpasok ko pa lang ng opisina ni Dean Chen ay nawala na kaagad ang kurba sa mga labi ko. May dala pa naman akong Jollibee meals dahil sumahod ako at mataas ang nakuha kong score sa prelims ko, kaya lang ay naroroon pala si Professor Eyah na halos iliyad na nang husto ang katawan para ipakita kay Dean Chen ang kanyang mayamang boobs.
Dean Chen glanced at me. Nang makaupo ako sa sofa ay ipinakita ko ang dala kong pagkain para sa dinner namin. Nang tila sesenyas siya sa akin ay hinawakan siya ni Prof. Eyah sa pisngi at sapilitang pinatingin sa kanya.
I didn't realize that his gaze drifted back to me immediately. Kaya nang umirap ako sa kawalan ay napansin kong nagpigil siya ng ngisi.
"I really miss dating. Minsan nagsisisi akong inuna ko ang career ko kaysa sa paghahanap ng lovelife, but maybe things happen for a reason, 'no? Hindi sana kita nakilala na single pa ako," makahulugang sabi ni Professor Eyah na nakapagpatikwas nang husto sa aking nguso.
Hindi ko alam kung dahil sa pagsimangot ko kaya tumikhim si Dean Chen bago nagsalita. "You're a very fine lady, Prof. Eyah. I'm sure a lot of men are interested to date you." He faked a smile. "I'm sorry but I have to go through some important stuff with my assistant. If you don't mind, I'll just chitchat with you some other time."
Lumingon sa akin si Prof. Eyah. I saw her side glare before she looked at Dean Chen again with a flirty smile plastered on her lips. "How about a dinner at my place on Sunday, hmm?"
Tila naiilang na ngumiti si Dean Chen. "I'll ask for my daughter's permission. She's the bigger boss but thanks for the invite."
Wala nang nagawa pa si Prof. Eyah nang tumayo si Dean Chen at ipinagbukas siya ng pinto na tila sinasabi nitong umalis na ang propesora. Nagmartsa naman ito palabas nang halatang masama ang loob kaya nagpigil ako ng tawa.
When Dean Chen drifted his gaze at me after shutting the door, I glared at him before I took our food out of the paperbag.
Nagtungo siya sa katapat na couch at kinuha ang kanya bago niya ako tinitigan. His lips were even curving for a ghost of a smile, as if he finds my expression funny.
"Why are you so pissed when she's here, hmm? Are you jealous or something?" he asked.
Napaangat ako ng tingin, ang dibdib ay kumakabog nang mas mabilis sa normal. "Selos? Ako?" I faked a laugh. "Hindi 'no? Feeling."
He smirked. "Okay."
Sumimangot ako at kumain na lamang. Tumayo naman siya sandali at mayroong kinuha sa kanyang bag bago bumalik sa kanyang pwesto. Nang makaupo ay napatitig ako sa inilapag niyang Ferrero chocolate sa aking tapat. Nang balingan ko siya ay nakatitig na siya sa kanyang pagkain.
"Akin 'to?" I asked.
Sumubo siya ng pagkain saka tumango. "Yeah. Nagpabili si Coleen. Binilihan na rin kita."
I gulped and lowered my head so he wouldn't see my heated cheeks. "T--Thank you."
Mahina lamang siyang tumango at nag-focus na lamang sa pagkain. Nang matapos kami ay ipinagyabang ko ang exam papers ko sa kanya. The glint of happiness I saw in his eyes made me feel that my efforts are worth it, kaya kahit paano ay parang natanggal ang pagod kong mag-aral.
"You did a great job. I hope you enjoyed learning, too," he said.
I nodded. Sa totoo lang ay nag-e-enjoy talaga ako dahil magaling siyang magturo. Kapag may mga assignments ako at hindi naman busy ang schedule niya, tinutulungan niya na akong magsagot para hindi ko na iisipin pa kapag umuwi ako ng bahay. Although he's strict, he is a very effective tutor to me.
Our day went by until I had to go to work already. As usual, nagsabi na naman siyang ihahatid ako oras na matapos ang trabaho ko. Hindi ko rin naman siya makumbinsing huwag na kaya pumayag na lamang din ako.
Nang matapos ang trabaho ko ay nasa labas na siya ng branch namin. He was taking a nap inside his car when I knocked, making me feel guilty for letting him take me home.
Pinagbuksan niya ako ng pinto saka niya sandaling ikinusot ang mga mata niya. Gaya ng inaasahan, nakapambahay na siya dahil siguradong umuwi na muna sa penthouse niya.
"Coleen is with her grandparents today," aniya nang tanungin ko kung kumusta na ang bata.
"Kailan siya uuwi ulit sayo?"
"Baka sa Lunes na. Hindi na rin siya kinukuha ni Maggie kaya nagprisinta sina Daddy na aliwin si Coleen nang hindi siya masyadong hanapin."
I felt bad because of what he said. "How could Maggie resist her own daughter?" hindi ko naiwasang itanong nang wala sa sarili.
Gumuhit ang mapaklang ngiti sa mga labi ni Dean Chen. "Maybe because every time she sees Coleen, she remembers me. Isa pa, madalas nilang pag-awayan ng boyfriend niya si Coleen dahil may kakulitan."
"Normal 'yon sa bata. I can't believe they understood every single lesson they took in college pero hindi nila naintindihan ang behavior ng gano'ng taon." I shook my head. "Parang Lola ko. Kapag makulit kami noon, pinapalo kami palagi. Mag-ingay ka lang nang kaunti dahil masaya ka, sasabunutan ka na."
"That's not nice. Physical and emotional abuse that kids experience while at a young age manifest into a lot of mental health issues once the kids grow up." He sighed. "Kaya hangga't maaari ayaw ko ring nagtatagpo kami ni Maggie. Makakapagpigil pa ako pero siya, hindi. She will shout and show her anger even if Coleen is in front of her."
"Sorry, pero bakit ginusto mo 'yon?"
He scoffed. "Let's just say I'm academically smart but a bit stupid when in love. I ignored all the red flags she waved at me in the initial years of our relationship so..." He sighed. "I guess people will never change if they don't want to--" His brows furrowed. "Bahay ninyo 'yon, 'di ba?"
Napalingon ako sa tinititigan niya, at nang makita ang malaking apoy na lumalamon sa aming bahay, kumabog nang husto ang aking puso.
Binilisan niya ang takbo ng sasakyan. Nang maiparada sa ligtas na bahagi ng daan ay sabay kaming lumabas. Nagkakagulo ang mga tao, ngunit nang mapagtantong wala ang Papa at bunsong kapatid ko sa mga taong nasa labas, walang pagdadalawang-isip akong tumakbo papasok.
"Stephanie!" Dean Chen's voice thundered.
Hindi ko na siya nagawa pang pansinin. Sinugod ko ang nasusunog na bahay at tinawag ang Papa at kapatid ko. Nang makita ko si Papa na yakap ang bunso kong kapatid ay dali-dali akong lumuhod sa harap niya.
He shook his head and asked me to take my brother, Seb. Naiiyak na ako lalo nang makita ang kawalang pag-asa ni Papa na makalabas pa dahil sa laki ng apoy at sugat niya sa noo, ngunit bago pa man ako maluha nang tuluyan ay dumating si Dean Chen.
"We have to move, Steph!" Pilit niyang pinasan sa likod niya ang Papa ko. Binuhat ko naman ang walang malay na si Seb saka kami lumabas ng nasusunog na bahay.
Halos manghina ako sa rami ng nahigop na usok. I coughed and held onto Dean Chen's arms as I cried, and when I saw my relatives staring at me while my anger consumes me, hindi na ako nakapagpigil pa.
"Hindi ninyo man lang binalikan ang Papa ko at si Seb! Anong klase kayong kamag-anak!"
"Steph--"
"Hindi, Coal, eh. Sumusobra na 'tong mga 'to, eh!"
Lumapit si Lola at sinampal ako. "Huwag mo kong mababastos nang ganyan! Umalis ka rito! Sa kwarto mo nagsimula ang sunog, letse ka! Dahil sayo, wala na kaming bahay tapos malakas pa ang loob mong magmataas ngayon?! Punyeta ka, Stephanie!"
Pinagtulakan niya ako. Pilit na tumitindig si Papa ngunit dahil nanghina na nang tuluyan ay napahiga na lamang sa aspaltong daan habang luhaang pinanonood ang nangyayari.
Dinuro-duro ni Tita Ningning ang aking sintido. Muntik pa akong sabunutan kung hindi lang ako niyakap ni Dean Chen upang protektahan. Nang hindi na rin niya natiis ang mga murang natanggap ko dahil sa pagwawala ko, pilit niya akong hinatak upang sumakay sa kanyang kotse.
"Huwag ka nang babalik! Wala kang utang na loob!" sigaw ni Lola na nakapagpahikbi nang husto sa akin.
Dean Chen maneuvered the car as fast as he could. Nang makalayo kami ay hininto niya ang sasakyan saka niya ako hinapit upang yumakap. Para akong nanghina. Humagulgol ako nang husto sa kanyang balikat dahil sa sobrang sama ng dibdib ko.
Ako pa talaga ang palalayasin nila? Kung alam lang nila kung gaano akong nagtiis na manatili roon kahit na matagal ko nang gustong makalaya sa impyerno nilang bahay.
Dean Chen caressed my hair. "I'll book you a hotel. Doon ka na muna. I'm going to find a place for you to stay while studying."
I sobbed. "Hindi na, Coal. Nakakahiya na."
He sighed. "You can't say no, Stephanie. I won't let you stay somewhere that's not safe so whether you like it or not, we'll get you a room."
Wala na akong nagawa pa. He booked me a hotel and brought me to my room. Nang makapasok ay pinunasan niya ang aking luha gamit ang likod ng kanyang palad, sa mga mata ay bakas ang matinding awa sa akin.
"You're going to be fine. Kung may kailangan ka, give me a call. Aalis na rin ako nang makapagpahinga ka."
Tumalikod na siya at akmang aalis na ngunit pinigilan ko ang kanyang braso at namumuo ang mga luhang tinitigan ang kanyang mga mata.
"Can you... stay with me for now?"
He stared at me for a couple seconds before he sighed. Isinara niya ang pinto bago niya ako inakay na mahiga sa kama. Nang maiayos niya ang comforter ay pinahiga niya ako sa kanyang dibdib saka niya hinaplos ang aking buhok.
I shut my eyes when I felt him planting gentle kisses on top of my hair before he spoke.
"You're not alone, Steph. You can always count on me."
I sobbed. Niyakap ko siya at hinayaan ko ang sarili kong maging mahina sa kanyang bisig. I don't care anymore if I still see him as a friend or I had already developed special feelings for him.
Tonight, I want to cry it all out.
Tonight, I knew I found home in his arms.