Dalawang linggo na akong paikot-ikot dito sa Maynila. Two f*****g weeks of searching for Yonna in this goddamn city, and still—wala. As in, zero. Para akong baliw na sinusuyod bawat kanto, bawat eskinita, bawat coffee shop na pwede niyang puntahan. Pero kahit anong effort, kahit anong pagod, hindi siya nagpapakita.
Minsan nga naiisip ko, baka nga nag-iilusyon lang ako. Baka imagination ko lang si Yonna. Pero hindi e. Kasi ramdam ko pa rin hanggang ngayon 'yung unang beses na nagtagpo kami. That moment is so clear in my head, parang engraved na siya sa memory ko. Kaya imposibleng ilusyon lang 'yon.
I even swallowed my pride just to try things na never ko naman ginagawa. Ako pa, ang Ethan Sebastian na allergic sa social media—gumawa ako ng account just to look for her. Nagbabaka-sakali na baka active siya somewhere. Baka may f*******:, baka may i********:, baka sa kahit anong platform na pwede kong masilip ang mundo niya. Pero wala. Dead end.
Mas grabe pa, I even allowed posters to be put up sa mga bangketa. Mga litrato niya na pinost namin na parang missing person ad. Sobrang OA, I know. And I hated myself for doing that. Pero I was desperate, helpless. Kung hindi lang talaga ako determined, never in hell ko gagawin 'yon. Pero I promised my mom I'd look after Yonna. And I don't break my promises.
Ang masakit pa? Alam kong may boyfriend siya. Yeah, that guy has the right to protect her. But still... iba kasi kapag ako. Kasi ako 'to. Alam kong kaya ko siyang alagaan in ways na baka hindi niya nakukuha sa iba. Pero aaminin ko, nagseselos ako. Hindi ko lang masyado pinapansin kasi tangina, sakit eh. Ang hirap isipin na wala naman akong puwang sa puso niya—dahil occupied na 'yon ng iba.
Pero deep inside, may selfish part sa'kin na umaasa. Baka, kapag nagtagpo ulit kami, kapag nakilala niya ako nang mas malalim, baka sakaling bigyan niya ako ng kahit kaunting space sa puso niya. Kahit corner lang. Kahit singlaki lang ng butil ng bigas.
Don't get me wrong—hindi ko gustong masira sila ng boyfriend niya. Hindi ako homewrecker. Pero dude, come on. Hindi ba parang destiny 'to? Hindi ba parang may reason kung bakit kami pinagtagpo in the first place? Kasi kung wala naman, bakit siya paulit-ulit na sumasagi sa isip ko? Bakit siya 'yung laging laman ng utak at puso ko ngayon?
Kaya determined ako. I won't stop until I find her.
"Pre, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" boses ni Fred na nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ako.
"Kanina ka pa tulala, Ethan," singit naman ni Alvin habang nilalaro ang cellphone niya. "Naisip mo na ba kung paano natin mahahanap si Yonna?"
"Baka prank lang 'yan ni Tita Claudia, dude," sabat naman ni Ejay, sabay irap.
Agad akong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanila. "Hindi, dude. Totoo si Yonna. Nakita ko siya. Nagkita na kami."
Sabay-sabay silang napahinto. "Ha?!" halos sabay nilang sabi.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako umayos ng upo. Then, slowly, kinuwento ko sa kanila 'yung unang pagkikita namin ni Yonna—lahat ng detalye, from the way she smiled, hanggang sa paano niya ako tinitigan. Hindi ko alam kung naniniwala sila, pero habang nagkukwento ako, ramdam ko 'yung bigat sa dibdib ko na parang nababawasan kahit papaano.
"Wow. Tadhana nga, pre," sabi ni Ejay, napapailing na parang hindi makapaniwala.
"Tadhana talaga," dagdag ni Alvin, nakangisi. "Kasi look at you, dude. Parang tinamaan ka ng lintik. Ngayon lang kita nakitang ganito ka-determined sa isang babae."
Tumawa kami saglit pero may halong truth 'yung sinabi nila. I was never like this. Never akong naging desperate for a girl. Kung iiwan ako? Fine. Kung may mas better sa kanila? Go ahead. I won't chase. That's who I was.
Pero with Yonna... it's different. Kahit pa sabihin niya na hindi niya ako kailangan, kahit pa itulak niya ako palayo—pipilitin ko pa rin. Kasi I swear, half of my heart already belongs to her.
"So Ethan, how can we find your one true love ba?" makahulugang tanong ni Ejay.
Napatingin lang ako sa kanila. Honestly, wala pa akong solid plan. I can't just go to the police kasi baka tanungin nila ako about her—at wala naman akong concrete na sagot. I don't even know her full story.
Nagkatinginan kami ng tropa ko, and then Fred suddenly snapped his fingers. "Alam ko na!"
Sabay sabay kaming tumingin nina Ejay at Alvin sa kanya.
"What if manawagan tayo sa TV stations?" bright idea daw niya.
Napaisip ako. May point. Kapag lumabas kami sa TV, baka makita niya. Baka kontakin niya kami.
"Yeah, dude, that's a good idea," Alvin chimed in. "At least, mabilis ka niyang mahahanap kung sakaling nanonood siya."
Medyo natahimik ako. May sense ang suggestion, pero deep inside, parang sobrang OA pa rin. Ako pa talaga ang lalabas sa TV para lang hanapin siya?
"Thanks for the idea, pre," sabi ko kay Fred. "Pero feeling ko sobra naman 'yon."
"Why sobra?" tanong ni Ejay.
"Naisip ko lang... hindi naman natin siya kamag-anak. At wala rin siyang pamilya dito. For sure, walang masyadong nakakakilala sa kanya." paliwanag ko.
"Ethan, come on. This is the only way, bro," sagot ni Ejay.
"Exactly," dagdag ni Fred. "Hindi ka dapat mahiya. Para rin naman sa kanya 'to."
Lumapit si Alvin at tinapik ako sa balikat. "Aminin mo na lang, dude. Nahihiya ka kasi kapag lumabas ka sa TV, baka ikaw pa ang ma-feature—Ethan Sebastian, ang gwapong naghanap ng isang babae. Pagkakaguluhan ka lang." biro pa niya.
Natawa ako kahit papaano. At least, nabawasan 'yung bigat ng mood.
Pero to be honest, tama siya. Nahihiya talaga ako. Hindi ko nakikita ang sarili kong magmamakaawa on TV. Pero... if it means finding Yonna? Kung iyon lang ang way para magkita kami ulit?
Then f**k it. Let's do it. Swallow my pride na lang. For her, I'll do anything.
~~~~
Sunday ngayon. Walang pasok sa office, at sarado rin ang bar ni Fred kapag weekends. Kaya para sa'min, perfect timing ito. This is it—our last chance to finally see Yonna. Our last card. Kasi dude, kung hindi pa gumana itong plano namin today, I don't even know what else to do. Parang ubos na lahat ng ideya ko.
Bago kami dumiretso sa isang kilalang network station, nag-decide muna kami na magsimba. Alam mo 'yon? Kasi kahit gaano ka gwapo, ka-angas, o ka-cool ng dating mo, kapag hopeless romantic ka at desperado ka sa isang tao, you'll end up holding on to faith. Ako mismo, nagdasal. Sabi ko, "Lord, please. Kung pwede po, bigyan N'yo naman ako ng chance na makita siya. Kahit konting clue lang, konting sign lang."
Honestly, pakiramdam ko mababaliw na ako. Kasi kahit tulog ako, siya pa rin iniisip ko. Kahit sa panaginip, hinahanap ko siya. She's everywhere in my head, dude. Kaya sabi ko, maybe if I surrender it to God, baka sakaling dinggin Niya ako. Malay natin, diba? Nothing is impossible. One day, I know, magkikita rin kami.
Pagdating namin sa network station, sinalubong kami ng guard.
"Naku po mga sir, tapos na po ang audition ng Mr. Pogi," biro pa nito, sabay ngisi.
Nagtinginan kami ng mga tropa ko, sabay kaming natawa.
"Ah, hindi po sir. Mananawagan po sana kami," mabilis na sagot ni Fred.
Napakamot sa ulo si Manong Guard. "Ganun po ba? Pasensya na po. Ang popogi niyo po kasi, akala ko mag-a-audition kayo. Pahiram lang po ng ID."
Dude, imagine. First time ko palang pumunta rito, binansagan na agad kaming pang-Mr. Pogi. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o matutuwa. Pero sige, smile na lang.
So ayun, nilabas naming apat ang mga ID namin at binigyan niya kami ng Visitor's Pass. Pinapasok na niya kami sa loob. At halos lahat ng staff nakatingin samin. Like, legit. Parang nagtatanong sila kung sino kami.
Hindi ko rin ma-deny, I mean, gwapo naman talaga kami. Hindi lang ako nagbubuhat ng sariling bangko. Iba rin kasi 'yung karisma ng tropa ko, lalo na kapag magkakasama kami. Feeling ko, we stand out.
May naririnig pa nga ako na nagtitili-titili habang dumadaan kami.
"OMG! Ang gwapo nila!"
"Pakisagot mo na ako, please!"
"Ang yummy!"
"Pwede ko ba siyang gawing ulam?!"
Bro, I swear. Para kaming K-pop idols na nag-walk in sa hallway ng network. Grabe. Eh hindi ko naman kasalanan na ganito ako ka-gwapo. The struggle is real.
"Dude, I can't blame them," bulong pa sa akin ni Ejay, sabay kibit-balikat. Halatang proud na proud rin siya sa sariling aura niya. Nginisian ko na lang siya kasi baka lumobo masyado ang ulo.
Pinapasok kami ng isang staff sa dressing room. Kinausap kami at hiningi details about Yonna. Ang problema lang, hanggang pangalan lang talaga ang alam ko. Kaya sabi ko na lang, "I need to find this girl. She's important. Pinagbilin siya sa akin ng Mama ko."
Few minutes later, bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang isang babae in a corporate suit, mukhang producer. She interviewed me about Yonna. Pero since wala nga akong complete details, my friends, being the idiots they are, gumawa ng kwento. Bigla na lang nilang sinabi na pinsan ko raw si Yonna.
I was like, what the hell?! Pero sila, cool na cool lang, ngingisi-ngisi pa. Ako, naiipit. Gusto ko sanang i-correct, pero wala akong ibang bala. Kaya deadma na lang. Pinagkibit-balikat ko na lang at hinayaan silang mag-spin ng story.
Surprisingly, gumana naman. Siguro dahil desperate na rin ako, I let it slide. Pero deep inside, hiyang hiya talaga ako. Para akong nagloloko sa harap ng mga tao.
After a few minutes, pinatawag na kami sa studio. Dude, iba 'yung kaba ko. Para akong contestant sa isang reality show na hindi naman ako nag-sign up. Ang daming camera, ang daming ilaw, ang daming audience. First time ko 'to. Para akong masusuka sa kaba.
Pinaupo kami sa couch, tapos yung host naman nasa single sofa. Few seconds later, nag-cue na ang director.
"Magandang araw sa inyo mga gwapong nilalang dito sa mundo! Ako nga pala si Lileth Estevez, ang inyong host," bati niya nang nakangiti.
Shet, parang gusto kong tumakbo palabas. Hindi talaga ako sanay sa ganito. Hindi ako mahilig mag-expose ng sarili ko. Tamad ako sa maraming bagay. Pero again — this is all for Yonna. Kahit nakakahiya, I'll do it.
Then ayun, nag-umpisa na kaming manawagan. Live on cam, in front of the nation. Sinalaysay namin yung kwento na gawa-gawa ng mga tropa ko — pinsan ko raw si Yonna, nawawala siya, kailangan ko siyang mahanap.
And after ten long, embarrassing minutes, tapos na. Finally. Para akong nakawala sa kulungan.
At that moment, I swore to myself—never again. This is the last time I'll put myself out there like that. Kung hindi lang talaga dahil kay Yonna, wala. Hindi ko kakayanin.
But then again... for her, I'll risk everything. Sana lang, this time, mag-work. Sana, makita na namin siya.
~~~~
After the sobrang nakakahiya at cringey na panawagan namin on live television, dumiretso na kami sa isang restaurant. As in, wala nang paligoy-ligoy pa. Gutom na gutom na kami—hindi dahil sa physical hunger lang, kundi dahil drained kami emotionally. Imaginine mo 'yun, gusto lang naming manawagan para mas mapadali ang paghahanap namin kay Yonna, pero ang ending, parang naging instant artista kami. Tinitilian kami ng mga tao na parang ngayon lang sila nakakita ng mga gwapo. Well, technically, baka nga ngayon lang nila nakita ng sabay-sabay. Pero still... weird.
Hindi ko rin naman sila masisisi. Kahit ako, alam kong may dating kami. Hindi ko lang ipinapahalata, lalo na't kilala ko 'tong mga loko kong kaibigan—lahat ng bagay, ginagawang katatawanan.
Pagkaupo namin sa table, parang sabay sabay kaming napabuntong hininga. Exhausted, pero may halong excitement pa rin.
"Hopefully, magpakita na 'yang si Yonna, pre," sabi ni Fred habang parang wala nang bukas kung lumantak ng pesto.
"Oo nga, para kasalan naman ang next," singit agad ni Alvin na may kasamang ngisi.
Automatic, binato ko siya ng tissue. "Bwisit ka, Alvin. Kasal agad? Hindi ba pwedeng honeymoon muna?" I said, half-joking, half-serious.
Tawanan sila, habang ako naman, trying my best to look serious. "Guys, let's make this clear ha," I said, leaning forward, making sure I got their attention. "Ang goal natin dito is to find Yonna. Sabihin sa kanya kung ano talaga ang pakay natin. Period. Pero please lang—huwag n'yong sabihin sa kanya na gusto ko siya. Baka ma-turn off bigla."
Oo, confident ako sa sarili ko. Alam kong kaya kong magpakilig ng babae, I know my charm works. Pero iba kasi si Yonna. Hindi siya basta babae. She's not just someone na pinaalaga lang sa akin ni Mama. She's special. At this time, mas seryoso na ako.
"Ethan, come on," Ejay interrupted, rolling his eyes. "As if kailangan pa naming sabihin. Eh obvious naman. Kahit hindi kami magsalita, mahahalata rin niya dahil papansin ka."
Sunod-sunod na tawanan. Napabuntong hininga na lang ako, pinipigilan ang sarili kong hindi sila batuhin ng kung ano man ang maabot kamay ko. Kahit kailan talaga, mga kumag.
"Remember last year?" biglang singit ni Alvin. "Nung may pinakilala kaming beauty queen sa'yo. Dude, your face! Grabe, hindi ko makakalimutan 'yun. Halos tumulo laway mo."
"Shut up, Alvin." Napa-cover na lang ako ng tenga, hoping they'd stop. Pero hindi. Mas lalo pa silang tumawa at pinagtripan ako.
Kaya I decided to tune them out. Binuhos ko na lang ang attention ko sa food ko habang discreetly looking around, hoping. Praying. Baka, baka sakali, magpakita si Yonna dito.
Then suddenly, my eyes locked on someone.
A girl. Nasa counter siya, nakatalikod. Pero what caught my attention was 'yung apat na malalaking eco bags na hawak niya. As in puno, halatang mabigat.
Napaisip ako kung dapat ba akong tumulong. Gentleman move, diba? Pero what if may boyfriend siya? Baka makulitan pa siya. Awkward naman.
Pero damn. She was sexy. Tall, siguro mga 5'6". Long, straight, jet black hair. Nakasuot ng faded skinny ripped jeans, body-hugging dry fit sando, black converse, at naka-bull cap pa siya. Cool and effortlessly chic.
After paying, she grabbed her takeout. Kitang kita ko na nahihirapan siya sa dala niya, so buti na lang, one of the waiters came to help.
And then—she turned around.
Time stopped.
Hindi lang siya sexy. She was stunning. Beautiful in a way na hindi mo mababalewala.
Pero higit sa lahat... she looked familiar. Too familiar.
Hindi ko namalayan, nakatayo na pala ako. Nararamdaman ko ang mga mata ng mga kaibigan ko sa akin, wondering why I suddenly stood up.
Lumapit ako ng kaunti, squinting my eyes, following her every move hanggang makalabas siya ng resto.
And then, boom.
"Yonna..." bulong ko, halos wala sa wisyo.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin. "What?" tanong nilang tatlo in chorus, may halong confusion.
Napalingon ako sa kanila, medyo natataranta. "Dude, it was Yonna!" halos sigaw ko, sabay baling ulit ng tingin sa labas kung saan siya dumaan.
Pero too late. Nakita ko pa 'yung sasakyan niyang umandar. Wala na siya.
"Why didn't you tell us?" Ejay said, halos nagpa-panic na rin.
"I didn't know she was here, dude!" I snapped back, sarcastic pa. "Sundan na natin bago siya makalayo!"
Wala nang usap-usap pa, lahat kami sabay sabay tumayo at nagmamadali palabas ng resto. Sumakay kami agad sa sasakyan ni Fred. Buti na lang, matalas ang memorya ko—I caught the plate number of the car she rode.
Oh, God. This is insane.
Hopefully, eto na ang final na paghahanap namin kay Yonna.
Please, Yonna. This time... huwag ka nang lumayo.