The Meeting

2175 Words
Isang business meeting ang gaganapin sa mansyon ng mga Vera para sa isang non-profit venture na binubuo ng mga ito para sa kalikasan. "Andami nito Mira. Sobra ka sigurong napagod magluto ng mga ito." Namimilog pa ang mga mata ni Lanie matapos ilabas ang isa sa mga putahe mula sa paper bags na dala ni Mira, "Leche flan! Iba ka talaga bestfriend!" "Ano ka ba naman friendship, syempre alam kong paborito mo 'yan. At dahil matagal ka nang diet kaya puede ka na uli kumain ng mga paborito mo maski konti. Aba e mas payat ka pa ngayon kaysa bago ka nagbuntis." Sa parating na si Mateo itinuro ng asawa ang mga pagkain, "Look! Andami ng dala ni Mira. Ang usapan, pot luck, hindi catering." Natatawang sabi ni Lanie. "Aba Mira, lagot na naman ang running shoes ko nito. Alam mo naman ako, tao lang at mahina. Hindi ko kayang tanggihan ang mga pagkain na iyan." Mula sa veranda ng bagong bahay ng mag-asawang Vera, narinig nila ang pagparada ng isang sasakyan. Dumating ang ilan pang kaibigan ni Mateo, si Trev na may ari ng pinakamalaking commercial leasing company sa bansa at chief finance officer ng Vera Industries na si Alain. Inaasang nasa trentang katao ang darating sa pot luck na ito kasama na ang ilan pang mga kaklase ng mag-asawa nung nasa kolehiyo ang mga ito. Pag-uusapan ng lahat ang pagbuo ng isang bagong foundation para sa climate change na suportado ng Vera Industries. Ang PR company ni Iggy na Cruz Marketing Communications Inc. (CMCI) ang partner nito. Si Miracle ang magiging events organizer sa launching ng foundation. "Ipapatawag ko si Iggy. Nasa nursery siya kasama ng mga bata." Lumilingon-lingon pa si Mateo para ipatawag sa isang kasambahay si Iggy. Narinig ni Miracle ang tinuran nito. "Mateo, ako na ang magsasabi sa kaniya. Gusto rin munang makita ang mga inaanak ko bago tayo magsimula sa meeting." NAPAKATAHIMIK NG NURSERY nang dumating doon si Miracle. Nandito ba sila? Parang walang tao. Sa isang banda ay nakita nitong nakahiga si Iggy, nasa magkabilang kamay nito ang mga bata natutulog nakapikit din ang binata. Nilapitan niya ang mga ito. Kinuha ni Miracle ang batang lalaki, si Miguel. Hinele at hinalikan sa ulo nito bago ibinaba sa kuna. Gayun din ang ginawa nito kay Lyra ang kakambal nitong babae. Nang maibaba ang bata ay hindi muna ito umalis sa tabi ng kuna. Maamo itong nakatingin sa mga bata habang hinahaplos haplos ang mga braso at ulo ng mga bata. She sighed at the sight of those beautiful babies. Napalingon si Miracle nang maramdaman ang pagyakap ni Iggy mula sa kaniyang likuran. Ang labi nito ay humahalik at sinsamyo ang kaniyang buhok. Gumapang ang mga labi nito sa tainga at saka mahinang sinabi, "Bakit ako walang hugs and kisses?" Napangiti itong tumingala sa naghihintay na labi ni Iggy at dinampian ito ng halik. Nang sa lalayo na ang labi nito at hinabol ni Iggy iyon upang palalimin ang halik nito. Natatawang bahagyang itinulak ito ni Mira ngunit hindi bumibitiw sa pagkakayakap ang lalaki. "Eherm..." Hindi pa rin naririnig. Nagtinginan ang mag-asawang Vera. "Eherm..." Sa bigla ay naitulak ni Miracle nang mas malakas si Iggy. Kumawala naman ito at lumingon sa pinanggalingan ng narinig na pagtikhim sa pinto. Nandoon sina Lanie at Mateo na nakatingin sa kanila habang nakataas ang kilay ng mga ito. "BFF, may hindi ka ikinikwento sa akin..." mahinang tanong ni Lanie habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya kay Iggy at Mateo. "Why do I feel that this is a long story that can wait after the meeting?" Pagbasag ni Mateo sa katahimikan. Walang imikang bumaba na ang apat. Nauuna ang mag-asawa na nakatalikod sa kanila. Pilyong umakbay si Iggy kay Miracle na dagling pinalis ng huli ay pinandilatan niyon ng mata. Sa meeting ay hindi maiwasan ni Miracle na ilayo ng bahagya ang katawan mula sa katabing si Iggy. Halata ang unease sa mga ikinikilos ni Mira dahil sa mapanuring mga mata ni Lanie. Minsan ay nahuhuli pa ni Mira na nagkakatinginan ang mag-asawa at may kung anong bahagyang ngiti na kagyat din inaalis ng mga ito. Sunod sunod ang pag vibrate ng phone ni Miracle kung kaya kinuha nito ang cellphone at tiningnan ang pumasok na messages. Napakunot ang noo ni Miracle na galing iyon kay Iggy. Ang unang message nito, "Are you ashamed of me? Why the indifference?" Ang sumunod ay, "Baka magka stiff neck ka sa pag-iwas na tingnan ako." Ang huling mensahe nito, "I'll strangle Trev na kanina pa tingin ng tingin sa iyo. Is that why you're ignoring me?" Nag reply si Miracle dito, "Focus on the meeting! PS- Not looking @ Trev." Eksakatong nag break muna ang grupo para mag meryenda bago ang last half ng meeting nila. Nang magtungo ang karamihan sa nakahandang pagkain, walang paalam na tumalilis si Miracle sa grupo at pumunta sa nursery upang silipin ang mga bata. Hindi iyon napansin ni Iggy dahil may kumausap ditong dating kaklase. Nang makitang tulog pa ang mga ito ay mabilis din bumaba si Miracle upang bumalik sa veranda. Nang pagbaba ng hagdan ay sumulpot si Trev na nanggaling sa gilid ng hagdan kung saan ay may restroom. "Oh hi there Miracle." Bati ng binata. "I'm not sure if you remember me... I'm Trev Asis. Nagkita na tayo sa binyagan ng mga kambal." Inilahad nito ang palad upang makipagkamay. "Of course I remember you." Sagot nito na nakipagkamay din. "I'm on my way back. Why don't you go ahead" Pagbibigay daan pa ni Trev kay Miracle. Naglalakad na silang palabas ng maluwang na veranda at garden nang mamataan ni Iggy na sabay ang mga ito galing sa loob ng bahay. Sa pagtatama ng tingin nina Miracle at Iggy ay napainom ang binata sa hawak na baso ng juice. Ang mga mata nito lumipat kay Trev na di alintana ang matalim na tingin dito ni Iggy. NAGPAALAM NA ANG HULING BISITA ay nanatili pang magkaharap sa mesa ang apat na magkakaibigan. "Mayroon ka bang dapat na ikuwento sa akin?" Pag uumpisa ni Mateo. Hindi na itinukoy nito kung sino ang kausap. "Mind your own business bro..." Sagot nit Iggy dito. Hindi naman natinag si Mateo. Lalo pa itong nambuska, "It becomes my business when the godparents of our sleeping twins were making out in their room." Miracle winced. "No offense meant Mira." May pilyong ngiti sa mga mata Ni Mateo na itinuro si Iggy, "Itong isang ito ang di nakapagpigil." Sumali na rin si Lanie, "And what bothers me most is that my BFF seemed to enjoy the necking." "Stop... Stop... Okay tama na hindi naman kami teenagers na nahuli niyong nag-aaral maghalikan. You're both making Mira cringe." Pagtatanggol pa ni Iggy. "Una, humihingi ako ng paumanhin na hindi ako nakapagpigil. She looked good with the kids. Then I lost it." "You mean spur of the moment? Para kayong aso't pusa sa mahabang panahon tapos bigla na lang gusto mo siyang halikan? Tapos ikaw naman Mira bigla na lang gusto mo magpahalik?" sagot ni Lanie, "Don't get me wrong, you're both adults and available. Nahu-hurt lang ako. Kung matagal na pala ito, di ata nabanggit ng bestfriend ko." Inilabas ang hinampo sa tono nito. "Lailani... I'm sorry friendship. We've been busy. Gusto ko personal kong sabihin sa yo." Pagpapaliwanag ni Mira sa bestfriend. "Tama na rin na nandito tayo ngayon. Get some sense out of Mira. I proposed to her to marry me. She declined me for Pete's sake!" "Anoooo?" Si Lanie ang nagsa-boses ng gulat nilang mag asawa. "I may have gotten her pregnant already and she doesn't want to marry me. Natural gusto ko ibigay ang pangalan ko sa bata... or mga bata in case na kambal din tulad sa inyo." Parang batang nagsusumbong pa si Iggy sa mga kaibigan. Parehong walang nasabi ang mag-asawa sa sunod-sunod ba pagbaha ng mga impormasyon. Excuse me. I'm here, nandito ang pinag uusapan ninyo. "Wait Iggy. Hindi pa naman natin sure..." Pagsabat ni Miracle sa usapan. "Alam mong ie-ensure ko na meron." Pagsagot pa nito. Humarap sa mga kaibigan. "Talk some sense into her. Aakyat lang ako sa mga bata. Daig ko pa na ako nabuntis at nagmamakaawang pakasalan." "Iwan ko muna kayo. Sasamahan ko si Iggy." Pagpapaalam ni Mateo. "WHAT WAS THAT?" Pagpapalatak ni Lanie. Inabot ni Miracle ang braso ng kaibigan. "Friendship... I told him the truth about me. I had a panic attack... the night of the anniversary na ni-rescue ako. Akala ko mapapawi ng mga kasayahan sa binyag ang araw na iyon." Tumigil ito. "Oh, friend. I'm sorry. I could've asked you to stay the night here and be with you." "Iggy spent those two nights sa bahay nitong nagka-habagat. Sarado lahat ng daan nang dahil sa baha and... well... since then he practically lived there. Bigla na lang siya dumadating sa bahay. May two weeks na... Pag akala kong hindi siya dadating at umuwi na sa condo niya parang hinahanap ko na siya. Bigla siyang dadating and then I'm happy." Mahabang paliwanag nito. "Are you in love with him?" "I don't know, maybe." Nangingilid ang luhang sagot nito. "Bakit si Iggy?" tanong ni Lanie. "I don't have anything against him pero mula pa sa simula para na kayong aso't pusa." "Alam mo na yun nangyari sa akin noon has made me aloof na mapalapit ng pisikal sa mga tao. Noon pa lang unang gabi kayong nagkita uli ni Mateo pagbalik mo mula sa Australia, naramdaman ko na Iggy has a certain pull na hindi ko naramdaman sa iba. I tried to mask it sa pang aasar sa kaniya." "Sabi ko na nga ba. Iyang hate factor nyo sa isa't isa e love yan." Kinikilig pang tinuran ni Lanie. "I'm not talking about love here. May aaminin ako sa'yo. Naka schedule na ako magpa in vitro sa Singapore before Iggy and I happened. Gusto ko magkaroon ng sariling pamilya Lanie. Kapareho ng tuwa sa mga mata mo pag kasama mo ang mga kambal." "Oh, Mira." Inabot ng kaibigan ang mga kamay ni Miracle. "Everything fell into place. May nangyari sa pagitan namin and I asked him to make me pregnant instead so I can have a child of my own..." sagot ni Miracle dito. "Kung anuman ang naging dahilan kung paano kayo nagkasama ngayon, mas importante ang magiging hinaharap. You deserve to be happy. Give it a chance. Inalok ka niya ng kasal." "Ang tingin ni Iggy kung sakali man na magbuntis ako ay isang obligasyon. Ayokong matali sya sa isang kasal na dahil lamang sa obligasyon. Tingnan mo ang nangyari sa mga magulang ko. Naghiwalay din sila." Si Miracle NAKAPASOK ANG MGA KAMAY SA BULSA ni Iggy. Matapos manggaling sa nursery ay dumiretso sila ni Mateo sa balcony ng bahay nito. Mateo's legs were stretched in front of him, arms crossed over his chest na tinanong si Iggy. "Bro, ang sa akin lang, si Mira ay matalik na kaibigan ni misis. Pag magkaka-issue kayong dalawa, asahan na natin na magkakampi sila." "At sinasabi mo ba na kakampi ka naman kay Lanie?" balik na tanong ni Iggy. "Hindi ito laro para sa akin. Ang nakataya dito at ang pangalan ng magiging anak ko... or who knows baka umabot pa na makabuo kami ng basketball team diba?" "Get serious, man..." "But I am. Don't take me wrong. Seryoso ako na pakasalan si Mira. I even asked her to go to Vegas para mabilis." "At bakit tingin ko alam ko kung bakit di niya tinanggap. The woman is resisting to fall in love with you. Maybe she already has. Halos lahat ng magazines kada linggo iba iba ang mga babaeng kasama mo." "Look bro, tama ka sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko rin alam kung ilan na sila... I even forget their names the morning after. Pero si Mira lang ang babae na hindi ko maiwan-iwan. Hinahanap-hanap ko siya pag nagkakahiwalay kami. Since we got together there has been no other than Mira. It's crazy." "Are you saying you're falling in love with Mira? If you are then that's great. Mas magandang dahilan yan para pakasalan mo siya." Natigilan si Iggy sa tanong ng kaibigan. "Hindi ko alam. Alam mo naman na matagal ko nang isinara ang puso ko. But I think I can be a good father and good to Mira." "Good 'what' Iggy?" "A good person, friend, lover? Good provider. Puwede rin driver, or maski ano mang puede kong gawin para sa kaniya." Iiling-iling na lamang si Mateo sa sagot Iggy, "You can be a lot to her yes and yet won't be enough. Pero baka isa lang ang gusto ni Mira na maging papel mo sa kaniya." Tinapik tapik nito ang balikat ng kaibigan. "Kaibigan kita, kapatid na halos. Ayoko lang na kaya ka masasaktan sa bandang huli ay dahil masyado mong sinara ang puso mo. Maybe it's time to let go of Kaye, Iggy." Lito ang isip na hindi malaman ni Iggy kung ano ang dapat maramdaman, "I don't know Mateo. But by all that I have, Mira has to marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD