Magulo ang buhok, maitim ang palibot ng mata na halatang walang tulog, gusot ang suot na amerikana, at hindi mapirmi sa kinauupuan niya ang ama ni Ashton na nasa labas ng ICU (intensive care unit) kung saan nakahiga si Ashton at may maraming makinang nakalagay sa katawan nito. Dining na dinig niya sa labas ang tunog ng life support ng binata. Natatakot siya na bigla na lamang ay marinig niya ang tuluyang huminto ang hininga ng kanyang anak. Kagabi, nasa office pa rin siya at tinatapos ang isang documents ng makatanggap siya ng tawag galing sa isang numero na hindi niya kilala. Nang sagutin niya ang tawag ay nanlambot ang buong katawan niya nang sabihin ng tumawag na dinala sa hospital ang anak niya. Mabilis na lumabas siya ng H.E&C at nagmaneho papunta sa hospital, nadatnan niyang nasa loo

