Chapter 14

1704 Words

Kanina pa nakaparada ang kotse ni Ashton sa gilid ng kalsada malapit sa bahay ni Marshmallow pero wala pa rin siyang kakilos-kilos doon para pumunta sa bahay nito. Nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba niya ang usapan nila ng ama ni Marshmallow o hindi. Aminado kasi siyang wala sa plano niyang mangyari ang araw na 'to. Alangan namang basta na lang siya susulpot sa bahay nito at sasabihing pinapatawad na niya ito? Hindi kaya masyadong madali 'yun? Parang halata naman yatang may hidden agenda siya sa gagawin niya. Idagdag pa na malamig talaga ang pakikitungo niya rito at palagi siyang naka-angil dito. Hindi kaya ito magsu-suspetsa sa biglaang pagbabago niya? Napahilot siya sa sentido at mariing pumikit, sumandal pa siya sa backrest at napaungol. Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD