Tatlong araw na ang nakalipas simula ng maaksindente at ma-comatose si Ashton ngunit hindi pa rin ito nagigising. Palagi siyang nakabantay dito at kinakausap, umaasang dumilat ang mata nito at ngumiti sa kanya o kaya ay marinig ang tinig at mga biro nito. Ang sikip kasi dibdib na nakikita niya ang lalaki na hindi sumasagot sa mga sinasabi niya. Palagi rin niyang sinasabi na namimiss na ito ni Nigel na hinayaan niyang sa magulang muna niya tumira. Hindi alam ng bata ang kalagayan ng ama nito dahil natatakot siyang sabihin dito. Ang sinabi na lang niya ay nasa ibang bansa ulit ang binata at nagtatrabaho. Sa mga nagdaang araw din, nawalan na siya ng komyunikasyon kay Byron dahil sinadya niyang patayin ang cellphone niya para alagaan ang una. Hindi kasi niya alam kung paano ipapaliwanag dito

