Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng family day nina Nigel ay bumalik na uli sa trabaho niya si Ashton. Bumalik na rin sa rati ang routine na sa weekend magba-bonding ang mag-ama. Ang kaibahan nga lang ay doon na sa bahay niya magba-bonding ang dalawa dahil sa pakiusap ng kanyang anak. Kahit naman tumututol ang utak niya ay wala siyang magagawa. She can't let her son mad at her because of this. Ang ginagawa na lang niya ay ang nagkukulong siya sa studio niya o kaya ay sa kuwarto niya, katulad ngayon. Katatapos niyang naligo at kukuha sana ng underwear sa drawer ng mapatingin siya sa hindi pa nabubuksang pakete ng napkins. Nagtatakang kinuha niya iyon at kumunot ang noo. Noong nakaraang dalawang buwan pa yata niya binili ang napkins. Hindi ba siya dinatnan sa nakaraang dalawang buwa

