Chapter 6

1608 Words

Present "Ilang ulit ko bang sinabi sa'yo na hindi ako uuwi!" nairitang asik ni Mallou kay Ashton na biglang sumulpot sa strawberry house na regalo ni Zion kay Shanna para maligawan daw ulit ang babae. Kung kanina ay masaya siya para sa kaibigan ngayon naman ay sirang-sira na ang mood niya sa biglaang pagsulpot ng lalaking 'to. Siguro ay nalaman nito na narito siya dahil nasabi niya sa yaya ng anak niya na pupunta siya rito para tulungan si Zion na ayusin ang magiging office sana ni Shanna rito. "Stop acting childish would you?" naasar din na angil ng binata sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito na parang kakaladkarin na siya pauwi sa bahay ng parents niya. Nilabanan niya ang matalim na tingin nito at nagtaas siya ng noo at sinalubong ang mata nito. "I'm not!! Bakit ba ang kulit mo??"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD