"Hoy!! Ashton. Gising!!!" Naramdaman niya ang marahang tapik sa pisngi niya. "Kakalbuhin talaga kita 'pag hindi ka nagmulat ng mata." Darn!! Why does he keep hearing Shanna's voice?? Is he dreaming? Why does it looks so real. Nang may unan na humampas sa mukha niya ay napabalikwas siya ng bangon. Agad siyang nakaramdaman ng hilo kaya napapikit siya. "Damn!! My head hurts!!" paungol na daing niya. "Iinom-inom ka tapos magrereklamo ka na masakit ang ulo mo!!" sermon ni Shanna sa kanya. "How the hell did you get in?" nalilitong tanong niya. "Ugh!!! You're really hopeless!!!" naasar na sambit nito at iniabot sa kanya ang sopas. "Kumain ka na nga lang para makainom ka ng gamot. I have very important thing to tell you," sumeryoso ang tono nito. Inabot niya ang sopas at patingin-tingin dito

