Pagkatapos nilang mag-agahan ng magulang niya ay nagpaalam siya saglit na tatawagan niya muna ang mag-ina. Pumunta siya sa may gazebo bago tinawagan ang numero ni Marshmallow. Ilang ring lang ang linya ay sinagot na nito ang tawag niya. "Hey! Nasan kayo?" pambungad na tanong niya. "Oh! Ashton. Nandito pa kami sa bahay. Mamaya na kami lalabas para bumili ng school supplies ni Nigel, bakit?" sagot nito. "I see! Hintayin n'yo ako at sasamahan ko na kayo. Wala naman akong gagawin ngayon," wika niya. "Sige. Sasabihin ko kay Nigel. Anong oras ka ba pupunta rito?" "Mamaya lang saglit. Just wait for me there. Bye!" Pinatay na niya ang linya at ibinulsa uli ang gadget. Sa totoo lang hindi naman na niya kailangang samahan pa ang dalawa sa pagbili ng gamit ni Nigel para na rin mag-bonding ang ma

