PRESENT Pakiramdam ni Ashton ay galing siya sa ilalim ng tubig at suminghap siya dahil ilang oras siyang nasa ilalim at hindi makahinga. Feeling din niya ay namatay siya ng ilang oras at umalis ang kaluluwa sa katawan bago bumalik uli. Pakiramdam rin niya ay nanaginip siya, ngunit tungkol sa mga nakaraan. Noong mga bata pa sila ni Marshmallow at walang ginawa kundi ang magbiruan na parang walang katapusan. And after his dream and wake up, he felt like it was a movie that played in his mind. Mga nakaraan nila ni Marshmallow na nakatago sa likod ng utak niya na matagal na niyang nakalimutan. Mga bagay na pilit niyang tinatanggi sa sarili noon. Sa pagkaalala sa nakaraan na 'yun ay nabuhay ang isang bagay na matagal na rin niyang iniignora at hindi binibigyang pansin. Natatakot siyang amini

