CHEERS

2125 Words
"You know what's scary? It is when you try to forget someone but always ends up frustrated. You try to wipe him in your mind, but he haunts you like a ghost." Dalawang linggo pa ang lumipas. Dumating ang hell week namin- examination week. Naging abala ako sa pag- re review. Kadalasan ay madaling araw na rin akong natutulog dahil kailangan kong basahin ang notes ko nang paulit- ulit. Sinasamahan ako ni Phil sa pag- rereview ngunit palagi siyang nakakatulog sa aking binti. "Good luck sa exams mo, love," nakangiting sabi ni Phil bago kami naghiwalay patungong departments namin. Ngayon ang umpisa ng examination week dito sa Mapua. Habang naglalakad ako sa hallway, nakikita ko ang mga kapwa ko estudyanteng busy sa pagre- review. Nang malapit na ako sa aming classroom, sakto namang nakita ko si Thalia na palabas ng classroom. Sinalubong niya ako. May nakita akong isang maliit na pimple sa kanyang mukha kaya naman niloko ko siya. "Sis, wait. Galit yang pimple mo ha. First time kong nakita na nagka- pimple ka," panloloko ko kay Thalia. "Let's not talk about my little pimple, sis. Yan ang nakuha ko sa kaka- review hanggang 4 AM," she responded as she removed the shades that she is wearing. Nakita ko ang nanggagalaiting eye bags niya and that made me believe na tulad ko, napuyat din si Thalia sa kaka- review. Nagpasama siya sa akin sa canteen upang bumili ng pagkain. Nang bumalik kami sa building namin ay nakita namin ang aming mga classmates na pumapasok na sa aming classroom. Pumasok na rin kami ni Thalia at nagulat nang nasa classroom na pala namin si Mrs. Amboya na siyang proctor namin ngayong examination week. Bumati siya sa amin tapos nagbigay ng ilang mga reminders para sa amin. Nag- umpisa na nga kami sa unang test namin. Tatlong subjects ang tinapos namin ngayong araw at umuwi akong ubos na ubos at pagod na pagod. Sumakit ang ulo ko dahil nagsabay- sabay sa first day ang mga major subjects namin. "Kumusta, love?" tanong ko kay Phil nang nasa apartment na kami. Tumawa lang ito sa akin at sinabing, "basic" lang daw ang exams nila. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako kaagad pagkatapos naming kumain ng dinner. Ganito ang naging eksena sa buong hell week. Kung hindi lutang dahil sa puyat, ngarag naman dahil sa exam. Araw- araw akong umuuwing pagod. Kahit pala sanay na akont mag- test noong high school, ibang iba pala ang major examinations sa college. Hindi lang puro multiple choice. May pa- identification, enumeration, modified true or false, at essay. Dahil sa halo- halong type of tests namin, na- culture shock kaming lahat. "Sa wakassssssss!" sigaw ni Thalia habang lumalabas kami sa classroom namin. Ngayon ay Friday at katatapos naming mag- exam sa last subject namin for this hell week. Hindi ako makapagsalita dahil iniisip ko yung mga sagot ko kanina sa exam. Wala akong masyadong naintindihan sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Thalia. "Sis! Nakikinig ka ba sa akin o nakikipag- usap ako sa salamin?" naiinis na reklamo niya sa akin. Kanina pa kami naglalakad ni Thalia patungong Beautiful Life Café at kanina pa siya nagkwe- kwento sa akin samantalang ako, binabalikan ko pa rin sa aking isipan ang mga sagot na hindi ko sigurado kanina. "Ah, sorry, sis. Iniisip ko kasi kung tama ba yung mga sagot ko kanina. Naloka ako. Bakit may mga lumabas sa test na hindi naman na- discuss?" utas ko. "Sis, tapos na. Just let it go. Mag- order na tayo pampakalma sa mga ninerbyos na neurons natin," Thalia said. Nag- order kami ng milk tea. Dark chocolate ang inorder ni Thalia samantalang yung favorite Taro flavor naman ang inorder ko. Umupo kami sa isang table. "You know what, after this hell week, we deserve to go out and have some fun," ito ang sabi ni Thalia habang may nagi- scroll siya sa kanyang phone. Pinakita niya sa akin ang picture ng isang club. "This is Elite Club. We own this club. Just in case you would like to chill." Businessman ang dad ni Thalia. According sa narinig ko sa klase namin, his dad is listed as one of the Top 100 Businessmen in the Philippines. Marami silang properties and investments. Isa na rito ang Elite Club na sikat na sikat dito Vista City. "Of course I know about the Elite Club. Pero I did not know that you own it," saad ko. "So, ano? G ka tomorrow? You can invite Phil and Denisse. It's on me," pagyayaya ni Thalia. I like the idea of attending a party as a way of stress reliever. So I said "sure". Agad kong sinabi kay Phil ang tungkol sa invitation ni Thalia. Nag- yes na rin si Denisse. Medyo nahihirapan lang akong kumbinsihin si Phil who is worried about me considering what happened the last time I was drunk. "Seryoso ka? Parang kailan lang nung halos di ka na magising last Night of Lights eh tapos pa- party ka na naman?" naiinis niyang sabi sa akin. "I'll drink moderately na. Tsaka di na kita iiwan. Sa tabi mo lang ako," I pleaded with my paawa face "Just make sure na you'll be more responsible na." At last napapayag ko rin si Phil. Kinaumagahan, maagang nagpaalam sa akin si Phil na kailangan daw muna niyang puntahan si dad niya sa karatig- probinsiya dahil may mahalag raw silang pag- uusapan sa kanilang business. Halos buong araw akong natulog pambawi sa mga araw na kulang na kulang ang tulog ko. Kinahapunan, nagising ako dahil sa kumakatok sa pintuan. "Arghh! Sino 'yan?!" pasigaw kong tanong. "Si Denisse ito, Jacob. Buksan mo bilis." Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko sina Denisse at Phil na magkasamang naghihintay sa labas ng apartment. May hawak na box ng pizza at drinks ai Thalia. "Magkasama pala kayo ni Phil?" tanong ko kay Thalia habang ibinababa niya ang hawak niyang pizza at drinks. "Nakita ko siya sa mall kanina, sis," bigkas ni Thalia. "Ahh, yes. We bumped into each other earlier at the City Mall when I was buying a shirt for tonight," sabat ni Phil. "I bought you a shirt," dagdag niya sabay hagis sa akin ng isang yellow na polo shirt. Isinawalang bahala ko na lamang ang masamang kutob ko kina Phil at Denisse. Kinain namin ang dala- dalang pizza ni Denisse at naligo na ako pagkatapos. Mag- se 7 na ng gabi nang naka- alis kami sa apartment papunta sa Elite Club. "Sis, where are you?" ito ang nabasa kong message sa akin ni Thalia. "On our way," reply ko. Nakasakay kaming tatlo ngayon sa sasakyan ni Phil. Muli akong nagtaka dahil may sasakyan naman si Denisse. Tinanong ko siya kung bakit hindi niya dala ang kanyang kotse at sinabi naman niya sa aking hindi siya nagdra- drive kapag pupunta siya sa party dahil delikado raw para sa kanya. I think it is a valid reason naman kaya hindi na ako nagtanong pa. Nang makarating kami sa club, bumaba kami sa parking lot nito at naglakad patungong entrance. Nang makalapit kami rito, nakita namin si Thalia na nasa labas at naghihintay sa amin. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan nang makita niya kami. Ngumit ay kumaway siya sa amin. Habang naglalakad kami, napatigil ako nang na- realize kong naiwan ko ang aking cellphone sa loob ng sasakyan ni Phil. Medyo malayo na kami sa parking lot nang ma- realize ko ito. Hiniram ko na lamang ang susi ng sasakyan ni Phil at sinabihan silang mauna na sila sa loob. Mag- tetext na lang ako kay Phil kako. Naglakad ako pabalik sa parking area at kinuha ang cellphone ko. Mga 5 minuto rin akong naglakad papunta sa parking area at pabalik sa entrance ng Elite Club. Nang nandoon na ako sa entrance ay nakita kong wala na sina Thalia. "Do you have a reservation code, sir?" tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ng pintuan. "Wala po, kuya. Pero I'm a friend of Thalia po," sagot ko. "Sir, paki- tawagan na lang po si ma'am Thalia para ma- confirm po natin," pahayag sa akin ng lalaki. I dialled the number of Thalia but her phone seems to be turned off. I called Phil at sinagot niya ang tawag ko. "Love, pakisabi kay Thalia na balikan niya ako rito sa entrance. Di ako makapasok nang walang reservation code," sabi ko kay Phil. "What? Love, I can't hear you. Papunta kami sa VIP lounge," salita ni Phil. Halos hindi ko rin siya marinig dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng club kaya pinatay ko na lang ang tawag ko. "Sir, ano ba?! Pagilid na muna kayo kung wala kayong code. Gagawa pa kayo ng kwento eh," galit na sabi sa akin ng lalaking ito na mayroong malaking katawan. Namro- mroblema ako ngayon kung paano ako makakapasok. Nakatayo pa rin ako sa entrance at hinihintay ng lalaking nasa harapan ko ang reservation code. "He's with me," sambit ng lalaking nasa likuran ko. Kumunot ang noo ko dahil tila pamilyar ang boses na ito. Lumingon ako at hindi makapaniwala sa nakita ng dalawang mata ko. "Good evening, sir Nathan. Pasok na po kayo," magalang na pahayag ng lalaking kanina lamang ay ang sungit sungit. Matangkad, moreno, may matang nakakatunaw ang tingin, at may bigoteng nakaka- akit. It was Nat. Siya ang lalaking nasa likod ko kanina pa at siya rin ang dahilan kung bakit ako pinapasok sa club kahit wala akong pinapakitang reservation code. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nauna siyang naglakad papasok ng club at sumunod naman ako. "Nat? Ano... ahh, ehh, anong ginagawa mo rito?!" nilakasan ko ang boses ko nang tanungin ko ito kay Nat. "To have fun with someone," sagot niya. Tila kinilig ako sa sinabing ito ni Nat dahil iniisip kong ako ang tinutukoy niya. Tuloy- tuloy lang kami sa paglalakad. Naramdaman kong nag- vibrate ang aking cellphone at nang buksan ko ito, nabasa ko ang message ni Phil. "Second floor, VIP lounge." Ito ang nakalagay sa message niya. "Saan ka pupunta? May kasama ka ba tonight?" tanong sa akin ni Nat. Sa tuwing tumititig siya sa akin ay tila akong yelo na hindi makagalaw at unti- unting natutunaw. Hindi ako makasagot agad at hindi ako makasagot nang maayos kapag kinakausap niya ako. Sumasabay ang kabog ng dibdib ko sa beat ng tugtog. "Ahh, ehh wala. Ay meron pala. Sa VIP lounge kami," magulo kong sagot sa kanya. Nakita ko naman siyang tumawa nang naoansin niyang kinakabahan ako. "Cool. Sa VIP lounge din kami," banggit niya. Pareho kaming papunta sa VIP lounge kaya naman sabay kaming umakyat sa second floor. Nang makarating kami sa harapan ng VIP lounge, nagpaka- gentleman si Nat at binuksan niya ang pintuan. Medyo mahina na lamang ang music dito sa VIP lounge na mayroong dalawang grupo ng mga nag- iinuman. Nakiita ko sina Thalia sa isang table na masayang nagkwe- kwentuhan. Tumingin ako kay Nat na kasama ko pa ring naglalakad papunta sa table nina Thalia. Naisip kong ipakilala siya sa mga kaibigan ko. Lumingon silang tatlo sa amin. Nang makita kami ni Thalia ay ngumiti siya samantalang isang masamang tingin naman ang ibinigay sa akin ni Phil. Samantalang itong si Denisse, mukhang gulat na gulat na makita kaming magkasama ni Nat. "Come here," Thalia said as she offered the remaining space in the couch for us. Tumayo silang tatlo at hinihintay na ipakilala ko si Nat sa kanila. Si Denisse lamang ang nakakakilala kay Nat. Si Phil naman, kilala lang siya sa picture. Hindi naman kilala ni Thalia si Nat. Or so I thought. "Nathan?" tanong ni Denisse. "Magkakakilala na pala kayo?" nakangiti paring tanong sa amin ni Thalia. "Anyway, guys, this is Nate, my boyfriend. Nate, this is Denisse, Phil, and Jacob... they are my friends." Tila ako yelong nabuhusan ng mainit na tubig nang malaman kong si Nat ang tinatawag na Nate ni Thalia na boyfriend niya. What?! Paano nangyari ito?! Pinagloloko ba ako ng tadhana?! Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Hindi ako naka- imik. Napangiti na lamang ako na tila masaya subalit hindi maipagkakaila ang gulat at lungkot na sinasabi ng aking mga mata. Nakipagkamay si Nat kay Phil. Niyakap naman niya si Denisse. Ibinaling ni Nat ang kanyang paningin sa akin at ngumiti. "Kob! Kumusta?" tanong niya bago ako yakapin. Hindi ko siya sinagot dahil hanggang ngayon ay balisa pa rin ako dahil sa mga nangyayari.Tila ako nasasakal sa ganitong set up namin. Nasisikipan pa ako sa malawak ni lounge kung saan kasama ko si Phil na boyfriend ko, si Nat na childhood love ko, at si Thalia na friend ko at girlfriend pala ni Nat. Itinaas namin ang aming baso. "Cheer to our love and friendship," masayang wika ni Thalia. "Cheers!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD